SAMANTHA'S POV
Pag mulat ko ng aking mga mata, bumungad sakin ang puting kisame, nasaan na naman ako? nararamdaman ko may tube sa mouth ko at maraming nakainject sa akin. Not again! Dahan dahan kong ginalaw ang mga mata ko then I saw my Cousins, Tita Sandra, Friends, And Mom?! Ang alam ko nasa business trip sila ni dad.
"Uhhhmmmm." Sabi ko. Mom sana ang sasabihin ko kaso di ako makapagsalita.
"Oh god! Samantha! Buti nagising ka na, di ko na kakayanin kung mawawala ka din." sabi ni mom sa akin habang nakahawak siya sa mukha ko. Ang OA naman yata ni mom, ilang araw, buwan, taon ba akong tulog? But deep inside takot din ako.
"I will call the doctor." sabi ni Tita Sandra.
"Buti nagising ka na." Sabi ni Victoria.
"Kinabahan kaming lahat." Sabi ni Alex.
"Ano ba kasing ginagawa mo sa garden while raining? Alam mo naman na bawal sa'yo ang malamigan." Tanong ni Rissa.
Magsasalita sana ako but I saw Kim, Trinity and of course, Serenity naka-yuko. I know she's blaming herself right now, but I don't... I mean, I'm not blaming her dahil andito ako sa hospital, ginusto ko naman ang ginawa ko.
"You supposed to be inside celebrating your graduation" sabi sa akin ni Cassy, bago pa ako sumagot sa mga tanong nila, dumating na ang doctor then she checked my vital signs and all.
"She's okay now Mrs. Concepcion." sabi ng doctor sa akin at umalis. Tinanggal din ng nurse yung ibang chords na nakalagay sa akin.
"Sam, may gusto ka ba?" Tanong ni mom sa akin.
"I want water mom." sagot ko kaya binigyan ako ng tubig, pagkatapos ko uminom ng tubig.
"Mom, why are you here? I thought you were on a business trip." Sabi ko kay mom.
"You're more important than work and business..." yun lang sabi niya.
"And your dad is already there." dagdag pa niya sa akin at ngumiti na lang ako.
"Can I ask you guys something?" Tanong ko sa kanila, kaya tumingin naman sila sa akin lahat, naghihintay ng tanong.
"Ilang araw na akong andito?" Tanong ko ulit sa kanila.
"Actually couz..." Sabi ni Alex pinutol pa niya ang sasabihin niya at tumingin sa mga kasama niya. Don't tell me! Ang tagal ko na naman natulog!
"Ang epic ng mukha mo." sabi ni Vero, kaya napa simangot ako.
"Hindi naman matagal, almost 48 hours lang naman." sabi Alex.
"Matagal din yun Ate Alex." sabi ni Rissa, bigla naman kaming natawa. Pero ako mahina lang itinawa ko. It's her first time to call her sister as Ate ng seryoso, ayaw na ayaw niya kasing tinatawag na Ate.
"Don't call me ate." seryosong sabi ni Alex saka tumalikod sa kapatid.
"But you're my ate right?" Sabi ni Rissa.
"But I'm not used to it." sabi ni Alex.
"Uhmm... as far as I can remember, you're my sister and I'm younger than you" sabi ni Rissa.
"And so? hindi ako sanay." sabi ni Alex.
"Hey! The two of you! Aren't you gonna stop? or you both want to be grounded?!" Sabi ni Tita Sandra at tumahimik naman silang dalawa.
"I'm sorry mom, Si Clarissa po kasi eh." sabi ni Alex.
"Ako na naman ikaw kaya nauna." Sabi ni Rissa.
"Hindi pa rin kayo tapos?" bigla may nagsalita, si Cassy na yun.
"Sorry." sabay na sabi sila. Mas malala pa sa aso't pusa ang dalawang to, laging nag babangayan, nagsasagutan. Ito naman kasing si Alex, pinapatulan pa ang kapatid.
BINABASA MO ANG
Concepcion Series: HARDENED HEART
RomanceISABELLA SAMANTHA CONCEPCION Siya ang panganay na apo ng mga Concepcion. Itinuturing siyang role model sa kanilang magpipinsan at sa pinapasukan niyang Academy. Tahimik lang siyang tao, ngunit kahit ganon, marami pa rin ang humahanga sa kanya. Who w...