Chapter 27
"Matthew Theodore Raneses denoted a highest distinction of their batch. He's the first Summa Cum Laude of SPAMAST Malita, the best undergraduate thesis, a college leadership awardee and won a lot of medals in Mindanao Tertiary Competition. He took his masteral degree in Environmental and Resource Management at USEP Tagum. He's also an agronomist."
Nanatili ang tingin ko sa form. Nag-research si Tani tungkol sa kanya... at bumungad nga sa amin lahat ng achievements niya during his before and after college.
"Wow," Tani kicked my leg. "Nagtuturo siya sa USEP at... panel member mo pa?"
I rolled my eyes.
"Tang ina nito. Huwag mong sabihing affected ka pa rin?" tanong niya.
I glared at her.
"Hindi ka pa naka move on? Walong taon na, ah? At saka, ikaw naman iyong nagtakwil sa kanya—"
"Look at him now, kung hindi rin naman dahil sa ginawa ko, lahat ng recognition na natanggap niya, wala sana."
She chuckled. "Masyado ka atang mayabang? Alam naman nating dati pa iyang matalino si Mateo. Kung naging kayo, paniguradong successful pa rin siya."
Natigilan ako. She smirked. May kung anong sumuntok sa sikmura ko... dahil alam kong may punto si Tani.
"Mukhang naka move on na naman sa 'yo."
"May klase pa ako," tumayo ako at iniwan siya para pumasok sa kwarto ko. Suminghap ako at tuluyang napaupo sa kama.
What the fuck is this? Bakit siya napasali sa panel members ko? Bakit kailangan pa naming magkita ulit?
I covered my face with my hands to think more. Suminghap ulit ako at naisip na kailangan kong maging professional dito. Hindi niya ako pwede yabangan ngayon. Alam kong mas successful na siya sa akin ngayon pero hindi siya pwedeng magyabang.
Tatapusin ko lang 'tong masteral ko then goods na.
Hindi ko kailangang gawing big deal 'to.
I decided to focus more with my thesis. Masyado kasi akong sinuwerte sa adviser ko at pinaglihi sa sama ng loob. Laging galit kaya nakakatakot. Outline palang iyong kailangan kong isumite sa kanila for corrections pero hindi dapat puchu-puchu. Gabi-gabi ko iyong tinatrabaho dahil ayokong may masabi ang adviser ko. After my work, thesis agad ang inaatupag ko. Nabibilang na nga lang ang oras ng pagpapahinga ko.
"Are you sure?" Mating asked me. Nagawa niya akong kumbinsihin ngayon dahil sasampa na ulit siya.
"Yeah."
Natawa siya bigla. "So this... is destiny, right?"
I glared at him. "Para kang bata at naniniwala ka pa rin do'n."
"What's meant to be, will be."
"Yuck."
He chuckled again.
"Galit ka ba sa kanya?"
Natigilan ako. Hindi ko maalis iyong mga mata ko sa laptop pero natigil ako sa pagtitipa.
Umiling ako.
"Wala naman akong karapatang magalit."
"Hmmm?" Sinubo niya muna iyong karneng niluto niya. "So, nagkita na kayo?"
Umiling ulit ako. "Hindi pa ako nakapag-submit ng manuscript."
"Mukhang mapapasabak ka."
He smirked.
"Buti naman at lalayas ka na ulit."
"Balitaan nalang kita sa mga kaibigan kong latino kung type ka nila," naglagay siya ng karne sa bowl ko pero tinusok ko siya ng chopstick kaya humalakhak siya.
![](https://img.wattpad.com/cover/306748537-288-k194798.jpg)
BINABASA MO ANG
The Drunken Vengeance (Love Boundaries Series #2) COMPLETED
Roman d'amourWarning: This story contains mature scenes, lines and disturbing content. Reading comprehension is a must. Intrusive thoughts... heartbreak... and pain.. Cristina Mallari believes that she was done. After her lovesick drama in high school life whe...