CHAPTER 23: CLUMSY AND LUCKY

508 26 3
                                    

GABBY'S POV

Nandito ako ngayon sa work, mamayang hapon pa naman yung pasok ko. Kapag may vacant ako as student, yun ang working time ko, habang kumukuha ako ng order dito sa isang table.

"Good Morning Ms. Samantha." Rinig kong bati ni Andy kay Samantha.

"Good Morning too." Bati din niya dito at naglakad na papunta sa VIP table.

"Ms. Reyes, Can you please get the order of Ms. Samantha." Tawag sa akin ni Andy kaya napatingin ako. Tatawagin ko sana ang kasama ko para ibigay yung order sa kanya, kaso...

"Nah! No need, I'll just fall in line." seryosong sabi ni Sammy, bigla nawala yung pagseryoso niya at napalitan ng gulat. Hinayaan ko na lang siya, tutal naman hindi na niya ako kailangan. Itutuloy ko na lang yung ginagawa ko dahil marami kaming customer ngayon, umagang umaga pa lang pero sobrang dami na. Paano ba naman, nagiging tambayan na itong shop.

"Gabby." biglang tawag ng kasama ko para kunin ang isang order para kay Ms. Andy. Habang naglalakad ako, may tumawag sa akin kaya napalingon ako pero mas nagulat ako ng biglang...

"Stupid!" May sumigaw sa harap ko. Nakita ko ang black coffee na natapon sa coat niya, again and again. Si Ms. Samantha na naman, nakita ko ang galit sa mga mata niya at parang sasabog na ito.

"Ms. Reyes!" Sigaw naman ni Andy pero hindi ganun kalakas, kaya napatingin ako sa kanya at binalik ko ang tingin ko sa harap ko. Kung kanina nakita ko ang galit sa mga gray eyes niya, ngayon nakita ko ang pagkagulat at parang she's controlling her emotions na wag sumabog.

"Ms. Samantha, I'm so sorry." Sabi ko sa kanya ng matauhan ako. Kumuha na rin ako ng pamunas para punasan ang kanyang uniform coat.

"Don't!" Sabi nito at bigla niya akong pinigilan saka ito umalis sa harap ko.

Hindi ko alam kung saan siya pumunta, nakatayo at nakayuko lang ako. Ayokong tumingin sa kahit saang sulok na parte nitong shop. Feeling ko pinagtitinginan na kami ng mga tao, hindi pala kami ako lang pala. Nag lakad na ako habang nakayuko papunta sa office ng makaalis sina Samantha, Andy at kasama nilang lalaki.

Binuhos ko lang ang iyak ko dito sa office, hindi ko alam kung anong sasabihin ko kay Andy. Di ko alam paano ko ipapaliwanag, hindi naman ako ganito dati. Since noong nakilala ko or napadikit na sa akin si Samantha, naging clumsy na ako. Natigil ako sa pag iisip nang bigla naman may kumatok sa pintuan sabay bukas nito.

"Gabby." bati niya sabay kuha ng tissue at inabot niya sa akin.

"Sorry talaga Ms. Andy." Sabi ko sa kanya habang umiiyak pa rin.

"Gabby." sabi ni Andy sa kanya at lumapit sa akin. Tumingin naman ako sa kanya. "Gabby,
sorry but I have to do this." Sabi ni Andy bigla naman lumaki ang mga mata ko.

"Ms. Andrea, please don't fire me. Pag nangyari yun mawawala din yung Scholarship ko." pagmamakaawa ko sa kanya.

"Gabby." sabi niya sa akin.

"Please Ms. Andrea, nagmamakaawa ako sayo, please?" Sabi ko sa kanya.

"Ms. Andrea." Tawag ko ulit sa kanya. I'm now kneeling in front of her, pleasing na wag akong
tanggalin sa trabaho.

"Gab, stand up." Sabi niya sa akin pero ayoko tumayo hanggat hindi niya sinasabi sa akin that I'm not fired. Kung pwede lang lumuhod din ako sa harap ni Ms. Samantha, gagawin ko.

"Hey Gabby, you're not fired, as of now, Okay?" Sabi ni Andy sa akin, bigla namang lumuwag ang damdamin ko nang marinig ko yun kay Ms. Andrea.

"Tumayo ka na diyan." Sabi niya sa akin. Tumayo na ako at inayos ang sarili ko. "Anyway, gabby, kailangan mo daw labahan ito sabi ni Ms. Samantha." Dagdag pa niya sa akin sabay binigay niya sa akin ang Uniform Coat na natapunan ko kanina.

Concepcion Series: HARDENED HEARTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon