Chapter 11
"GenSec daw iyong makakalaban natin sa PE," rinig ko si Jane habang inaayos ang sintas ng sapatos niya. Kanina pa magulo ang classroom dahil excited ang lahat sa next activity namin sa subject na PE.
Suminghap ako.
My hatest subject.
Hindi kasi ako physically fit kaya nahihirapan akong gawin iyong mga activities. Yung mga exercises nga lang, suko na ako. Sports pa kaya na 'di ko naman forte iyon.
"Kapag nanalo tayo sa GenSec, may tyansang STEM iyong makakalaban natin."
Maya-maya pa, bigla na kaming tinawag ng beadle namin. Dumiretso kami sa gym at pumunta sa formation namin. Nag-warm up pa muna kami tapos nag-instruct lang si Ma'am ng gagawin namin.
"Nag-practice ka naman, Cris?"
"O-Oo pero 'di pa rin ako bihasa."
"Participate ka nalang."
Tumango ako. Ayoko rin namang bumagsak sa PE kahit na hatest subject ko 'to.
Volleyball iyong game namin ngayon. Bukod sa 'di talaga ako marunong, takot talaga ako sa bola. Tanda ko kasi noon, freshmen year ko, may mga juniors na binato ako ng bola kasi trip lang nila. Simula noon, natatakot na talaga ako. Dumugo ilong ko roon, e. Tapos ako pa sinisi dahi 'di daw ako umilag, kitang naglalaro daw sila. Aksidente daw iyon kahit alam kong 'di naman.
Pumikit ako at umiling. Ayoko nang isipin iyon.
Nagsimula na rin iyong laro nang dumating na ang section Gomez. Kampante pa sila at halatang batak sa laro.
"Mine," Tasya whispered. She swiftly tossed the ball kaya naka-score kami. Galak na galak iyong nanonood sa amin... pwera nalang kapag ako na iyong nagsi-serve. Hindi rin ako nakaka-toss ng mabuti kung sa akin napupunta ang bola.
Nasa kalagitnaan na kami ng laro nang tawagin ako ng gumanap ng coach namin.
"Pahinga ka muna."
Kanina pa kasi ako 'di nakakapuntos. Pati iyong serve ko, fucked up din.
Sabing 'di talaga ako sporty.
Umupo nalang ako sa bench. Kinuha ko iyong tumbler ko at nagpunas ng pawis. Nanatili ang tingin ko sa laro kahit na may iba akong nararamdaman. I looked at the other side of the net because I was not uncertain of what I'd feel then I saw Mateo's looking at me.
Tumango lang siya at ibinalik ang tingin sa laro. Mahigpit na iyong laro kaya maingay na ang gym. Akala ko nga 'di na ako makakabalik pero tinawag ulit ako ng leading coach namin para isalang ulit. Namuo na iyong pawis ko kasi pakiramdam ko, ako iyong magiging dahilan na matalo kami kasi ang ganda na ng laro.
"For your grade," our coach told me kasi parang nagi-gets niya iyong tingin ko. "Hindi pwedeng hindi ka maglaro. Kailangan ng participation mo."
Bumalik ako sa gitna. Buti nalang 'di sa akin napupunta ang bola. Mabuti magaling 'tong mga kasama ko.
Pero kailangan ko pa rin mag-serve. At sa bawat palpak ko, nagkakapuntos na iyong kalaban.
"Sorry..."
Narinig ko bigla iyong cheer ni Tani sa akin. Inis na inis na iyong ibang classmates ko pero 'di ko naman ginusto 'to. Sinubukan ko ulit at sa tsamba, naitawid ko naman sa kabila ang bola pero ang bilis nila. Halos 'di na nakakapagpahinga ng bola. Maingay na ang lahat... pero namilog ang mga mata ko nang papunta sa akin iyong bola.
Gusto kong maka-score.
I stepped backward pero ramdam kong itinulak ako ng kasama ko at 'di ko na alam kung anong sumunod na nangyari. I just closed my eyes kasi alam kong nawalan ako ng balanse at napasobra ako sa pag-atras. Alam kong tutumba ako.
![](https://img.wattpad.com/cover/306748537-288-k194798.jpg)
BINABASA MO ANG
The Drunken Vengeance (Love Boundaries Series #2) COMPLETED
RomantizmWarning: This story contains mature scenes, lines and disturbing content. Reading comprehension is a must. Intrusive thoughts... heartbreak... and pain.. Cristina Mallari believes that she was done. After her lovesick drama in high school life whe...