Pleasure

184 10 2
                                    

Chapter 7

"Ginulo mo na naman?"

Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa kanilang dalawa. Close na close talaga sila. Kahit na halata sa mukha ni Mateo ang inis, 'di naman nagpapadala si Ylena do'n kaya para na silang batang nag-aasaran.

Ylena smirked then looked at me. Kahit na may binubulong si Mateo sa kanya, nasa akin parin ang tingin niya at mas nakakatakot ang ngiti. Suddenly, Mateo blocked her view kaya bumalik na naman sila sa pagtatalo.

"Hindi ah! Nag-aaral lang ako tapos nakita ko siya." She pointed me while hiding the smirk on her lips. Totoo naman na nagkita kami dito pero 'di ko alam kung bakit niya kailangan patunayan iyon. At ito naman si Mateo, bakit ayaw pang maniwala?

"You wanted me to believe that?"

"Kulit ha. Sabing 'di ko nga ginulo!" Ylena smiled at me bago naupo ulit sa harapan ko. Mateo tried to stop her pero dumating bigla iyong mga kaibigan niya kaya mas lalo lang umingay. Napatingin pa nga ako sa paligid kasi may iba pa namang nag-aaral sa kabilang table. Baka mamaya, kung ano pa ang masabi dahil sa pagiging maingay. Mateo looked at me pero... tipid lang ako ngumiti sa kanya bago ibinalik ang atensyon sa module na binabasa ko.

I didn't know what happened. Biglaan nalang yung pagdating ni Mateo dito. Siguro, napilit nga siya ni Ylena na sumabay sa kanila.

"Isama natin siya!"

Napatingin ulit ako sa kanya. Ylena with her pleasing eyes gave me some kind of amusement. Maganda talaga siya kahit anong gawin.

"Where is your boyfriend?" Mateo asked.

"Why? Bakit mo ba siya hinahanap? Busy siya!" she replied. "Come on, Cris! You want to come with us?" Malaki na kaagad yung ngiti niya pero pinipigilan pa rin siya ni Mateo. 'Di ko tuloy maiwasang isipin na baka... ayaw niya akong isama sa lakad nila? O... ayaw niyang kausapin ako ni Ylena? Nalilito ako sa ginagawa nila.

"I'll be right back," Ylena winked at me bago tinampal si Mateo at bumalik ng table nila. Seryoso na agad sila sa binabasa nila kaya na kay Mateo na ang atensyon ko.

"What are you thinking?" Mateo asked me.

"Huh?"

Hindi siya nagsalita. But his jaw moved.

"Ah, wala—"

"You're lying again. Why? Do you want to come with us?" Bumagsak ang tingin niya sa modules ko. "Paano pag-aaral mo?"

Ngumuso ako. "Saan ba lakad niyo?"

He sighed. He pulled the chair and found a seat in front of me. He removed his sling bag and checked something inside.

"Gala. Mag-iinuman kami. I suggest huwag ka nang sumama," wika niya.

Dahan-dahan akong tumango.

Pero bigla nalang siyang nagmura.

"What are you thinking?" He groaned.

"Wala."

"Liar. Iniisip mo bang... ayaw kitang isama?"

Namilog ang mga mata ko. Did he... just read my mind? O baka masyado lang akong halata?

He sighed again. Parang bumibigat ang paglunok niya at napapaisip ng problema.

"Nag-aaral ka pero gusto mo bang sumama?" tanong niya ulit. Hindi niya na nilubayan ang mga mata ko kaya hindi ko matagalan yung tingin ko sa kanya.

"Okay lang naman. Hinihintay ko kasi ang pamangkin ko. May date siya at... dito kami magkikita," sagot ko.
Tumayo si Ylena at humihikab na pumunta sa counter. Bumalik ang tingin ko kay Mateo at naabutan ko siyang kunot-noo'ng nakatingin sa modules ko.

The Drunken Vengeance (Love Boundaries Series #2) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon