Chapter 10
Hindi na siya nag-reply.
Natulog nalang ako dahil ayokong ma-stress sa nangyayari. Baka busy rin naman siya o may ginagawa lang. Tsaka, 'di niya rin naman... I mean, 'di naman siya obligadong mag-reply sa akin.
"Kumusta na grades mo, Cristina?" si Mama nang naghahanda siya ng almusal.
"Okay lang naman, Ma."
"Anong okay? Okay na pasado o okay na bagsak?"
I sighed. "Pasado, Ma. Hindi naman okay ang bumagsak."
Humalakhak siya habang binabaliktad ang prinipritong isda. Inaalala talaga ni Mama ang grades ko kasi sabi niya puhunan ko raw 'yon. Recognition ko raw iyon patunay na nag-aaral ako nang mabuti.
Ayaw niya kasi maniwala kapag sinabi kong nag-aaral naman ako. Kailangan may patunay.
"Aakyat ba ako sa stage?"
Kinagatan ko yung toasted bread na kinuha ko. "'Di ko pa po alam. Hindi pa naglalabas ng honor roll ang school."
"Aba dapat lang! Huwag ka ngang nega diyan! Tong batang 'to, oh! Aakyat ako! Yung ate mo nga... ilang beses akong pinaakyat sa stage dahil ang daming awards! Sumasali pa 'yan sa mga beauty contest!"
Ngumuya ako.
"Kaya ikaw... pagbutihin mo. Iyon lang ang tamang magagawa ng isang estudyante. Ang mag-aral para sa kinabukasan ninyo," dagdag niya pa at iniahon ang pritong isda.
Bumaba si Papa para ayusin ang nasirang kotse sa garahe. Binati niya lang ako bago pumunta sa labas. Pagkatapos kong kumain, agad akong bumalik sa kwarto at naabutang umiiyak si Tani.
"Anong nangyari?"
Medyo nahiya pa siya kaya kinusot niya yung mata niya. May twalya nang nakasabit sa balikat niya.
"Wala."
"Ano nga? Para naman tanga 'to."
She rolled her eyes at mukhang iiyak na naman.
"Feeling ko... niloloko ako ni James."
"Feeling mo?"
"Hindi siya nakapag-update sa akin kagabi. Tapos tinanong ko yung kaibigan niya... sabi nag-overnight daw sila!"
Suminghap ako. "Ask him."
"Paano kung makipaghiwalay siya sa akin?" Parang iiyak na talaga siya at mukhang... magagalit pa sa akin kapag 'di niya nagustuhan iyong isasagot ko.
"Confront him tapos... tanggapin mo ang sagot niya."
Ngumuso siya. "And what if... he's lying?"
Kinuha ko iyong bag ko. Hinarang niya pa iyong dalawang kamay niya sa daanan para hindi ako makaalis at 'di masagot iyong tanong niya.
"Then it's up to you. Doon ka sa katotohanan o sa katangahan," I said and pushed her a bit. Natampal niya pa ako kaya sumama ang tingin ko sa kanya. Humarurot kaagad siya papuntang banyo para maligo.
Inis na inis akong naghanap ng pedicab. Naisip ko kaagad ang sinabi ni Tani. Pangloloko na ba iyong 'di makapag-update sa jowa? Paano kung na busy o may rason si James?
But James should find a way.
Kasi may girlfriend siya. He should always make time for his girl.
Hindi ako maka-relate. NBSB naman kasi ako kaya 'di ko alam kung ano iyong tamang payo ko sa kanya.
"Salamat, Manong."
Pumasok na ako sa gate ng school. Tuloy-tuloy lang ang lakad ko at nang makaliko sa gym, nakita ko si Matthew.
![](https://img.wattpad.com/cover/306748537-288-k194798.jpg)
BINABASA MO ANG
The Drunken Vengeance (Love Boundaries Series #2) COMPLETED
RomanceWarning: This story contains mature scenes, lines and disturbing content. Reading comprehension is a must. Intrusive thoughts... heartbreak... and pain.. Cristina Mallari believes that she was done. After her lovesick drama in high school life whe...