CHAPTER 34

51 3 0
                                    

"Dito mo na lang ako ibaba..." sabi ko kay Aziel nang makarating kami sa tapat ng isang construction site din. Natanaw ko agad ang kotse ko sa hindi kalayuan. Nakasandal doon si Migo. Mukhang siya rin ang engineer nitong ginagawang gusali na 'to.

Hindi na nagsalita si Aziel at hininto na lang ang kotse niya. "Ang tsinelas ko pala, Shim. Nakalimutan mo yatang isauli," pagpapaalala niya noong nakalabas na ako ng kotse niya.

"Ah, oo nga pala. Ipapadala ko kay-"

"No. I want no one other than you to bring it back to me..." agad niyang wika.

Napakunot saglit ang noo ko sa sinabi niya. Bakit kailangang ako pa? Masiyado siyang halata.

"Uh... okay." Tumango-tango na lang ako. "Salamat.." I smiled at him before I closed his door.

"Take care," I heard his muffled voice from inside.

Kinuha ko na kay Migo ang kotse ko at nagpasalamat sa kaniya. Tapos dumiretso na ako sa bahay ng kaibigan ko sa Q.C. at doon na kumain ng lunch. Lumabas pa kami kaya gabi na noong nakabalik ako ng condo.

I couldn't sleep so I decided to paint what I was feeling at the moment. Iniisip ko ang lahat ng sinabi sa 'kin ni Aziel kanina habang nagpipinta.

What he said to me was too good. Too good to hear that it pained me again. Kung totoo nga ang sinabi niya at gusto niya akong subukan ulit, hindi ko alam kung gusto ko pa bang makipagbalikan ulit sa kan'ya. Ang dami ko pang tanong at ang dami niya pang dapat na ipaliwanag sa akin. At kung totoo man iyong mga sinabi niya sa akin, gusto ko ring manghingi ng sorry sa kan'ya dahil nasaktan ko rin siya. We were both hurt that time and I also did him wrong..

Bumuntong-hininga ako nang makita ang finish product ng ginawa ko. Magulo. Walang kaanggu-anggulo. Kagaya ng nararamdaman ko ngayon, hindi ko rin maintindihan kung ano ba talaga ang gusto kong iparating sa artwork na to. Sa huli, tinapon ko lang din iyon.

The next day, I went to the gym. Pagkapasok ko roon ay nandoon si Aziel. He's lifting weights. Nang mapansin niya ang presensya ko ay lumingon siya sa akin at ngumiti. I smiled back at him and put my duffle bag on the floor. Tinali ko muna ang buhok ko sa bun bago ako pumunta sa treadmill katabi ng sa kaniya.

"Good morning," he greeted. He was also jogging on the other treadmill beside mine.

"Good morning," I greeted him back.

"Nag-breakfast ka na?" Tanong niya kaagad. Ayan na naman siya at ang iconic niyang linya.

"Hindi pa..." I replied honestly.

"Breakfast together?"

"Okay," pagpayag ko. Hindi ko alam kung maa-awkward ako o hindi sa presensya niya ngayon dahil sa sinabi niya kahapon. Mukhang namamansin pa rin naman siya kaya nabawasan ang hiya ko. Ang dami-dami ko pa namang sinabi sa kan'ya. Idagdag mo pa pala iyong nalasing ako roon sa resort. Bakit ko ba sinabi 'yon?! Ngayon ko lang ulit naalala! Mabuti at walang binanggit si Aziel tungkol doon at maayos pa rin ang pakikitungo niya sa 'kin matapos ko siyang tawaging sinungaling at manloloko.

We ate in a restaurant after leaving the gym. Light breakfast lang ang in-order namin pareho. Napatitig ako sa kan'ya saglit nang mapansing bagong gupit pala siya. Now, he looked more handsome and clean.

"I forgot to bring your slippers. I should've expect you in the gym. Palagi ka yatang nandoon?" I started the conversation.

"Yeah, it's near my condo." He smiled. Kahit location ng lalaking 'to ay malapit sa 'kin. Grabe. Dati siguro siyang langaw sa past life niya.

PHANTASMAGORIA Where stories live. Discover now