SAMANTHA'S POV
After 10 years, I'm back! I need to prepare myself, good luck Sammy!
"Hey My Princess, tara na, pwede na tayong bumaba." Sabi ni Trinity sa akin.
She's so sweet, maalaga siya and maeffort. She's doing everything for me at kung may babae man na swerte ngayon? It's me. Ang swerte ko kay Trinity pero sa ngayon kasi hindi ko pa siya pwedeng bigyan ng chance, hindi pa talaga pwede. I also didn't expect that she will study here in the Phil. and what amazed me the most is that she will leave everything sa Madrid just for me.
Nasa stage pa ako ng moving on kaya I'm not yet ready for a relationship. Hindi man naging kami ni Serenity, matagal din kaming nagsama. Almost 2 years ko ding niligawan si Serenity that's why I'm not yet ready to love, be in a relationship, and give my heart to someone. Sa totoo lang, nagiging bato na yata ang puso ko. Sa lahat ng ginagawa ni Trinity sa akin, wala akong madama na kilig or something, walang wala talaga. Ganun ba talaga ka grabe yung naramdaman kong sakit sa taong minahal ko? Kinakain na ako ng sakit, galit, at pagsisisi.
"Hey Sammy!" Tawag ulit ni Serenity. Tumingin ako sa kanya, ayun nakasmile, hay it's the sweetest smile.
"DayDreaming couz?" sabi ni Alex sabay tawa. Binatukan naman ito ni Rissa, tsaka siya naglakad.
"Tara na, tayo na lang ang hinihintay." sabi ni Trinity.
Tumayo na ako at tumingin ako sa likod, wala na palang tao, sina Alex at Rissa ang last na bumaba. Kami na lang ni Trinity ang andito sa loob kaya dali dali naman akong nag ayos at kinuha ang gamit ko saka bumaba.
———
Nakalabas na kami ng airport at nag hihintaty na ng sundo.
"Kahit kailan ang init dito sa Pinas!" iritang sabi ni Kimmy.
"We didn't force you to come." sabi ni Trinity.
"Wala naman akong sinasabi." asar na sabi ni Kimmy sabay roll ng eyes.
"Edi wag kang magreklamo." sabi ni Serenity.
"Hoy! Kayong kambal, grabe kayo sa akin." sabi ni Kimmy at tumawa naman kaming lahat.
"Tumigil na kayo, baka kayong tatlo ang mainlove nyan." sabi ni Cassy. Mas lalo naman kaming tumawa.
"Naku, kapag ganyan edi itakwil na si Sammy." sabi ni Alex. "Sa akin ka na lang Kimmy." dagdag pa niya. Namula naman si Kimmy pero bigla siyang yumuko, nahiya yata.
"Wow ah! Straight to the point kapatid." sabi ni Rissa.
"Aba Siempre! Hindi naman ako gaya mo na torpe sa PAG-IBIG." sabi ni Alex sa kanyang kapatid.
Diniin pa talaga ang PAG-IBIG, di ko alam sa magkapatid na ito magkaibang magkaiba sila ng ugali, hindi ko maisip kung paano sila nagkakasundo. Yung isa babaera at loko-loko, yung isa naman torpe at sobrang bait.
"Wow! At least hindi ako gaya mo na babaera no?" sabi naman ni Rissa. Tumawa naman kaming lahat ulit.
"Hey! Kayong dalawa tama na yan." sabi ni Mom. "Baka ano pang mangyari." dagdag pa ni Mom.
Minsan kasi, sobra kung magaway ang dalawang to, hindi sila nag-uusap ng dalawang araw or higit pa. Good thing ay hindi sila nag sasakitan, minsan lang kung mabatukan ni Rissa si Alex.
"Guys, andyan na ang sasakyan." sabi ko sa kanila at tumigil naman sila sa tawa at asaran. Magbubuhat na sana kami kaso biglang may bumaba na tatlong lalaki at binuhat ang mga gamit namin then nilagay sa isang van, kami naman ay sasakay dun sa isa pang sasakyan.
