Chapter 6
"Are you okay?"
Napalunok ako. Hindi ko mapigilang hindi ma-guilty habang nakaupo ako sa plastic chair at iniisip na baka nasira ko ang party. I know it's my fault. Iyon ang naramdaman ko sa tingin ng mga bisita niya. Sino ba naman kasing mag-aakalang mauuwi sa suntukan ang birthday party niya.
I was harassed by his friend. Pero bakit parang ramdam ko pa na ako iyong may kasalanan?
Kasalanan ko at ana nasira ko pa yung kasiyahan nila.
Mateo looked at me intently, half-kneeling while his friends tried to talk with his other circles. Parang gusto na rin nilang umuwi dahil sa nangyari. Iba rin iyong tingin nila sa akin.
"O-Okay lang ako."
Umiling siya. "You're not."
Suminghap ako at naglakas loob na salubungin ang tingin niya. "Bakit ka nagtatanong kung ayaw mong maniwala?" Natawa ako. "Okay na ako."
His brows furrowed. Ayaw pa rin niyang maniwala.
Nilingon ko ang iilang kaibigan niya na bigla nalang tumayo at umalis sa kinauupuan nila. My eyes widened. Nakita kong nilingon ako ni Ylena at dahan-dahan siyang ngumisi na para bang sinasabi niyang okay lang na umalis sila.
"Dude, pwede na ba akong kumanta?" Xenon asked from behind. Hinila siya ni Ylena.
"Wala na ang mga bisita mo," I said.
"I don't need them." He looked at me. "The door is open for them to leave. No one is begging them to stay, Cristina."
Ngumuso ako at binalingan ang tatlong kaibigan niyang nag-uunahan na sa videoke.
May tumawag kay Mateo dahilan para mapalingon kami. Binalingan ako ng mga nanatiling kaibigan niya pero tumayo si Mateo para harangan ako. Narinig ko nalang na nagpapaalam na sila.
I closed my eyes. Mas lalo lang akong na-guilty.
"Kanta tayo! Do you sing?" Ylena reached my hand. Pilit niyang inaabot ang kamay ko.
"Ylena," Mateo called her.
"Kakanta lang naman!"
Natawa ako. "Hindi ako kumakanta. Uh, baka kailangan ko na rin palang—"
"Please? Mamaya ka na lang umuwi. Maaga pa naman," she said.
"Ylena—" Mateo tried to stop her pero bigla nalang siyang ginulo ni Xenon at Simon kaya wala na siyang nagawa kaya tuluyan na akong nahablot ni Ylena. He groaned like a wounded man kaya lang, pinagtawanan siya ng mga kaibigan niya.
"What song?" Ylena asked me.
Ngumisi ako at hindi na nagawang tanggihan ang mikropono. Pinagbigyan ko na rin si Ylena tutal ngayon lang din naman.
Pasado alas dyes na ng gabi nang umupo ako ulit para pagbigyan si Ylena na kumanta. Nag-iinuman na sina Mateo at Xenon pero alam kong kanina niya pa ako tinitingnan. He looked worried and curious at the same time. Kaya nang magtama ang tingin namin, natigilan siya. Ininom niya muna iyong shot niya bago tumayo para lapitan ako.
"Gusto mo na bang umuwi?" He asked.
Nilingon ko si Ylena na tuwang-tuwa sa pagkanta. "Mamaya na. I need to beat her score."
Suminghap siya at nilingon ang kaibigan.
"I'm sorry."
"Hmmm?"
"Bukas... babasagin ko ang bungo no'n para magtanda."
Natawa ako. "Huwag na."
"Huwag na? He harassed you." Medyo nagulat pa siya sa sinabi ko.
BINABASA MO ANG
The Drunken Vengeance (Love Boundaries Series #2) COMPLETED
RomanceWarning: This story contains mature scenes, lines and disturbing content. Reading comprehension is a must. Intrusive thoughts... heartbreak... and pain.. Cristina Mallari believes that she was done. After her lovesick drama in high school life whe...