To: Engr. Falexio
are you free tonight? i'll return the coat now
Wala rin naman akong choice kung hindi ang kitain ulit siya. Hindi nagre-reply si Naia sa 'kin at parang na-trauma ako sa site after my accident so it's better to do the safest way which was to meet him personally.
Nag-reply kaagad siya.
From: Engr. Falexio
Are you sober now?
My eyes rolled in an instant when I read his text. Umuwi na rin ako no'n pagsapit ng umaga at may hangover pa. Wala akong masyadong maalala sa nangyari sa 'ming dalawa ni Aziel noong gabing iyon. Konti lang at malalabo pa. Ngunit isa lang talaga ang malinaw sa 'kin. Iyong magkasama silang dalawa ni Harukiah sa bonfire!
I immediately typed a reply.
To: Engr. Falexio
what do you care? just answer the damn question
From: Engr. Falexio
Just return it to me tomorrow.
Ayon nga at maaga ako kinabukasan. Around 9 AM ay nasa harap na ako ng building ng Gonzales Group. Sumakay ako ng elevator papunta sa floor ng office ni Aziel.
"Si Engineer Falexio?" Tanong ko sa isang empleyado.
"Nasa office niya, Ma'am." Tinuro ng lalaki ang isang pinto sa gilid na may nakalagay na pangalan.
Engr. Aziel Seven Falexio
Head EngineerI knocked at the door before coming in. I immediately saw him ready to leave his office while holding some folders. Hindi siya nagulat sa biglaang pagsulpot ko ngunit napahinto siya at nilagay na lang ulit ang folders sa desk n'ya.
"Hey, good morning," Aziel greeted formally. He didn't flash a smile.
"Good morning, here's your coat," tugon ko agad. Hindi na ako lumapit sa kan'ya at itinaas na lang ang dala kong paper bag. I was waiting for him to take it.
Agad niyang kinuha sa 'kin iyon at tinignan pa ang laman. Magsasalita na sana ako nang unahan niya ako.
"Thanks. You may go now." Nagmamadali niyang sabi at nilagay sa desk niya ang paper bag.
"Okay."
Dahan-dahan kong isinara ulit ang pintuan pero binuksan niya rin agad iyon para makalabas siya. Tahimik na lang din akong naglakad paalis. Hindi ako mapakali dahil ramdam ko pa rin ang presensiya niya sa likuran ko.
"Are you following me?" Inis akong lumingon kay Aziel. Nakasunod kasi siya sa 'kin palabas hanggang sa corridor.
"What? I am going to the elevator, too." Aziel was a bit confused.
Tinalikuran ko agad siya at naglakad na lang ulit. How dumb of me to think that he was following me! Nakakahiya! Saka ko lang naalala na paalis na rin pala siya ng office niya kanina kung hindi lang ako pumasok.
Saktong pagdating ko sa tapat ng elevator ay bumukas ito at iniluwa ang iilang empleyado, kasama na roon iyong dalawang babaeng empleyado na halatang may gusto sa lalaking kasama ko. Ang paraan pa lang ng paninitig nila kay Aziel ay parang huhubaran na nila. The two women immediately smiled widely.
"Good morning, Engineer Falexio!" The woman in a yellow blouse giggled. Lumabas na sila ng elevator kaya tumagilid ako para pumasok na sa loob.
"Good morning," Aziel greeted back. Hindi siya nakapasok sa elevator dahil nakaharang pa ang dalawang babae sa labas ng pintuan.
YOU ARE READING
PHANTASMAGORIA
Mystery / ThrillerAlmost got hit by a car, Delancy Shimmer Cuevas is saved by a mysterious guy who immediately vanished in just a blink of an eye just as when she was about to introduce him to her friend. When their paths happened to cross again at the local bar, Shi...