College

145 6 0
                                    

Chapter 13

"May assignment ka na ba sa Purposive Communication? Pakopya naman oh," sabi ni Amara. Nagkatitigan kami ni Jhia dahil lagi nalang ganito ang ginagawa ni Amara. Lagi nalang siyang nangongopya.  Wala naman problema sa akin iyon pero minsan kasi...

"Ayaw mo ba?" iritado na siya. Parang kakalabanin niya ako kapag pumalag pa.

Lumunok ako. Iniwas ni Jhia iyong tingin niya sa akin kaya wala na akong nagawa kundi ibigay kay Amara iyong papel ko.

"Thank you, Cris!"

Tumango ako.

"Nakalimutan ko kasi. Masyadong busy," she chuckled.

Busy sa kaka-ML. Lagi niya kasing ka duo iyong long distance boyfriend niya niya minsan, 'di na niya nagagawa ang mga assignments and modules niya.

I sighed. Bakit ba kasi ayaw nilang gawin ang assignment nila? Bakit parang kasalanan pang ipagdamot iyong pinaghirapan ko?

Kinalimutan ko nalang kasi ayokong magkaroon ng gulo. I wanted to gain friends kasi may respeto akong nakukuha do'n. Tani made me to believe that. Ayokong mapuno ng 'di magagandang memories ang college life ko. My highschool is a nightmare kaya ayoko nang maulit iyon. Ayokong magising nalang ulit ako na pinag-uusapan.

"Pagsabihan mo nga," Jhia whispered.

Kakatapos lang ng class namin kaya nagdesisyon kaming kumain muna sa labas.

"Hayaan mo na."

"You can say no."

"Maybe next time," I smiled.

Biglang umingay ang gym dahil sa DevCom event. Ngumisi rin ako sa tindahan ni Unding dahil may isang grupo roon na binati ako.

"Si Keith ba iyon?" nguso ni Jhia sa lalaking nakaupo sa student's kiosk.

Tumango ako. Si Keith ang unang boyfriend ko sa college. Tumagal kami ng tatlong buwan pero pagkatapos ng Feb-Ibig, naghiwalay din kami. Sabi niya kasi gusto niya ng space kaya pinagbigyan ko na.

Though, he's not the last.

Kasi niligawan agad ako ng iba nang malaman nilang single ulit ako.

Nag-aaral ako nang mabuti. Minsan, lumalandi rin pero siyempre, priority ko pa rin ang pag-aaral. Nga lang, sa relasyon, walang nagtatagal sa akin.

Ewan ko. Kasi feeling ko si Matthew pa rin iyong gusto ko.

Kaso kahit naman nagbago ako, pumayat at gumanda, 'di niya pa rin ako pinapansin. Lumayo pa nga kasi tumungo ng Davao.

May mga tao talagang kahit anong glow-up mo, hindi ka pa rin type.

"Totoong niligawan ka ni Quen?"

"Huh?"

Kinuha ko iyong hand-outs ko sa Advanced Statistics. Natigilan nga lang dahil tinatanong ni Jhia ang ugnayan ko kay Quen.

"Maraming nagsasabi na nagdi-date kayo! Kakahiwalay niyo lang ni Alex, 'di ba?"

Kumunot ang noo ko. "Hindi naman kami close ni Quen! At tsaka... busy iyon sa dance troupe."

Sumama ang mukha niya. "Usap-usapan! Galit nga raw si Alex dahil inisip niyang si Quen ang dahilan kung bakit kayo naghiwalay," tsismis niya sa akin.

"Huh? Hindi iyan totoo!"

"Baka dahil sa alog-alog?"

Natawa ako. "Nilibre niya lang ako!"

Gusto kong matawa. Siraulo talaga 'yang si Alex kaya kami naghiwalay niyan, e! Napakaseloso kasi! Nakakasakal din kasi pinagbabawalan niya akong sumama sa kabilang grupo ni Jhia dahil may isang barkada kasing may gusto sa akin. Hindi ko naman pinapatulan kasi may boyfriend ako pero... ayaw niyang maniwala sa akin. Ayaw niyang magtiwala. Kaya ngayon na hiwalay na kami, kung ano-ano nalang ang ginagawa niyang kwento.

The Drunken Vengeance (Love Boundaries Series #2) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon