Hindi ako nakatulog kinagabihan dahil puro lang iyak ang ginawa ko. Pati tuloy si Rei ay napuyat ko. Sa kan'ya ako tumuloy dahil ayokong umuwi. I needed someone right now to cry on. I told her everything. Gusto niya mang sumbatan ako dahil kahit alam ko na ngang ikakasal na si Aziel sa iba ay sumugal pa rin ako. Pero hindi niya ginawa dahil alam n'yang wasak na wasak na ako.
"Tahan na, Shim. Uminom ka muna ng tubig," inabot niya sa 'kin ang isang basong may lamang tubig habang hinagod-hagod niya ang likod ko. Uminom ako mula sa baso pero sobrang konti lang.
Pakiramdam ko ay nauubusan na ako ng oxygen sa katawan dahil hindi na talaga ako makahinga. Sobrang maga na ng mga mata ko at nagkalat na ang used tissue sa kama.
"Matulog ka na. Tama na 'yan," Rei tried to hush me.
"Ang sakit, Rei," nanghihina kong sabi.
"Ang sakit sakit.." Hinampas-hampas ko ang dibdib ko, nagbabaka-sakaling mawala ang kirot na nararamdaman ko.
I tried to gasp for air. I just couldn't stop crying. Sobrang nasasaktan ako."Hush.. I am here, okay? I understand you. Magpahinga ka na muna. Tama na 'yan, kanina ka pa umiiyak," concern niya namang sabi sa 'kin.
Umiling-iling ako. "I don't understand.. how could he do this to me when he told me he loves me? Laro lang ba ako sa kaniya?" Tumingin ako sa mga mata ng kaibigan ko, umiiyak pa rin. "Am I not enough, Rei?"
Rei wiped my tears away. Naiiyak na rin siya habang tinitignan ako pabalik. Her heart was also aching seeing me hurting like this. "Shush.. don't say that. You are more than enough," she whispered to me.
Hearing those comforting words from Rei made me cry even more. "I never felt this insecure before," I sobbed. I buried my face on my hands.
Niyakap niya naman ako. "You are worthy," she muttered beneath my ear.
Tumabi sa 'kin si Rei sa pagtulog. Hindi rin ako pumasok kinabukasan. Masyado pa akong pagod at isa pa wala ako sa itsura ngayon para pumasok. Maga ang mga mata ko at sobrang pangit ko ngayon. I was mourning over our relationship.
"Sabay tayo maglu-lunch sa labas mamaya, ha?" Aya ni Rei noong pumasok na ako. Tumango ako at nginitian lang siya. May last subject pa kasi siya ngayon kaya mauuna ako sa kaniya sa labas. Hihintayin ko na lang siya roon.
Napahinto ako sa paglalakad nang matanaw si Aziel na nakatayo sa labas ng building ko. He's like he's waiting for someone. I took a deep breath before walking again. Nilagpasan ko siya.
"Shimmer, can we talk?" I heard Azi asked. Hinawakan niya ang kamay ko na siya namang binitiwan niya kaagad. "Sorry.." he apologized after realizing it. Alam niyang ayaw kong hinahawakan niya ako.
"Wala na tayong dapat pag-usapan pa, Aziel," malamig kong sagot sa kan'ya, tuloy-tuloy lang ang paglalakad.
"Please, just give us time to talk," pangungulit niya. Hinahabol niya pa rin ako. Nang aktong hahawakan niya ulit ako ay inilayo ko agad ang sarili at hinarap siya. He looked so hurt and tired. Mugto ang mga mata niya at mukhang kakaiyak lang. Medyo klaro na rin ang eyebags niya.
"Umalis ka na. Ayaw kitang maka-usap," madiin kong sabi sa kaniya. Tinitigan ko ang mga pagod niyang mata.
"Let's just talk, please?" He begged.
"Alin ba sa salitang 'ayaw ko' ang hindi mo maintindihan? P'wede ba, Aziel? Tigilan mo ako!" Matigas kong sabi saka siya tinalikuran. Hindi na niya ako hinabol kaya nilingon ko siya. He's just looking at me, looking so lost. Pain was so evident in his eyes but I just shrugged it off. Hindi ko pa kayang harapin siya ngayon dahil presko pa masyado ang ginawa niya.
YOU ARE READING
PHANTASMAGORIA
Mystery / ThrillerAlmost got hit by a car, Delancy Shimmer Cuevas is saved by a mysterious guy who immediately vanished in just a blink of an eye just as when she was about to introduce him to her friend. When their paths happened to cross again at the local bar, Shi...