CHAPTER 38: AVOIDING

338 23 0
                                    

GABBY'S POV

"Hey! Goodmorning. What are you doing here?" nagulat ako nang may nagsalita sa harap ko habang nakayuko ako.

"Hi Cassy." Bati ko sa kanya. "Nothing, wala naman ako pupuntahan eh." Sagot ko sa kanya.

"You know what, you should hangout with us, like before." Sabi naman ni Cassy. "Come with me." Dagdag pa niya sa akin.

"Wag na Cassy." Sabi ko sa kanya.

"Gabby?" Tawag niya sa akin. Tumingin naman ako sa kanya at umiling ako. Magsasalita pa sana siya nang may nagtap sa shoulders niya.

"Hey girls." Bati niya sa amin.

"Hi Andy." Bati naman ni Cassy sa kanya.

"Sige una na ako. We have a meeting after matapos ang school year." Sabi ni Cassy.

"Oo nga ang bilis ng panahon. Matatapos na ang 1st year sa college." Sabi naman ni Andy.

"Yeah! I know right! And Next school year, sabay sabay na tayo papasok." Sabi ni Cassy.

"Excited ka masyado. Di pa nga sure kung makakapasa ako sa Entrance Exam ng Concepcion Academy." Sabi ni Andy kay Cassy.

"I have to go!" Sabi nito sabay taas ang kamay habang lumalakad siya.

"Hey!" Bigla sigaw ni Andy, tumigil naman si Cassy at ngumiti sa amin.

"Sama kami." Sabi ni Andy. Tumingin naman ako sa kanya, nakangiti naman ito kay Cassy. Kung hindi ko lang sila kilala di ko sila pagiisipan ng kung ano ano, alam ko naman gusto lang nila ako mapasaya at maaliw.

"Sasama ba kayo or what!?" Tanong ni Cassy.

"Of course sasama kami." Sabi naman ni Andy sabay hila ang kamay ko. Mas malakas siya eh, kaya I don't have choice kundi maglakad na din.

Napapailing na lang ako kahit sunod sunod ang problema ng mga Concepcion, they still positive, kaya nila maging professional at hindi nila dinadala sa labas ng bahay ang problema.

"Pero ikaw!?" Tanong naman ng innerself ko.

"Kanina pa ako nagsasalita dito, di ka naman pala nakikinig. Nasayang lang ang laway ko sa'yo." Sabi naman ni Andy habang naglalakad kami sa hallway. Si Cassy naman busy sa kanyang phone.

"Pasensya ka na. Madami lang kasi akong iniisip." Sagot ko sa kanya.

"It's okay Gabby. Naiintindihan ko." Sabi naman ni Andy sa akin.

Since noong nalaman nila or kami na isa akong Concepcion, si Andy lang lagi ang nasa tabi ko. Well, ang mga pinsan ko ay lagi namang andyan pero si Andy, never niya akong iniwan. Madalas nga sa bahay na din siya natutulog, okay lang naman yun kay Mommy. Yes! Sa ilang weeks ko na nakatira sa bahay, natutunan ko na din tawagin si Mrs. Concepcion as Mommy.

"Gabby?" Tawag ulit sa akin ni Andy.

"Sorry" sabi ko sa kanya.

"Girls, we're here." Sabi ni Cassy. Hindi ko man lang namalayan andito na pala kami. Pumasok kami sa office ng Student Council, parang ang tahimik.

"Hi my fellows officer." Bati ni Cassy. "Well, i have a company, so let's welcome, Ms. Concepcion." dagdag ni Cassy. Tsaka naman kami umupo sa vacant seat at dahil bully tong mga kasama ko ang vacant seat lang para sa akin yun, siempre sa tabi ni Sammy.

"Welcome to Student Council Office." Bati ni Sammy sa akin pero hindi nakatignin sa akin kundi sa laptop niya. Nakatitig lang ako sa kanya habang nag didiscuss siya about sa meeting. Ilang weeks ko din siyang iniwasan, pero wala pa ring nagbabago sa kanya except for one thing, her attitude, mas lumala pa yata.

Concepcion Series: HARDENED HEARTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon