GABBY'S POV
Nag-aayos kami dito sa clinic. May kailangan din kasing pirmahan si Sammy.
"Gabby." tawag niya sa akin. Tumingin naman ako sa kanya, kung kanina parang blue yung mga mata niya, ngayon naman ay light gray.
"Nasa Cafella daw yung mga pinsan ko." Sabi ni Sam at ngumiti naman ako sa kanya.
"Tara na." Sabi niya sa akin sabay nilagay ang hood at sunglasses niya. Naglakad na kami papunta ng Cafella, hindi naman mainit pero bakit siya naka sunglasses.
------
*FLASHBACK*
Pagkatapos ng Opening Day sa theater, naglabasan na lahat ng tao, hindi naman tulakan or magulo. Ang mga students ay isa isang tumayo at pumila para lumabas. Paglabas ko ng theater, lahat yata ng tao ay sa Cafeteria at Coffee Shop ang punta kaya napag desisyunan ko na sa Registration Department muna ako didiretso. First day of school ngayon, first time ko din pumasok dito sa malaking school na to.
Isa ako sa mga nabigyan ng Scholarship dito sa Concepcion Academy. Di ko napansin na nasa Registration Department na pala ako. Naglakad na ako papunta sa pinakadulo ng pila. Wala pa isang oras ang nakalipas, bigla na lang dumami ang tao sa likod ko. Buti na lang pumunta agad ako dito, isa or dalawang tao na lang ako na ang susunod.
Yung ibang students sa likod, nagkwe-kwentuhan habang nakapila. Karamihan dito ay mga freshmen yata na gaya ko, excited na kung paano gamitin ang pass bracelet, ako din excited na ako. Ang lakas talagang makamayaman ng school na ito, ibang iba sa ibang school. Tahimik lang kaming nakapila ngunit nakarinig kami ng ingay sa bandang dulo, papalapit na ito sa akin.
"Excuse me!" Medyo sigaw ng isang babae, ang yabang kung makalakad papunta sa kinaroroonan ko.
"Sorry miss, excuse lang ah." Sabi niya sa nasa harap ko. Magsasalita sana yung kausap niya pero naunahan ito noong nasa front desk.
"Miss, we have a line. You know the rules right?" Sabi ng isa sa mga babae sa registration department.
"Do you know me?!" Sabi ng mayabang na babae.
"Miss, just fall in line tapos ang usapan." Sabi ng isang babae na nasa likod ko.
"Alex, please don't make a scene." May biglang dumating na babae who caught my eye. Di ko siya masyadong kita kasi nakahood siya, ayaw yata magpakita ng mukha. Alex pala ang name ng mayabang na babae, parang nakita ko na siya pero hindi ko matandaan kung saan.
"Pwede ba miss pumila ka?!" Sigaw ng isang babae na nasa gitna yata ng pila. Tumingin naman ako sa sumigaw tsaka ako tumingin kay Alex at sa kasama niya.
"Hindi ba ninyo ako kilala?!" Sigaw ni Alex. Ang yabang talaga, sino ba siya.
"ALEXANDRA! PLEASE, NOT HERE!" Sabi ng kasama niya. Medyo napalakas yata kaya nakatingin na sila lahat sa kanya.
"Bumalik na kayo sa pila!" Sigaw ng isang babae na inis na inis.
Nakita ko na nagtutulakan na sa likod dahil din siguro sa inis at pati ako nadamay dahil malaki ang space sa harap ko. Umalis na yung babae nakapila sa harap ko at hindi ko nacontrol yung pakakatayo ko kaya ako natumba, pinikit ko na lang yung mga mata ko.
"What the!" Rinig ko may pabulong na nagsabi noon.
Kaya minulat ko mga mata ko, nakita ko yung nakahood na babae na nasa harap ko. Minulat niya ang mga mata niya pero nakatitig rin ako sa kanya She's perfect, ang ganda ganda niya. Her eyes are color blue, ang tangos ng ilong, her lips parang ang soft at ang sarap... wait! Parang familiar ang mukha niya sa akin.
BINABASA MO ANG
Concepcion Series: HARDENED HEART
RomanceISABELLA SAMANTHA CONCEPCION Siya ang panganay na apo ng mga Concepcion. Itinuturing siyang role model sa kanilang magpipinsan at sa pinapasukan niyang Academy. Tahimik lang siyang tao, ngunit kahit ganon, marami pa rin ang humahanga sa kanya. Who w...