Panay ang reklamo sa 'kin ni Rei kung gaano raw kahirap ang IT. Mag-shi-shift na lang daw siya ng program at magnu-nursing na lang tulad ni Rowan dahil mukhang chill lang naman daw roon. Sobrang inis na inis siya dahil ang bababa ng mga nakuha niyang scores sa exams. Ginawa naman na raw niya ang best niya para roon. Hindi niya lang alam na sinusumpa na rin ni Rowan ang program niya.
“Anong chill? Mantakin mo dapat mataas lagi ang GWAs mo dahil required 'yon! Sabay-sabay pa ang mga critical exams halos kada linggo. Sobrang demanding pa ng mga subjects kahit na minors lang. Kung gusto mong mag-nursing, you should be studious! Hindi 'yon bagay sa 'yo, Rei!” Bulalas ni Rowan.
“Magsu-sugar daddy na lang ako, ayoko nang mag-aral. Final na 'to!” Pinag-krus naman ni Rei ang mga braso niya sa dibdib niya. Napaka-reklamador talaga.
“Walang madali sa mundong 'to, Rei,” Rowan said. “Bawat tagumpay ay kailangang paghirapan.”
“Mag-aral ka na kasi nang mabuti, beh. Don't sleep in class. Magbagong buhay ka na,” I added.
Hindi na maipinta ang mukha ni Rei sa sobrang frustration at disappointment. Goal niya kasing makatungtong sa DL ngayon dahil gusto niyang magpa-impress kay Leiji pero hindi niya pa rin maiwasan ang usual habits niyang matulog sa klase at easy-easy-han lang ang mga activities na pinapagawa sa 'min. Lagi pang nagpro-procrastinate. Kumbaga she's only doing the bare minimum, basta lang na makapasa.
Rei was smart but she really ain't studious. Kahit na tinutulugan at hindi niya siniseryoso ang program namin masyado ay hindi pa rin naman siya bumabagsak. Nakaka-uno pa rin naman siya but it still ain't enough to be one of the dean's listers.
Nasa food court kami ngayon habang naglu-lunch. Napadpad lang kami ni Rei rito dahil inaya kami ni Rowan. Pumayag naman kami dahil libre niya. Sino ba namang aayaw sa libre? Minsan lang 'to. Once in a blue moon lang nanglilibre 'tong mokong na 'to kaya hindi na namin pinalagpas.
“Ma-group study kaya tayo?” Suhestiyon bigla ni Rei.
“Pwede rin.” Rowan nodded.
“Tayo tayo lang?” Tanong ako.
“P'wede rin namang magsama tayo ng iba kung gusto niyo. Ano?” Si Rei.
“Isama ko kaya si Dwight?” Wala lang, naisip ko lang siya bigla.
“Sina Leiji! I'll tell them! Magaling sa math 'yon dahil engineering!” Sambit ni Rei.
“Para namang ina-underestimate mo ang skills ko sa math porke nursing ako,” Rowan pouted. Nagpakahalumbaba siya at nagtatampo na parang bata.
“Baliw, wala akong sinabi!” Ani Rei.
Tinapos namin ang pagkain namin. Daldal nang daldal si Rei tungkol sa group study at kung gaano niya hindi katanggap ang grado niya ngayon.
“Bumawi ka na lang next time.” Umirap ako. Nakakarindi na talaga siya dahil paulit-ulit na ang sinasabi niya.
Nanlaki ang mga mata ni Rei nang makita ang grupo nila Leiji na kakaupo lang sa kabilang table dala ang tray nila ng pagkain.
“Hala sina Sev! Tara puntahan natin!” Hinampas niya ang likod ni Rowan dahil sa excitement kaya nabulunan si Rowan sa kinakain niya.
“Tangina naman, Rei!” Umuubo na siya ngayon at hinampas-hampas ang dibdib habang umiinom ng tubig. Pinagtawanan ko siya at tinuro pa ang mukha niyang nalulukot.
“Deserve!” Pang-aasar ko rito.
Sinamaan ako ng tingin ni Rowan kaya tumahimik agad ako.
“Sorry!” Panay naman ang paghingi ng sorry ni Rei kay Rowan at hinagod-hagod pa niya ang likod nito.
YOU ARE READING
PHANTASMAGORIA
Mystery / ThrillerAlmost got hit by a car, Delancy Shimmer Cuevas is saved by a mysterious guy who immediately vanished in just a blink of an eye just as when she was about to introduce him to her friend. When their paths happened to cross again at the local bar, Shi...