Driver-Mom
Serenity-Ako-Trinity
Alex-Kimmy-Cassy
Victoria-Rissa-Vero"Tubig my Princess." sabi ni Trinity sa akin. "Twinny, agua." dagdag pa niya at kinuha naman ni Serenity.
"Gusto niyong tubig?" sabi ni Victoria kay Rissa at Vero.
"Water Kimmy?" sabi ni Alex at Cassy, sabay pa talaga sila kaya bigla naman kaming napatingin sa kanilang tatlo. Akmang iinom na si Serenity ng tubig dahil uhaw na uhaw na siya pero biglang kinuha ni Kimmy na nasa likod ko.
"Sorry Couz, but I'm thirsty." sabi ni Kimmy. Serenity rolled her eyes, binigay naman ni Cassy ang tubig kay Serenity.
"Thank you Cassy." sabi ni Serenity.
"Galing kay Rissa yan." Sabi ni Cassy.
"Thank you Rissa." sabi ni Serenity sabay ngiti rito.
"Pawis ka na babe, punasan ko na ah." sabi ni Alex kay Kimmy.
"Stop please!" inis na sabi ni Kimmy.
"Oh no! Here comes the dragon." bulong ng dalawa pero narinig ko sila.
Imagine yung dalawang katabi ko sabay silang magsasabi ng ganun diba? Hindi mo ba maririnig? tumigil naman si Alex sa kakakulit kay Kimmy.
"Kimmy, Serenity, and Trinity, saan kayo titira ngayon?" Tanong ko sa kanila.
"Sa bahay." sabi ni Trinity.
"No, sa bahay kayo titira." sabi ni Mom.
"But tita, we have our own house, no need. Nakakahiya naman po." sabi ni Kimmy.
"Binilin kayo ng mga magulang ninyo sa akin. Whether you like it or not, you will stay in my house." Sabi ni Mom.
"You both don't have a choice." bulong ko sa kambal.
"Sige po tita." sabi ni Trinity.
"Mom, anyway I have a personal lakad later." paalam ko kay Mom.
"I forgot to tell you that your cousins and friends are having a welcome party for you tonight." sabi ni Mom.
"Babalik din naman ako agad, please Mom?" sabi ko kay Mom.
"Pwedeng sumama?" Sabi ni Rissa.
"Personal lakad nga diba?" Sabi ni Alex.
"Shut up Alexandra, hindi ikaw kausap ko." sabi ni Rissa.
"I'm sorry Rissa, but it's personal." sabi ko sa kanya. "Kayo na lang muna ang bahala kina Serenity, Trinity, and Kimmy ah?" dagdag ko pa.
"Di ba pwedeng ipagpabukas mo na lang anak?" Sabi ni Mom. Umiling ako, need ko talagang pumunta eh. Tutal maaga pa naman, tumango na lang si Mom.
"Yes, kami na bahala." sabi ni Alex.
"Behave Alex." sabi ni Mom. "Don't worry anak, ako na lang bahala sa kanila." dagdag pa ni Mom.
"I can accompany you Sammy." sabi ni Trinity sa akin.
"No worries Tri, I'll be fine and I promise babawi ako mamaya." Sabi ko sa kanya. Ngumiti na lang ito, I know naiintindihan niya ako.
———
Everyone feels like family and I am back in the city that I love.
— SAMANTHA
BINABASA MO ANG
Concepcion Series: HARDENED HEART
RomanceISABELLA SAMANTHA CONCEPCION Siya ang panganay na apo ng mga Concepcion. Itinuturing siyang role model sa kanilang magpipinsan at sa pinapasukan niyang Academy. Tahimik lang siyang tao, ngunit kahit ganon, marami pa rin ang humahanga sa kanya. Who w...