CHAPTER 24: TEASING DAY

579 23 4
                                    

SAMANTHA'S POV

"Good morning" bati ko kay Nana Maria. Siya ang mayordoma dito sa bahay nila Granny, bata pa daw sina Dad, si Nana Maria daw ang nagpalaki sa magkakapatid lalo na kay Dad. Hanggang sa nagasawa at nagkaanak si Dad, hindi siya nawala sa tabi nila. Actually siya nga yung unang nagbuhat sa akin kaysa kay Granny, siya na din yung ang nagaalaga sa akin kapag wala si Mom.

"Good morning hija" bati din niya sa akin. "Ano ginagawa mo dito? At ano yang suot mo?" Dagdag pa nito sa akin.

"Ano pa ba Nana, edi Apron." pilosopo kong sagot sa kanya.

"Alam ko Apron yang suot mo." seryoso sabi ni Nana Maria sa akin.

"Nana Maria, ako na lang gagawa ng ABC smoothie ko." sabi ko sa kanya.

"Pero hija, baka magalit pa ang Mommy ninyo." sabi niya sa akin.

"Nana, simula ngayon masanay ka nang wag gawin ang mga kailangan ko." sabi ko sa kanya. Hindi na rin siya nagsalita pa, alam niya na kukulitin ko lang siya.

------

"Ang aga mo naman ngayon." sabi ni Alex ng bigla niya akong nakita sa dining table.

"Lagi naman akong maaga ah, what's new?" sabi ko sa kanya.

"Pero now, you look different." Sabi niya sabay upo sa harap ko in her place. Magsasalita pa sana ako ng bigla nang nag sidatingan yung mga kasama namin. Sa kabisera laging vacant kasi si Granny doon at sa tabi ko naman upuan ni Mom (right side ni Granny).

----me-trinity-serenity-rissa
kimmy-alex-cassy-vero-victoria

"Done." Sabi ko bigla ng matapos ko yung smoothie ko.

"Are you going now?" Sabi naman ni Trinity.

"Yeah" simple sagot ko sa kanya.

"Hindi ka naman excited no?" Tanong ni cassy sa akin na may pagka silly sa ngiti niya at tumaas naman ang kilay ko sa kanya.

"What do you mean?" Tanong ko sa kanya.

"The audition." Bigla naman sagot ni Cassy at nawala yung ngiti niya.

"Ohhh!" Yun lang naging reaksyon ko. "I have a meeting with Andy at 8:00 am sharp." Sabi ko sa kanya. "I have to go." Dagdag ko pa.

"But It's still 6:45am cuz." sabi ni Rissa sa akin.

"Hindi kayo mananalo diyan." Sabi naman ni Serenity.

"As always." Bigla naman sabi ni Trinity.

"Sige na I have to go, bye." Sabi ko sa kanila at umalis na rin ako sa harap nila.

------

*Cafeella Shop*

"Good morning Andy!" Bati ko sa kanya ng makapasok siya sa Shop, exactly 7:30 am andito na ako sa Shop.

"Excited?" Lokong tanong niya sa akin.

"Why are you excited too?" Sabi ko sa kanya sabay ngiting nakakaloko, still 7:45 am pero ang aga niya ah.

"Pero mas maaga ka pa rin, excited ka ba makita siya?" sabi ng innerself ko pero hindi ko na lang pinansin, makikipagsagutan lang ako sa sarili ko at mag mumukhang baliw lang ako.

"I admit, I'm excited about the MEETING." sabi niya at mas lumawak pa ang ngiti pag banggit niya ng meeting. Magsasalita sana ako nang may nakita akong kasunod niyang pumasok, napalitan naman ang ngiti ko ng poker face.

"Why?" Tanong ni Andy sa akin pero hindi ako nag salita.

"Good morning." Bati naman ng babae na nasa likod niya, napatingin naman si Andy sa likod niya.

"Ohhh!" Sabi niya sabay sulyap sa akin at kumildat pa ito. "Good morning Gabby!" May pang aasar na bati niya kay Gabby, kung si Gabby hindi niya napapansin, wag ako! I know she's teasing me, and she's good at it.

