CHAPTER 43: OPERATION AND STRATEGY

407 21 0
                                    

SAMANTHA'S POV

"It's showtime girls." Bulong ko sa earpiece na gamit ko tsaka ko nilagay ang maliit na camera sa dress ko.

"It's showtime." Bulong ko sa sarili ko.

Bumalik ako kung nasaan si Elizabeth, dala-dala ang dalawang wine.

"For you." Sabi ko sa kanya.

"Thank you Sam." Bulong niya sa akin. "Are you nervous?" Tanong niya sa akin pero nakabulong pa rin. Umiling naman ako sa kanya.

Tuloy pa rin ang bulungan at tawanan namin. Our position now, it's like we're flirting each other, para hindi mahalata sa ginagawa namin. While we're in the middle of our flirting thingy.

"Hi." Bati sa amin ni Suspect #1.

"Hello." Bati namin sa kanya.

"Can I borrow Sammy for a while?" Tanong niya kay Elizabeth.

"Excuse me." Sabi ni Liza at tumayo na ito, hinawakan ko naman ang kamay niya.

"She's not a thing to borrow." Dagdag niya pero seryoso ang mukha nito. Narinig ko naman may tumawa sa earpiece ko. Pailing-iling na lang ako sa nakikita ko.

"I don't mean that." Sabi ni Suspect #1 kay Liza. "I mean can I talk to Sammy?" Dagdag pa nito.

"Sure." Sabi ni Liza. "Just talk okay?" Dagdag pa nito at hinarap ako. I thought may sasabihin siya pero niyakap niya ako tsaka may binulong sa earpiece "Be ready girls" kunwari hinahalikan niya ang pisngi ko.

"See you later love." Sabi niya sa akin ng medyo malakas. Ngumiti naman ako sa kanya bilang sagot.

"How's your vacation?" Tanong ni Suspect #1 sa akin ng makaalis si Liza.

"Okay naman." Sagot ko sa kanya.

"Anyway do you want drinks?" Tanong ko sa kanya ng may tumigil na waitress sa harap namin para magbigay ng drinks. Kumuha naman si Suspect #1 sa tray na hawak ng waitress. I winked at the waitress at ngumiti naman ito, habang umiinom si Suspect #1 sa wine glass niya kaya naman hindi niya nakita yung ginawa ko.

"Bakit ang tagal ng vacation mo?" Tanong niya sa akin.

"Masyado akong nag enjoy eh." Sagot ko sa kanya.

"Masyadong nag enjoy sa vacation or sa new girlfriend mo?" Tanong niya sa akin. Bakit parang ang dami naman niya tanong.

"Both." Sagot ko sa kanya sabay tawa sa huli.

"So naka move on ka na?" Tanong niya sa akin sabay inom ng wine.

"I need to accept it. Bakit hindi? and beside she's my lil sister." Sagot ko sa kanya sakto naman nakita ko si Gabby masaya at tuwang tuwa sa mga kausap.

"Ohh really?" Yun lang sabi niya sa akin.

"Oo naman." Sagot ko sa kanya. Magsasalita pa sana ito but bigla na lang tumunog ang phone niya.

"Sige mamaya na lang ulit." Sabi niya sa akin tsaka niya ininom lahat yung laman ng glass wine niya at sa hindi sinasadya iniwan niya ito sa table. Ilang saglit pa lang ng pagkaalis niya, bigla namang dumating si Andy with waitress.

"Kunin mo ito. Please paki ingatan mo ah." Utos ni Andy sa waitress.

"Yes po Ms. Andrea." Sagot niya. Kinuha naman niya ito at nilagay sa malinis na plastic bag. Good thing, nag gloves ang waitress, well knowing Andy, lahat ng gusto niya at pinapautos niya dapat walang palpak. Manang mana kay Tito.

"Are you okay?" Tanong ni Andy sa akin.

"Ang dami niya kasing tanong eh. But nasagot ko naman lahat." Sagot ko sa kanya.

Concepcion Series: HARDENED HEARTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon