CHAPTER 19: EXCITED

583 21 2
                                    

SERENITY'S POV

Sa almost 1 month na stay namin dito sa pinas, ang dami ko ng natutunan. Kung noon ay hindi ako masyadong makapagsalita ng Filipino, ngayon, okay na rin kahit medyo nahihirapan pa  ako sa ibang words.

Andito na kami sa living room with Alex, Cassy, Vero, at Trinity, hinihintay pa namin yung iba, ready for College. (Yehey) Yes tama kayo! We decided to study here at pumayag naman ang parents ko at parents ni kimmy para daw magkakasama kami nila Trinity.

"Wala pa ba si Sammy?" Tanong ni Trinity.

Speaking of her, tumahimik siya at hindi na kami masyadong naguusap kasi lagi siyang nagkukulong sa kwarto niya. According to her, okay naman siya, wala naman daw problema, minsan ang sinasabi niya naho-home sick lang siya. I asked Trinity hindi naman daw niya alam. Sabi pa ni Twinny, parang nagbago na daw si Sammy. Naiisip ko tuloy na parang ako yung dahilan kung bakit nagbago si Sammy.

"Wala pa eh, pero papasok naman siya." sabi ni Alex.

"Ready na ba kayo?" Tanong ni Tita Bella (Mom of Sammy).

"Yes tita" sagot naman namin.

"Wala pa yung iba?" Tanong ni Tita Bella, magsasalita pa sana si Vero.

"Andito na kami." sabi ni Victoria, Rissa at Kimmy.

"Wala pa rin si Sammy?" Tanong ni Rissa.

"Wag mo hanapin ang wala." sabi naman ni Alex.

"Hey! Hey! Baka saan pa mapunta yan? Tara na! Remember kailangan nating mauna." sabi ni Tita Bella.

Dahil may sariling kotse ang magpipinsan, kanyang-kanya kaming sakay. Kami naman nila Kimmy, Trinity at ako, kasama namin si Tita Bella and her driver, kasi wala pa naman kaming kotse tsaka wala din naman si Sammy. Sumunod na rin yung mga bodyguard nila. According sa mga PI ng mga Concepcion, matagal na daw palang nasa kulungan ang mga bumaril sa kanila noon ang kaso nila yata ay drug possession. Kahit ganoon kailangan pa rin daw ng bodyguards for protection.

------

Nakarating kami ng school for about 20-25 minutes, Kuya Adam (Tita Bella's driver) parked the car. Maaga pa kaya konti pa lang ang tao. Kung sa ibang school first day is not important kasi ang rason ng mga ibang students, ito ang araw kung saan you will just introduce yourself. Little did they know that the first day is the first impression sa isang student. Dito sa Concepcion Academy, today is the Welcoming Program or should I say First Day Program. Importante ang program na ito dahil they will announce kung anu-ano ang mga rules, Clubs na pwedeng salihan for granted tuition discounts at ang hinihintay ng lahat ang makilala ang mga Concepcion lalo na ang mga magpi-pinsan a.k.a Concepcion Couz. Sa dami kong nasabi hindi ko namalayan na andito na pala kami sa entrance ng theater.

"Hoy!!" Sigaw ni Kimmy sa akin.

"Ano?" Sabi ko sa kanya.

"Kanina pa ako nagsasalita dito, wala pala dito ang utak at kaluluwa mo. Sinayang ko lang ang laway ko." sabi ni Kimmy sa akin.

"Sorry na may iniisip lang ako." pasulot ko sa kanya.

"Ano o kung sino?" sabi niya sabay ngumiti ang loko.

"Sino agad? Hindi ba pwedeng..." Tanong ko sa kanya. Hindi ko na tinuloy ang sasabihin ko ng bigla siya magsalita.

"Don't me Serenity, I know you couz." sabi niya sa akin at tumingin ako sa kanya.

"Ewan ko sa'yo kimmy, dami mong alam." sabi ko sa kanya, sabay talikod at rinig ko ang pigil na tawa niya.

"Serenity, Trinity at Kimmy, pasok na tayo, doon tayo sa Front line." Sabi ni Tita Bella.

Concepcion Series: HARDENED HEARTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon