CHAPTER 26: DO ME A FAVOUR

581 27 2
                                    

GABBY'S POV

Ang seryoso mag drive ni Sammy, tutok na tutok siya sa daan pero halata sa mga mata niya na pagod na pagod na siya at mukhang gutom na rin siya. May break naman sila kanina pero hindi yata siya nakakain dahil halata sa mga kilos niya. Sobrang tahimik dito sa kotse, walang music, wala ding nagsasalita kahit si Andy ay busy sa kanyang phone sa backseat. Coding kasi yung sasakyan niya kaya nakisakay na siya kay Samantha. Hindi ako makapagsalita kasi nahihiya ako, tsaka first day ko ngayon bilang P.A. ni Samantha.

"We're here." Pag basag nito sa katahimikan. She parked her car sa VIP parking, nakita ko din yung kotse ng mga pinsan ni Sammy.

"Nasaan tayo?" tanong ko.

"Nasa isang restaurant tayo. Actually, it's Cassandra's family owned." Sabi ni Sammy sa akin. Ang yayaman talaga nila at ang gaganda pa nilang lahat, halos wala kang maipipintas sakanila. Nasa kanila na lahat, ang swe-swerte siguro ng mga nagiging girlfriend nila, at mamahalin nila.

"Tara na." Sabi ni Sammy sabay baba sa sasakyan, bubuksan ko na sana ang pinto ng may nagbukas nito. I saw Andy nakangiti sa akin, kahit kailan ang gentlewoman talaga niya.

"Thank you Andy." Sabi ko sa kanya.

"You're always welcome, Gabby." Sabi naman nito.

"Tama na yan! Tara na." sabi ni Sammy at medyo nakalayo na ito sa amin, naglakad na rin kami ni Andy.

-----

Pagkatapos namin kumain ng dessert nagstay pa kami dahil umiinom pa sila ng wine. Hindi naman sila naglalasing, nagkakasiyahan lang sila kasi successful daw yung first day ng audition sa club.

"Guys, excuse us." Biglang sabi ni Andy sa kanila at hinila ni Andy yung kamay ko papalayo.

"Where are you going?" Sabi ni Vero sa amin

"May pag uusapan lang kami." Sagot naman ni Andy kay Vero.

"Anong pag uusapan ninyo?" Tanong naman ni Sammy.

"It's none of your business." Sabi naman ni Andy, at bigla namang nanlaki ang mata ko, si Andy nakangiti lang siya. hindi na nagsalita pa si Sammy pero halatang kinokontrol niya ang kanyang temper.

"Baka iba na yan Ate Andy." Sabi ni Rissa.

"Ikaw bunso, ang bata-bata mo pa ang dami mo nang alam." Sabi naman ni Andy.

"Dumadamoves si Andrea!" Sigaw naman ni Alex.

"Loko! Tama na yan, lasing ka na yata." Sabi ni Andy. Buti na lang nasa VIP room kami kaya walang nakakakita sa kanilang ibang tao. Sa sobrang sikat nilang mag pipinsan, for sure may magvivideo at magtre-trending sila sa social media.

"Alis na." Sabi ni Sammy sabay tumalikod siya at tinuloy lang ang pag inom niya, hindi man lang hinintay ang sagot namin.

"Hayaan mo na siya, masanay ka na sa kanya." Sabi ni Andy sa akin at tumingin ako sa kanya. Ang seryoso ng tingin niya kay Sammy habang naglalakad kami palayo.

"Can we talk?" Tanong niya sa akin, ano namang paguusapan namin?

"Ano ba pag uusapan natin?" Tanong ko sa kanya.

"About Samantha. Tara sa rooftop muna tayo." Sabi ni Andy sa akin at tumango naman ako. Nagsimula na kaming maglakad, ilang minutes lang ay nakarating na kami sa rooftop. Ang sarap ng simoy ng hangin, kitang kita ang sunset at may malaki din na swimming pool dito.

"We called her Hardened Heart, kasi mataray, seryoso, insensitive, unkind, and she's cold Gabby, lalo na kung hindi part ng family." Panimula ni Andy. Hindi ko alam kung bakit niya sinasabi sa akin ito pero isa lang ang alam ko, gusto kong makilala si Samantha at si Andy lang ang makakatulong sa akin.

Concepcion Series: HARDENED HEARTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon