THIRD PERSON'S POV
"Gising na Sam, andito na tayo." sabi ni Rissa. Gising na si sam pero nag kukunwaring tulog pa ito dahil makulit si Rissa. Pag-dilat niya ay tumingin siya sa labas ng sasakyan para i-check kung nasaan sila.
"Bakit nasa airport tayo?! Rissa! Anong ginagawa natin dito?!" Pasigaw na tanong ni Sam.
"Ewan ko sa driver." sabi ni Rissa.
"ALEX! Akala ko ba sa mall tayo pupunta?" Tanong ni Sam kay Alex. "What the hell are we doing here?" Tanong ulit ni Sam.
"Chill lang please?" Sabi naman ni Alex. Tinignan ni Alex ang kanyang kapatid para humingi ng tulong pero hindi siya pinapansin nito.
"Paano ako magchi-chill?!" Sabi ni Sam.
"Relax! Pwede bang bumaba muna tayo?" Tanong ni Rissa at bumaba naman sila.
"Pumasok muna tayo" dagdag pa nito.
Naglakad na sila papunta sa exit ng baggage claim area. Ang daming tanong ni Sammy pero wala pa rin siyang nakukuhang sagot. Habang nakaupo ang tatlo, si Sammy ay hindi makarelax, maya't maya ang pag tayo at upo nito, si Alex patingin tingin sa paligid.
———
SAMANTHA'S POV
"Hi Sammy, Rissa, and Alex!" biglang may sumigaw sa likod namin at napatingin din kami sa pinagmulan ng mga boses.
"Surprise!" sigaw ng mga pinsan namin kaya napatakbo kami at nag beso-beso sa isa't isa. After how many years, ngayon lang ulit kami nagsama-sama.
"Actually, incomplete parin. Your sister is not here right? She's gone." Sabi ng innerself ko, bigla kong naalala ang kapatid ko. Matagal na siyang wala pero bakit ganon? Iba ang sinasabi ng puso ko. Natauhan nalang ako nang biglang may tumapik sa shoulders ko.
"Are you okay Ate Sammy?" Tanong sa akin ni Vero. Tumango lang ako at ngumiti ng bahagya.
"Tara na?" Sabi ni Rissa. Naglakad na kami papunta sa parking area.
"Wait! Isang car lang ang gagamit natin? kasya ba tayong lahat dyan?" Tanong ko. Tumawa naman ng malakas sina Rissa at Alex. May mali ba sa sinabi ko? 6 kaming lahat so saan pa ilalagay yung mga baggages nila?
"Anong tinatawa tawa ninyong dalawa?" Tanong ko. Mas lumakas pa ang tawa ni Alex kaya lahat ng tao ay napatingin sa amin so ayun, binatukan ko siya.
"Alam niyo? Sadista talaga kayo kahit kailan." Reklamo ni Alex sabay turo sa akin at kay Rissa.
"Oh bakit ako nadamay?" Tanong ni Rissa sa kapatid.
"Siempre kayo ang close. Sadista si Sam, edi sadista ka din." Sabi ni Alex kay Rissa.
"Kahit close kami, magkaiba kami." sabi ni Rissa.
"So saan isasakay yung mga gamit nila?" Tanong ko ulit. Tatawa pa sana si Alex pero binatukan siya ni Rissa.
"See? Sadista kayo!" Reklamo niya.
"Kaya nga ako ang nag drive kanina kasi si Kuya Rey at Kuya Gil sa isang van pa, mas nauna lang tayo kina kuya Rey at kuya Gil. Baggages lang ang ilalagay then Sina ate anne na daw ang bahala. Next time kasi, 'wag matulog habang nasa byahe ha?" sabi ni Rissa sa akin.
"Che! Sino bang nagsabi na matulog muna ako?" Sabi ko naman sa kanila. Tumawa naman silang lahat, kahit kailan talaga ang lakas nila mang trip.
"Tara na. Gutom na ako!" Basag ni Rissa sa amin.
"Kailan ka pa nabusog Rissa, di ka pa rin nagbabago" sabi ni Vero. Tumawa na naman kaming lahat.
"Grabe ka Vero ah?" reklamo ni Rissa, nagpout siya.
BINABASA MO ANG
Concepcion Series: HARDENED HEART
RomanceISABELLA SAMANTHA CONCEPCION Siya ang panganay na apo ng mga Concepcion. Itinuturing siyang role model sa kanilang magpipinsan at sa pinapasukan niyang Academy. Tahimik lang siyang tao, ngunit kahit ganon, marami pa rin ang humahanga sa kanya. Who w...