Waves

124 8 0
                                    

Chapter 22

"Cristina! May tao sa labas! Tatlong araw na 'yang pabalik-balik dito!"

Nagtago ako sa kumot ko bago ipinikit ang mga mata. Ayokong lumabas. Halos isang linggo na rin akong nasa kwarto lang at hindi bumababa. Tuluyan na akong nawalan ng gana. Nag-withdraw na rin ako sa pageant dahil alam kong pagtatawanan lang ako ng mga tao. Kumalat ang mga litratong minanipula para pagpiyestahan ako.

I decided to deactive my account. Madalas akong nakakatanggap ng messages kaya hindi nakatulong sa akin iyon at mas lalong natatakot na makabasa ng kung ano.

Jhia also sent me an email. Minsan, nagpapadala siya ng mga hand-outs and soft copies at gumagawa siya ng g-drive para sa academic things namin para makahabol ako.

Talagang naapektuhan ang pag-aaral ko.

The door opened harshly. Umingit ako kasi alam kong si Tani iyon. Hinihila niya ang paa kokaya sinipa ko siya.

"Si Mateo... nasa labas."

Suminghap ako at mas lalong nagtalukbong. Pero yinuyugyog niya ang kama para lang umahon ako.

"Pauwiin mo!"

She glared at me. "Bakit ako? At tsaka... 'di ka ba naaawa? Araw-araw siyang bumabalik dito para bisitahin ka." Inabot niya ang bag niya. "Muntik na ngang mapaaway sa kanto dahil... narinig niyang pinag-uusapan ka pa ng mga yopak na kapitbahay natin."

I groaned.

"Wala ka na bang balak pumasok?"

"I don't know!"

"Ano? Ganoon-ganoon nalang? Paano latin honors mo niyan?"

"Makakahabol ako," bulong ko. Hindi ko naisip na gano'n-ganoon nalang. Na kaya kong isantabi at huwag isipin ang pag-aaral ko.

Sinapak niya ako konti kaya napaahon ako sa kama ko. "Ang sakit!"

"Hindi na naniniwala si lola na may one week sem-break kayo! Hindi naman totoo ang scandal mo kaya bakit ka nagtatago?" She raised her brow.

"Lahat naniniwala na ako 'yon," I said.

"Pero hindi ikaw iyon! You shouldn't act like your guilty or ashamed kasi hindi naman ikaw iyon!"

"Easy for you to say," I whispered. Tumayo ako at itinali ang buhok ko. Kinapa ko ang salamin ko at isinuot iyon. Inayos ko ang kama ko pero tinulak ako ni Tani.

Itutulak ko na sana siya kaso narinig namin ang pagbukas ng gate. Pareho kaming napasilip sa bintana at nakita si Mama na kinausap si Mateo.

Mateo is wearing his maroon shirt and pants tapos may sling bag siyang nakasabit sa katawan niya. Seryosong-seryoso siyang bumati kay Mama habang nakapahimulsa. Hinampas pa ako ni Tani kaya para na kaming batang naghahampasan.

"Natutulog si Cristina, hijo. Ayaw na atang lumabas ng kwarto ang batang 'yon. Sabi niya may sem-break daw... pero duda ako, e!"

Hindi nagsalita si Mateo. Tipid lang siyang tumango.

"Ano na bang balita do'n sa kumakalat na litrato niya? Sabi ni Tani... gawa-gawa lang daw," si Mama.

Natigilan ako.

"Pinapatigil ko na po ang pagkalat. Humingi pa ako ng tulong sa mga kaibigan ko... at sa isang abogado," aniya.

"Hindi ko na talaga alam kung anong gagawin sa batang 'yan. Masyadong lapitin sa mga eakandalo! May mga tao ring walang magawa sa buhay! Noon, wala naman gano'n-ganoon! Bakit ngayon parang ang dali-dali nalang mangialam ng buhay ng may buhay!"

The Drunken Vengeance (Love Boundaries Series #2) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon