CHAPTER 8: THE PAST

1.1K 24 0
                                    

*11 years ago before the bus incident*

*Philippines*

SAMANTHA'S POV

Nasa isang event kami, birthday ni granny (mommy ni dad). Lahat ng mga kaibigan ni granny at buong family namin ay nandito, kasama na ang Concepcion Family, Coleman Family, Montes de Ocampo Family, Grande Family, Romantico Family, Anderson Family at iba pang mga business partner. Sa dami ng mga kaibigan ng family namin, wala kaya silang nakakaaway...?

"Samantha, kanina pa kita hinahanap, sabi ko na nga ba at dito lang kita makikita." sabi ni mom.

Since noong bata ako, mahilig na daw akong tumambay dito sa studio area at kung may makita man akong bilihan ng instruments ang hilig ko daw pumasok at mag window shopping." Ipapakilala ka daw ng Granny mo sa mga kaibigan niya." sabi ni mom.

"Paano po ang mga pinsan ko?" Tanong ko kay Mom.

"Tapos na sila, ikaw na lang ang hinihintay." Sabi ni Mom.

"Mag aayos lang ako mom." sabi ko sa akin.

"5 mins, Okay na ba? Wag kang mag tatagal. You know your Granny." sabi ni mom. Si Granny kasi isa sa pinaka ayaw niya ay yung naghihintay kahit ilang minutes lang, every seconds ay importante sa kanya.

"Time = life; therefore, waste your time and you're also wasting your life, or master your time and master your life." Bulong ko sa sarili ko. Yan kasi ang laging sinasabi ni granny sa amin kaya napalaki din kaming ganito ang mindset when it comes sa oras.

"Okay mom. I will" sagot ko kay mom. Pumasok na ako sa kwarto ko at nag ayos, isa sa mga rules ni lola, always be presentable. Pagkatapos ko, kinuha ko na yung isang box na gift ko kay lola saka ako pumunta sa garden.

"She's here." sabi agad ni Granny ng makita ako.

"Happy birthday granny." sabi ko kay lola. "For you, I hope you'll like it." dagdag ko pa sa kanya sabay hug and kiss.

"Can I open it now?" Tanong ni Granny.

"Granny, pwedeng mamaya na lang, nakakahiya eh." sabi ko sa kanya.

"Anyway, this is my granddaughter, Isabella Samantha. Sister of Isabella Sofia." sabi ni

Granny sa mga kaibigan niya.

"Samantha, this is Mr. And Mrs. Grande, they have a twin daughters, Serenity and Trinity, this is Mr. Serrano, brother of Mrs. Grande, wala yung mga anak niya, sayang...." Marami pa siyang ipinakilala at nakipag beso beso din ako sa kanila.

"I will open it now, Samantha, okay?" Sabi ni granny. No choice kaya tumango na lang ako, binuksan na rin ni granny yun gift, she was so shocked.

"I love it Sam. Thank you so much." sabi ni granny. Ang laman ng box is one of my art, it is an abstract painting then sa likod nito ay may built in na music box, pero piano lang siya. Mahilig din kasi si Granny sa music at lalo na sa arts, noong bata o teenager siya, mahilig mag drawing si Granny.

"Doña Concepcion, you're lucky sa inyong grand daughter." sabi ni Mr. Grande.

"Mr. Grande, hindi naman po, kami ang swerte kay granny. Kung wala siya, wala din kami dito." Sabi ko. Maya maya pa ay nag uusap na sila about sa business. Nagpaalam na rin ako kasi hindi ko naman alam yung mga pinaguusapan nila.

"Samantha, isama mo na sina Serenity at Trinity" sabi ni Granny at tumango naman ako. Pumunta kami sa mga pinsan ko, nakipag bonding na rin ako sa kanila.

------

*Garden, in front of the house*

"Hey guys!" Bati ko sa mga pinsan ko.

Concepcion Series: HARDENED HEARTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon