GABBY'S POV
Andito na kami ngayon sa Main Branch ng Cafeella Shop, kasama ko sina Kimmy, Rissa, Alex, Cassy, Vero and Andy.
"Uhmm, guys we need to talk habang wala pa sina Sam." Pag-basag ng tahimikan ni Andy sa table namin.
"Bakit, anong meron?" Tanong ni Alex.
"Remember our mission for Samantha?" Tanong ni Andy sa amin. Tumingin naman sila sa akin lahat.
*FLASHBACK*
"We have a favor." sabi ni Alex sa amin.
"Bakit ako?" tanong ko sa kanila.
"Kasi ikaw ang laging kasama ni Sammy." sagot naman ni Cassy.
"Basta kaya ko." sabi ko sa kanila, basta para kay Sammy kakayanin ko.
"Alam naman nating lahat na Sammy is heartless." Sabi ni Andy. "All you need to do..." dagdag pa niya.
"Soften Sammy's heart slash Seduce Samantha." dagdag din ni Rissa.
"Okay ba?" Tanong ni Vero sa aming lahat.
"Yes!" Sagot nila lahat pwera sa akin.
"Gabby? do you agree?" Tanong ni Victoria sa akin.
"Paano ko gagawin? Makakaya ko ba?" tanong ko sa kanila.
"We know Sammy, sa dami ng kasalanan mo, hindi ka naman pagtitiisan kung hindi ka niya gusto." sabi ni Kimmy. Naalala ko na naman yung nangyari kaninang umaga at bigla akong napangiti.
"Gabriella." tawag ni Andy sa akin.
"Yes! Deal." sagot ko sa kanila.
"Are you sure?" Tanong ni Alex sa akin. "You can back out if you want?" Dagdag pa niya. "Maghahanap na lang kami ng iba dyan." Pahabol pa niya sabay wiggle ng eyebrows niya.
"Of course not!" Bigla kong sagot dahilan para tumingin silang lahat. "I mean, of course sure ako." Dagdag ko pa sa kanya.
"Gabby, make sure that Sammy won't know about this." Pagsisiguro ni Cassy sa akin at tumango naman ako at ngumiti sa kanya.
"Concepcion to the mission!" Sigaw naming lahat. ang totoo kinakabahan ako, naging part na rin daw ako ng Concepcion. Bigla na lang bumukas ang pintuan, it's Serenity.
*END OF FLASHBACK*
"Gabby." Tawag sa akin ni Alex. Tumingin naman ako sa kanya.
"Ang lalim yata ng iniisip mo?" Sabi ni Rissa sa akin. Umiling na lang ako, pero sa totoo lang sa dami ng nangyayari nawala sa isip ko ang mission na yun. Tsaka kahit wala ang mission na yun, I'm inlove with Samantha/My sister. Napaka liit ng mundo no?
"Anyway, about sa mission. We need to abort the mission guys." Sabi ni Andy sa amin.
"Yun din iniisip ko mula pa noong isang araw, lalo na ngayon nagkagulo-gulo na. Para saan pa ang mission." Sabi ni Alex.
"Mukha namang mas lumalala pa ang pagiging matigas na puso ng pinsan natin." Dagdag pa ni Vero.
"So ano nang plano?" Tanong ko sa kanila.
"Wala na, Gabby. Atras na tayo, tsaka please hindi pwedeng makakarating ito sa iba, lalo na kay Sammy. Baka mas lalo pang lumalala ang pagiging bato niya." Sabi ni Andy sa amin.
"Kalimutan na lang natin ang lahat ng about sa plano thingy, mas okay na yun." Sabi ni Cassy.
"Anong plano!?" Biglang may nagsalita sa likod ko pero hindi familiar ang boses. Napatignin naman kami lahat sa kanya.
"Hi Kath!" Bati ni Andy sa isang babae kasama si Victoria. "Hey Victoria." Bati din niya kay Vic.
"Nagsabay kayo?" Tanong ni Vero sa kanyang kapatid. Di ko alam kung napansin ng mga kasama ko pero nakita ko na nagtitigan pa silang dalawa.
"Nagkita lang kami sa parking lot. Pero bakit ang hirap magpark? diba close naman ang shop? Tayo-tayo lang naman." Sabi ni Victoria, halatang iniiba ang usapan. Di ko lang alam sa mga kasama ko if napapansin nila.
