SAMANTHA'S POV
I'm waiting sa mga kasama ko, sina mom and my cousins. Medyo maaga pa naman so I decided na tumugtog muna. While I'm playing the organ Napaisip ako sa nangyari kanina, I didn't expect that ganon na pala katagal na nag titiis si Trinity. Dinamay ko pa naman siya sa lahat ng efforts ko kay Serenity, I'm so stupid! hindi ko man lang namalayan na may feelings pala siya sakin.
"Hey!" Natauhan ng biglang may sumigaw.
"Tulala ka na naman, tapos yung organ mo sobrang lakas!" sabi ni Alex, sobrang lakas ng organ ko? Huh? What does she mean?
"May problema ba anak?" Tanong ni mom.
"Wala naman mom." sagot ko sa kanya.
"Baka naman kinakabahan siya?" sabi ni Rissa.
"Huh? Hindi ah? May iniisip lang ako, no worries." sabi ko sa kanila. "Anyway, is everyone ready?" Tanong ko sa kanila.
"Yes! We are all here, tara na!" sabi ni Victoria.
"Tara na." sabi ko sa kanila. Pumunta na ako sa sasakyan with mom, yung mga pinsan ko sa van na sila sumakay.
"Sammy, are you sure that you want to transfer to another school?" Tanong sa akin bigla ni Mom, I smiled at her.
"Mom, I'm definitely sure about it." sagot ko sa kanya. She hugged me and naging tahimik ang byahe namin papunta sa school.
———
*school*
"Guys, diretso na lang kayo sa gym, pupunta ako sa backstage, may iche-check lang ako." sabi ko sa kanila. Tumango naman sila at naglakad na ako papunta sa backstage.
"Hey! Hey! Hey! What's up guys?" Sabi ko sa kanila ng makarating ako sa backstage.
"Hi President." sabi ng isang lalaki na nag abot ng papel sa akin.
"Don't call me President anymore, you're the President now, Mr. President." sabay tukso sa kanya.
"But..." Hindi ko na pinatapos ang sasabihin niya.
"No buts Mr. President." sabi ko sa kanya. Sabay kiniliti ko siya, ang lakas kasi ng kiliti niya.
"Enough please." sabi niya habang tawa siya ng tawa.
"What's going on?!" Bigla kaming natigil ng may malakas na boses kaming narinig, pag tingin ko ay si Serenity, Trinity, and Kimmy pala.
"Nothing, we're just having fun, huling bonding na namin ito eh." sabi ko sa kanya at umayos na kami ng tayo.
"I have to go Pre.. I mean Sammy." sabi niya sa akin at humalik pa siya sa pisngi ko bago umalis.
"What's the meaning of that?!" Sigaw na sabi ni Serenity. Nagtaka naman ako.
"Ano bang kinakagalit niya?!" Sabi ng inner self ko.
"Huh?" Yun lang ang nasabi ko.
"We still have many things to do and you're just flirting with that guy." sabi niya ulit sa akin. Di ko maintindihan ang sinasabi niya. Anong flirt? Sino? Tumingin ako sa mga kasama niya, ngiti lang ang binigay nilang sagot sa akin. Pag tingin ko kay Serenity, I saw her eyes full of pain and jealousy. Namumula siya, magsasalita pa sana ako nang biglang dumating ang iba pang officers and classmates ko.
"Guys, dumadami na ang Guests." Sabi ng isang lalaki. Kung di ako nagkakamali second cousin yata nila Kimmy yun, tumango na lang kami at nag ayos na ako ng gamit. Wala na akong kinausap na kahit sino. Wala na rin ako sa mood, isa kasi sa ayaw ko ay yung sinisigawan ako without any reason. Hindi ko na nga siya pinapansin, tapos ganun pa siya umasta.
BINABASA MO ANG
Concepcion Series: HARDENED HEART
RomanceISABELLA SAMANTHA CONCEPCION Siya ang panganay na apo ng mga Concepcion. Itinuturing siyang role model sa kanilang magpipinsan at sa pinapasukan niyang Academy. Tahimik lang siyang tao, ngunit kahit ganon, marami pa rin ang humahanga sa kanya. Who w...