Chapter 24
"At saan ka natulog kagabi?"
Humilata ako sa kama at humikab ulit bago sinagot ang pang-tsitsismis ni Tani. Pagkatapos naming mag-lunch ni Mateo, hinatid niya pa ako gamit ang sasakyan ni Xenon kaya ganoon nalang ang pang-iintriga nila Mama. Maliban kay Papa kasi 'di naman ugali no'n ang maki chismis. Buti nalang talaga abala si Mama sa niluluto niyang banana cues kaya 'di na masyado ako natanong pa.
"Hindi ka umuwi kagabi." She smirked and wiggled her brows. Nakita niya lang na hinatid ako ni Mateo, walang katapusang asar na naman ang ginagawa niya sa akin. Makulit na naman siya.
"Sa apartment ng kaibigan niya," I answered her as I unbuttoned my dress. Medyo tinamad na naman ako at gusto nalang magpahinga. Hindi ako nakatulog dahil naririnig ko ang pagtambol ng puso ko... kasama si Mateo.
"Kayong dalawa lang?"
Tumango ako. Kinuha ko iyong pajama ko pero binato niya sa akin ang unan niya.
"May nangyari sa inyo?!"
"Wala! Ano ka ba—"
"Weh?" Nilapit niya iyong mukha niya sa akin. "Weeeh? Kayong dalawa... tapos sa apartment... malamig at magkatabi—sasabihin mong walang nangyari?!" She giggled.
"Eh, sa wala nga?" Binato ko ulit sa kanya ang unan dahil ayan na naman siya. Ayaw niyang maniwala na walang nangyari sa amin. Palibhasa kasi, kapag sila ni James, kung ano-anong kababalaghan ang ginagawa.
"Walang kiss?" Sumunod pa siya sa akin at umupo sa kama ko.
I sighed. "Wala nga. Bakit kami magki-kiss?"
"Duh? Nangliligaw siya, 'di ba?"
"Oo pero bakit magki-kiss?"
Minura niya ako. Ako pa iyong nasaktan na parang kasalanan ko pa na walang ganoon na nangyari sa amin. Dapat lang naman na walang mangyari sa amin kasi... hindi ko pa naman siya sinasagot.
"He's your potential boyfriend, right?" tanong ni Tani.
Hindi ako nakasagot.
Mas lalong naningkit ang mga mata niya.
"You like him?"
Ngumuso ako at kunwaring busy sa buhok ko.
"Naninikip ba ang dibdib mo kapag kasama mo siya?"
Humaba lang ang nguso ko. Ayokong aminin iyon sa kanya no!
"Gusto mo siya!" She pointed me. "Kasi kung hindi, hindi mo siya i-eentertain! Hindi ka papayag na katabi siyang matulog!"
I smirked. Bigla siyang nagwala at hinihila hila ang buhok ko. Natatawa ko siyang pinigilan pero ayaw niya talagang magpaawat.
"Buti naman at natauhan ka na! After what happened, sa wakas naman!" She laughed like a crazy witch. "Nakita mo na rin sa wakas ang lalaking nagmamahal sa 'yo! Natapos na rin ang kahibangan mo diyan sa Matthew mo!"
Ngumisi ako. Matagal na rin naman akong tapos kay Matthew.
"Inlove ka nga kay Raneses! Sagutin mo na! Araw-araw ka pa namang nililigawan no'n kahit noong 'di ka lumalabas. Gulong-gulo na nga si Lola sa kanya kasi sa tuwing nagtatanong si Lola, kaibigan lang ang pinapakilala," aniya.
"Kaibigan ko naman talaga siya."
"Taray! Haba ng buhok? Palibhasa... hindi ka na chaka?"
I rolled my eyes. Binato ko ulit siya ng unan hanggang sa malunod siya sa mga hampas ko.
Hindi mawala ang ngiti ko ng gabing iyon. Ewan ko, nasisiraan na nga siguro ako ng ulo. Parang hindi na ako iyong dating Cristina na tahimik lang. Na hindi na kikiligin sa ibang lalaki. Na hindi na maniniwalang may kayang tumanggap sa akin.
BINABASA MO ANG
The Drunken Vengeance (Love Boundaries Series #2) COMPLETED
Roman d'amourWarning: This story contains mature scenes, lines and disturbing content. Reading comprehension is a must. Intrusive thoughts... heartbreak... and pain.. Cristina Mallari believes that she was done. After her lovesick drama in high school life whe...