GABBY'S POV
Ilang araw na mula noong birthday ni Sammy, ilang araw na rin mula noong naging kami, pero since then hindi na ako kinakausap. Nagkikita naman kami sa school but she's so formal at hindi ko alam kung bakit. Hindi ko na rin alam kung anong meron sa amin, kung kami pa or hindi. Parang bumabalik na rin yung pagiging hardened heart niya. Ilang araw na rin siyang laging mainit yung ulo, according to her cousins and the Students Council Officers.
Nandito ako ngayon sa isang branch ng Cafeella mag-isa, nagkaroon ng problema sa isang machine dito. Hindi naman pwedeng si Andy at Sammy, and in the first place, walang alam si Sammy sa problema. Nasa meeting din sila sa Concepcion Academy kasama si Andy, dahil may inaayos silang problema. Ako lang naman ang available sa kanilang dalawa at ako lang naman pinagkakatiwalaan ni Andy sa Business ni Sammy.
"Ms. Reyes, okay na po yung machine. Naayos na po namin, pwede na rin pong gamitin." Sabi ng isang lalaki technician.
"Thank you Sir ah." Sabi ko sa kanya.
"Pasign naman po dito." Sabi niya tsaka niya binigay yung ballpen at paper. After umalis ng technician, I checked my phone pero wala pa akong narerecieve na message or call from Sammy.
"Tina, may maitutulong pa ba ako?" Tanong ko sa isang employee dito.
"Naku Ms. Reyes, mahigpit po na bilin ni Ms. Andy na bawal ka po magwork." Sabi ni Tina. Nagulat naman ako sa sinabi niya kaya automatic din napatingin ako sa kanya.
"Bakit naman bawal?" Tanong ko sa kanya.
"Di ko po alam." Sabi ni Tina.
"So ano gagawin ko?" Tanong ko sa kanya.
"Sit down, chill and relax. Magbasa ka ng interesting story." Sagot ni Tina sa akin.
"Wala akong dalang book ngayon." Sabi ko sa kanya.
"Install mo yung wattpad sa phone, marami kang mababasa doon." Sagot ni Tina sa akin.
"Ano naman yung wattpad?" Tanong ko sa kanya.
"Di mo alam Ms. Reyes? Sabagay paano mo malalaman busy kasi sa lovelife, scho..." hindi na niya natuloy ang sasabihin niya ng bigla akong sumingit.
"Anong lovelife?" Bigla kong sabi sa kanya.
"May sinabi ba ako." Sabi niya sa akin. "Ang sinabi ko po sa life." Sabi ni Tina tsaka ngumiti.
"Sino nagsabi sayo may lovelife ako?" Tanong ko sa kanya.
"Bakit meron ba? Sino? S..." bago pa niya matapos ang sasabihin niya biglang naring yung phone ko. It's Andy, tapos na siguro meeting nila.
"Ang dami mong alam, magwork ka na lang." Sabi ko sa kanya tsaka ko pinulot yung phone, na bigay ni Sammy. Dahil daw ako na ang P.A. niya kaya trabaho ko daw ang sagutin yung mga tawag niya or message niya kahit sa social media plus binigyan din ako ng plan for internet. Noong una hindi naman ako pumayag kaso makulit talaga siya.
*Phone Call*
"Goodmorning Gabby." Bati niya sa akin, tumingin naman ako sa wall clock ng shop.
"Goodafternoon Andy." Bati ko sa kanya kahit hindi ko siya nakikita, pailing iling ito.
"I'm sorry. Di ko na napansin yung oras eh." Sabi niya sa akin at may narinig din akong nagdadabog sa kabilang line at sumisigaw. Alam ko kung kaninong boses nangagaling yung sigaw.
"Wait. Anong nangyayari dyan? It's that..." pinutol niya yung sasabihin ko.
"Yeah it's her. It's Sammy. Kaya napatawag ako sa'yo para itanong kung nasaan ka." Sabi niya sa akin habang nawawala yung ingay sa kabilang line, baka naglalakad siya palayo sa office.
BINABASA MO ANG
Concepcion Series: HARDENED HEART
RomanceISABELLA SAMANTHA CONCEPCION Siya ang panganay na apo ng mga Concepcion. Itinuturing siyang role model sa kanilang magpipinsan at sa pinapasukan niyang Academy. Tahimik lang siyang tao, ngunit kahit ganon, marami pa rin ang humahanga sa kanya. Who w...