"Let's start." Seryoso na sabi ko sa kanila.

"Too early, 7:45am pa lang." Reklamo ni Andy sa akin.

"May gagawin pa ako." sagot ko sa kanya. "Total naman nandito na tayong lahat." dagdag ko pa sa kanya pero knowing Andy, hindi niya pinansin ang mga sinasabi ko. Ano ba mga nakain ng mga tao ngayon? Ang hilig nila mag-tease, nasobrahan ba sila ng sweet or tulog?

"Coffee?" Tanong niya sa amin ni Gabby habang nakatingin lang ako sa laptop

"I already ate my breakfast." Sagot ko sa kanya.

"Ikaw ba tinatanong ko?" Bigla sagot ni Andy kaya naman napatingin ako sa kanya kaharap niya si Gabby.

"I thought you were asking me, I mean us." Sabi ko sa kanya at bumaling  ulit ang tingin ko sa laptop.

"You're so serious." sabi ni Andy. Hindi na ako nagsalita pa ulit, nagtimpla muna sila ng Coffee. To be honest, di ko alam ano sasabihin ko, nagiisip pa ako ng sasabihin about sa meeting.

"Gabby, do you have a boyfriend?" Bigla tanong ni Andy habang nagtitimpla sila ng Coffee, hindi ko naman sinasadya marinig.

"Wala Ms. Andy." Sagot agad ni Gabby.

"So maraming nanliligaw sayo?" Tanong ni Andy. Di ko alam kung bakit bigla ako nagka interes sa pakikinig ng usapan nila.

"Wala po." Sagot ni Gabby.

"Why? Sa ganda mong yan, matalino, sexy, and those eyes are so attractive." Sabi ni Andy.

"Wala po kasi basted sila." Sagot ni Gabby, bigla namang natawa si Andy sa sagot ni Gabby.

"Baka naman Girlfriend ang meron ka." Tanong bigla ni Andy. Napatigil naman ako sa ginagawa ko without looking at them, naging tahimik ang paligid pati yata hangin wala ako naririnig.

"Po?" Gulat na tanong ni Gabby. Dahil nakatalikod ako sa kanila, kitang kita ko silang dalawa sa reflection sa screen ng laptop ko.

"Are you into girls?" Seryoso na tanong ni Andy, pero yung ngiti niya iba tapos sumusulyap pa sa akin. She's been good at teasing me ever since.

"I'm not into girls..." sabi ni Gabby at tumigil siya at tumingin sa direksyon ko.

"Assuming te?" Biglang sabi ng innerself ko.

"According to the reflection." Bulong ko sa sarili.

"Yet." sabay pa sila ni Andy nagbigkas ng salitang YET, kaya napatigil ako sa pakikipagsagutan sa sarili ko.

"Interesado sa pinaguusapan? Ano ka, tsismosa na rin?" sabi ng innerself ko.

"So if ever may magkagusto sayo dito sa University, may pagasa ba?" Tanong ni Andy sabay tingin sa akin. I just smiled pero bumalik din ang seryosong mukha ko ng makita sa reflection na umiling ng paulit ulit yung ulo ni Gabby.

"OUCH!!" bigla naman sabi ni Andy at nakisabay din ang innerself ako.

"Nagtanong pa kasi, nakakainis." Bulong ko sarili ko.

"Nasaktan ka, aminin mo na kasi." Sabi ng innerself ko.

"Ano naman aaminin ko?" Bulong ko. Ito na naman tayo, nakikipagtalo sa sarili.

"Aminin mo na may gusto ka kay Gabby." sabi ng innerself ko.

"No!" Bigla kong sigaw. Napalakas pa yata kaya tumingin yung dalawa sa akin, andito na pala sila sa harap ko.

------

Teasing out the way the world might look through another's eyes is what makes the creative process so fascinating and enjoyable.
--- SAMANTHA

Concepcion Series: HARDENED HEARTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon