"Hindi, sasabay ako kay Naia." Pabagsak akong umupo ulit sa couch. Hinawakan ko ang noo ko at pasimpleng minasahe.
"Where's Naia?" Azi sat beside me.
Hindi ako sumagot at pumikit ulit. Hilong-hilo talaga ako. Gusto kong matulog. Narinig kong nag-order si Azi ng tubig.
"Drink this." Dumilat ako at ininom ang tubig na hawak niya. Ayokong magka-hangover nang malala bukas, 'no.
"Stand up, I'll get you home." Utos niya pagkatapos kong uminom. Tumayo siya at tinignan ako, hinihintay akong tumayo rin kagaya niya.
Gusto ko ng umuwi pero hindi ko p'wedeng iwan sila Naia. Mga lasing na rin ang mga 'yon. Saka baka mag alala sila kapag umalis nalang ako bigla.
"No.. Sasabay ako kila Naia nga! I can't leave them here, ako na lang ang pag asa nilang makauwi nang buhay!" Sinipa-sipa ko ang hangin.
"Oh? Then where the hell is Naia?" Tanong ulit niya.
"Ask the turtle." Hindi ko rin alam, e. He frustratingly sighed. Nakita kong umalis siya kaya humiga na ako sa couch. I groaned. Fuck, I'm fricking dizzy. Maya-maya pa ay nasusuka ulit ako kaya tumakbo ulit ako papuntang CR. Paglabas ko ay nakasandal na si Azi sa pader sa may gilid ng pinto.
"Cloud will take your friends home. Makakauwi na sila nang buhay." He plainly looked at me.
"Huh? Cloud?! Pa'nong si Cloud?"
"Tinagawan siya ni Lei. He's on his way."
I played with my fingers, nakakahiya naman. Naabala pa namin sila. "Thank you. Sorry at naabala pa namin kayo."
Tumitig lang sa 'kin si Azi. "Let's go, I'll take you home."
Ngumiti ako nang nakakaloko nang may maisip ako. Dahan-dahan akong lumapit sa kan'ya at itinaas ang kwelyo ng polo shirt niya para hindi magdikit ang balat namin bago ko pinalibot ang braso ko sa leeg niya. I then grinned like an idiot.
Nagulat siya sa ginawa ko.
"Saan? Sa condo mo?" I teased.
Agad na nagkasalubong ang makapal niyang mga kilay. "Sa bahay mo."
Tumawa ako at nagpabigat sa kan'ya kaya wala siyang nagawa kung hindi ang hawakan ang baywang ko para suportahan ang bigat ko.
"Gusto ko sa condo mo." I pouted. Hindi ko na kontrolado ang mga pinagsasabi ko. Pagsisisihan ko talaga 'to bukas.
"Shimmer, you're drunk. Umuwi na tayo." Azi said while staring intently at me.
"Ang pogi mo, 'no?" Tinitigan ko siya pabalik, ignoring what he said earlier. Our faces were only inches away from each other. Inismiran niya lang ako saka ako binitawan. Muntik na tuloy akong matumba kaya napahawak ako sa pader.
"Fuck! Ang sama mo!"
He fixed his collar and silently tied the two of us together in the same handkerchief. Nagpahila na lang din ako sa kan'ya paalis. Uwing-uwi na rin naman ako.
"Bakit through handkerchief mo na lang ako hinihila? Parang dati lang sa buhok mo pa ako hinila." May sama ng loob kong lintaya nang maalala na naman ang first meet up namin. Hindi siya sumagot at tuloy-tuloy lang ang lakad niya.
"Hoy, Azi!" I called.
Walang reaksyon niya akong nilingon, bakas sa mukha niyang naririndi na siya sa sobrang ingay ko.
YOU ARE READING
PHANTASMAGORIA
Mystery / ThrillerAlmost got hit by a car, Delancy Shimmer Cuevas is saved by a mysterious guy who immediately vanished in just a blink of an eye just as when she was about to introduce him to her friend. When their paths happened to cross again at the local bar, Shi...