"Upo muna kayo. Anong gusto ninyo?" Tanong ni Andy sa kanila.
"Ako na gagawa." Sabi ko kay Andy.
"Hep! No! Umupo ka dyan. Baka nakakalimutan mong Concepcion ka na." Sabi ni Andy. "Oh! Anyway, Kathleen, this is Gabriella, the long lost little sister of Samantha." Dagdag pa ni Andy para ipakilala ako sa kaibigan nila. "And Gabby, this is Kathleen, she's our designer sa shop. Actually all shop, siya ang designer natin." Sabi pa ni Andy.
"Nice meeting you, Ms. Kathleen." Sabi ko sa kanya.
"Nice to meet you too, Ms. Concepcion." Sabi niya sa akin at nakipagbeso-beso. Well hindi pa ako nasasanay sa beso-beso na yan lalo na kapag di ko kilala, but I think konti na lang at masasanay na ako.
"Anyway, Wala pa rin ba si Sammy?" Tanong ni Kathleen. Umiling naman si Andy. Biglang tumahimik ang table namin, iba talaga kapag di kami complete, walang gustong magsalita, until...
"Nasaan pala si David? Kamusta preparation?" Pag basag ng tahimikan ni Andy kay Kathleen. Sino naman si David? Anong preparation ang tinatanong niya?
"Sobrang busy." Yun lang ang nasagot ni Kathleen kay Andy.
"Sobrang busy sa wedding preparation?" Tanong ulit ni Andy at umiling naman ito. Magsasalita pa sana si Andy ng biglang napatayo si Alex sa kinauupuan niya.
"Hey, Sammy!" bati ni Alex sabay kumaway ang kamay nito.
Napatingin naman kaming lahat sa direksyon ni sammy. Kung kanina she's wearing her uniform, ngayon naman nakashort and white fit shirt lang siya. Kahit anong damit niya ang ganda pa rin niya. Nakatitig pa rin ako sa kanya until nakarating sa lips niya. I miss that lips, kung paano dumapi ang labi niya sa labi ko at sa ibang parte ng katawan ko. Ang sarap...
"Baka matunaw ng wala sa oras." Biglang may bumulong sa tenga ko. It's Andy, nakangiti at nagwiwiggle pa ang kilay niya habang nakatingin sa akin.
"You miss her, right?" Tanong sa akin ni Andy ng pabulong. "Ang fit ng damit niya. Kitang kita ang curve ng katawan niya." Dagdag pa nito pero di ko pinapansin.
"Natikman mo na besh? Ilang beses? Masarap ba siya?" Sunod-sunod na tanong ni Andy sa akin kaya naman nanlaki ang mga mata ko.
"Andy!" Sabi ko sa kanya pero hindi gaanong malakas.
"Ano? Affected ka ba?" Tanong niya sa akin.
"Hindi!" sagot ko sa kanya. Napatingin naman sila sa akin at kasabay noon ang pagdikit ng labi ni Elizabeth sa pisngi ni Sam na nagpataas ng kilay ko. Dapat labi ko lang dumadampi sa pisngi ni Samantha!
"Chill ka lang besh." Bulong ni Andy sa akin at hinawakan ang kamay ko na kanina pa gustong manampal ng tao. Tumingin naman ako kay Andy, nagpapasaklolo para ilayo ako dito. Bigla naman itong tumayo na parang nabasa niya ang mga mata ko.
"Saan kayo pupunta?" Tanong ni Trinity sa aming dalawa.
"Maglalaro." Pilosopong sagot ni Andy sabay smirk.
"Huh?" Sagot naman ni Samantha.
"May itatago lang." Sagot ni Andy sabay ngiti. Alam ko naman ibig sabihin niya. In short, taguan ng feelings. "este may ililigpit kami sa office." Pahabol ni Andy at pumunta na kami sa office.
———
"That's the funny thing about old hurts―they just wait for new heartache to come along and then show up, just as sharp and horrible as the first day you woke up with the world changed all around you."
— GABRIELLA
BINABASA MO ANG
Concepcion Series: HARDENED HEART
RomanceISABELLA SAMANTHA CONCEPCION Siya ang panganay na apo ng mga Concepcion. Itinuturing siyang role model sa kanilang magpipinsan at sa pinapasukan niyang Academy. Tahimik lang siyang tao, ngunit kahit ganon, marami pa rin ang humahanga sa kanya. Who w...