CHAPTER 7: NOW OR NEVER

1.1K 29 3
                                    

SAMANTHA'S POV

*Celebration*
*Concepcion Mansion*

"You're here!" biglang may nagsalita sa likod ko.

"Hey Kim" sabi ko sa kanya. "Congrats pala Kimmy." dagdag ko sa kanya.

"Congrats din sammy!" Sabi niya sa akin. "Are you ready?" Tanong niya sa akin at tumangona lang ako.

"Sammy!" Sigaw nung mga nasa likod ni Kim.

"Nervous?" Tanong ni Trinity. Tatlo lang kami para sa plano ko at ayoko munang i-public kung ano man ang mangyayari.

"Yes! Paano kung i-reject ako?" Sabi ko sa kanila.

"Think positive, papunta na dito si Serenity" sabi ni Trinity na napagod yata sa pagtakbo. tumingin muna ako sa kanya, pero bakit ganun? Iba yung nakikita ko sa mga mata niya?

"Isn't she happy?" Sabi ng inner self ko pero binalewala ko nalang yung nakita ko. Nagready na rin kaming lahat at kinuha ko na rin ang guitar ko. The piano, roses, and paper hearts are ready also at nang makita ko siya sa entrance ng garden, nagsimula na akong mag play ng guitar. Habang naglalakad siya; si Trinity, nag hahagis ng roses and paper hearts; si Kim, nagplay ng piano for backup.

"Be positive" bulong ni Kim sa akin at nagsimula na rin akong kumanta.

Heart beats fast
Colors and promises
How to be brave?
How can I love when

I'm afraid to fall?
But watching you stand alone,
All of my doubt suddenly goes away somehow.

One step closer

I have died every day waiting for you
Darling, don't be afraid I have loved you
For a thousand years
I'll love you for a thousand more

Time stands still
Beauty in all she is
I will be brave
I will not let anything take away
What's standing in front of me
Every breath
Every hour has come to this

One step closer

Palapit na siya ng palapit; that simple girl, doon ako nainlove; that smile, doon ako nabaliw.

I have died every day waiting for you
Darling, don't be afraid I have loved you
For a thousand years
I'll love you for a thousand more

And all along I believed I would find you
Time has brought your heart to me
I have loved you for a thousand years
I'll love you for a thousand more

One step closer

One step closer

Di ko alam kung paano ko siya minamahal at kung paano nagsimula. Basta ang alam ko, nagsimula kami sa pagiging mag kaibigan, bestfriend, at doon na ako nag decide na ligawan siya.

I have died every day waiting for you
Darling don't be afraid I have loved you
For a thousand years
I'll love you for a thousand more

And all along I believed I would find you
Time has brought your heart to me
I have loved you for a thousand years
I'll love you for a thousand more

Pagkatapos ng kanta. Nagsalita na ako.

"Serenity, it's been 2 years since I asked you if I can court you, and you said yes. Alam mo ba na sobrang saya ko noon? I felt like I am the luckiest girl on earth. Simula noon lahat ng paraan na kaya kong gawin, ginagawa ko, siguro naman it's time to ask you this." sabi ko sa kanya then lumuhod ako sa harap niya.

"Ms. Serenity Citrine Serrano-Grande, will you be my girlfriend?" Tanong ko sa kanya. Nakatayo lang siya sa harap ko habang hawak ko ang mga kamay niya, hindi siya nagsasalita.

"Sere, please answer me.." sabi ko sa kanya, gusto ko na sanang umiyak pero pinipigilan ko.

"You love me right? Ramdam ko yun kapag magkasama tayo." sabi ko sa kanya, but still no response from her.

"Hindi mo naman ako papayagan mang ligaw if you don't like or love me right?" Tanong ko ulit sa kanya.

"Serenity" sabi din ni Trinity baka shocked siya or what. Gusto ko nang umiyak pero pinipigilan ko. Ayokong maawa siya sa akin or kahit ano, I want to be positive.

"Serenity" tawag ko sa kanya. This time she looked at me straight to my eyes, nakatitig kami sa isa't isa. Pero bakit ganon? I can't see love, puro pain. Why?

"Serenity, will you be my..." Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang bigla niyang kinuha ang kamay niya sa akin at tumakbo. Naiwan akong tulala at hindi ko na napigilang tumulo ang mga luha ko.

"Serenity!" Sigaw ni Trinity at sinundan niya.

"Sammy!" Sabi ni Kim then tumakbo siya papunta sa akin.

"I'm sorry Sam." sabi ni Kim.

"I'm okay." sabi ko sa kanila.

"Tara na sa loob" sabi ni Kim. "Please." Dagdag pa niya. Umiling ako.

"Mauna ka na, dito muna ako." sabi ko at umupo na ako sa damuhan.

"Dito muna ako." Sabi ko sa kanya. Hanggang sa makabalik si Trinity, ayaw ko pa rin umalis sa pagkaupo ko sa grass.

"Sammy, please. Can we go inside now?" Sabi naman ni Trinity sa akin. Kahit naka yuko ako, alam ko si Trinity yun.

"Hayaan muna natin siya." sabi ni Kim.

"Pasok ka na rin maya maya ah?" sabi ni Trinity sa akin. Tumango na lang ako, habang nakaupo sa grass at nagsimula namang umulan na para bang nakikiramay sa akin ang langit.

I saw Trinity and Kim in the window parang gustong tumakbo ni Trinity papunta sa akin pero pinigilan ito ni Kim. I want to be alone, ang daming tanong sa isipan ko, this is supposed to be the best gift sa graduation ko. Grabe! Akala ko okay na lahat, akala ko okay na kami, yun pala hanggang akala lang ang lahat.

Gusto kong sumigaw, gusto kong magwala, gusto kong ilabas lahat ng sakit na nararamdaman ko, pero hindi ko kaya. Nawala lahat ng lakas ko ngayon, ipinikit ko na lamang ang mga mata ko at nag flashback lahat ng mga nangyari. Sana ako na lang yung nawala, sana ako na lang yung namatay or sana pinatay na lang niya ako diba? Hindi ko pinagsisihan na niligawan ko siya ng 2 years, pero sobrang sakit. She fixed my broken heart but now she's the reason kung bakit mas durog ito ngayon.

———

Why do girls run from people that make them happy and stay with the ones who don't?
— SAMANTHA

Concepcion Series: HARDENED HEARTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon