GABBY'S POV
"Ano kailangan mo sa akin?" Tanong ko sa kanya. Wala akong nakuha sagot sa kanya pero hila hila pa rin niya kamay ko.
"Teka lang." Sabi ko sa kanya habang pinipilit makalawa. Sobra pa nyang hinigpitan ang kamay ko kaya mas lalo na akong nahihila.
"Wag kang maingay at maglakad ka ng normal kung ayaw mong iputok ko yung baril" sabi nito at nakatutok yung baril sa gilid ko. Wala akong nagawa kundi gawin ang ipinapagawa niya.
"Samantha please rescue me." Bulong ko sa isip ko.
------
Nagising ako sa isang kwarto, hindi ko alam kung kaninong kwarto or kung saang lugar ako. Bumangon ako at tumingin ako sa paligid kung may pwedeng daan para makatakas. Sinipa ko na lahat lahat ng pader at isang pintuan pero wala. Hanggang bumukas ang pintuan at may pumasok na isang lalaking hindi ko kilala.
"Sino ka!? Ano ba gusto mo!? Wala kayong makukuha sa akin!" Sigaw ko sa kanya.
"Tumahimik ka or ipuputok ko ito!! Mamili ka! Madali lang ako kausap." Sigaw din ng lalaki sa akin.
"Ano ba kailangan ninyo?" Tanong ko sa kanya, pero wala na ako narinig na sagot kundi tinali niya ang dalawang kamay at paa ko.
"Kailangan ko? Ikaw, mukha kang masarap at fresh pa." Bulong sa akin sa tenga.
"Alfred, ano pa ginagawa mo!? Padating na si boss." Sabi ng isa pang lalaking pumasok sa kwarto. Alfred pala ang pangalan ng unang pumasok dito.
"Wow pare! Nakajackpot yata tayo, ang hot naman." Sabi ni kasama ni Alfred.
"Wag mo siyang galawin, malalagot tayo kay boss." Sabi ni Alfred.
"Tanong mo na kay Boss, kung pwede tikman muna natin kahit kalahati lang man or massage?" Tanong ng kasama ni Alfred.
"Ang sarap niya siguro, pare." Sabi ni Alfred sabay himas ng paa ko dahil naka school uniform ako kaya skirt lang yun pang baba ko, ilang segundo lang may biglang bumusina sa labas.
"Dumating na si boss, takpan mo na yung mga mata niya." Sabi ng kasama ni Alfred. Wala pang isang minuto, tinakpan nila ang mga mata ko.
"Gising na ba yan?" Rinig ko ang isang boses. Hindi ko marinig mabuti kung babae or lalaki yung boss niya.
"Opo boss." Sagot naman ng mga lalaki.
"Pinakain nyo na ba?" Tanong ulit niya pero ngayon rinig na rinig ko na at boses babae ang narinig ko.
"Kagigising lang kanina boss." Sagot ng isang lalaki.
"Tanga ba kayo? Dapat pinakain nyo muna siya bago nyo tinali." Sabi ng babae.
"Iwan ninyo muna kami." Utos pa niya at narinig ko ang paglakad nila Alfred.
"Ms. Reyes... Ms. Reyes..." Tawag niya sa last name ko pero hindi sigaw kundi malambing ang boses.
"Sino ba siya? Bakit parang kilalang kilala niya ako?" Sunod-sunod tanong ng innerself ko, habang nilalaro ko yung bracelet ko at may pinindot ako. Ngayon ko lang naalala suot ko pala yun bracelet ng CA.
"Ano ba kailangan mo?" Tanong ko sa kanya. Kahit hindi ko siya nakikita, alam kong masayang masaya siya sa nakikita niya paghihirap ko.
"Well, you're the big prize para makuha ko gusto ko." Sabi niya sa akin sabay hawak ang braso ko.
"Sino ka ba?" Tanong ko sa kanya.
"Duwag ka ba at ayaw mo magpakita sa akin." Dagdag ko pa sa kanya, kaya naman mabigat na sampal ang dumapo sa mukha ko naramdaman ko ding may dugong lumabas sa pagkasampal sa akin, natikman ko din ang sarili kong dugo.
BINABASA MO ANG
Concepcion Series: HARDENED HEART
RomanceISABELLA SAMANTHA CONCEPCION Siya ang panganay na apo ng mga Concepcion. Itinuturing siyang role model sa kanilang magpipinsan at sa pinapasukan niyang Academy. Tahimik lang siyang tao, ngunit kahit ganon, marami pa rin ang humahanga sa kanya. Who w...