Chapter 3
What if hindi ako pumasa this sem?
What if ma-disappoint sina Mama at Papa sa akin? Baka mamaya, isumbat nila sa akin lahat ng gastos nila sa pag-aaral, yung pagod at lahat ng expectations nila na hindi ko matutupad? What if I failed?
Nakapagtapos ng may magandang reputasyon at may flying colours ang Mama ni Tani. My sister has a decent job kaya minsan, hindi ko maiwasang huwag ikumpara ang sarili ko sa kanya. At sa tuwing sinusubukan ko namang wakliin 'yon sa isipan ko, ibang tao naman ang nangungumpara sa amin. Aside from being beautiful, kinukwestiyon ko yung kakayanan ko para sa kinabukasan ko. Na-iinsecure ako sa pwede kong magawa. Wala na akong tiwala sa utak at kakayahan kong mag-desisyon.
For years, I dwelled among the demands and expectations of my parents—and even to myself. There are some nights, I'm thinking about being the killer of my own self. That I think too much if I really deserve what I want and what I get. I had to cry and convinced myself that I really deserved it. I kept thinking about people. My chances. My future and if I'm really doing well. There are some nights that used to be my escape but some nights were cruel and became my killing ground where I usually kill—murder myself with my own thoughts.
Pumikit ako. Umahon ako sa pagkakahiga dahil alam kong tatraydurin na naman ako ng mga mata ko. I sighed. Ilang gabi na ata ako sinusumpong ng pagiging overthinker ko. Naalala ko tuloy ang imbitasyon ni Matthew sa akin bukas. Uminit ang pisngi ko nang maisip na talagang inimbita niya ako!
Sinabi ko kay Tani ang plano ko. Hindi ko nga lang nagustuhan ang reaksyon niya dahil pinagtawanan niya lang ako.
"Anong gagawin niyo? Date?" tukso niya sa akin.
Ngumuso ako at hinanap ang paborito kong damit. Mas lalo niya akong inasar dahil bihira lang naman akong magsuot ng dress. Bigay pa sa akin ni Tani iyon kaya mas lalo siyang nakakita ng rason para mas asarin pa ako.
"Sige! Umasa kang gaga ka. Tagal mo ng crush ang dating tabachoy na 'yon, ha? Hindi pa ba napapagod 'yang puso mong umasa nang umasa? Sabihin mo diyan sa utak mo na magsawa na dahil mag-iisang dekada ka ng tanga!" Umupo siya sa kama ko. "Ano? May girlfriend iyong tao, crush mo pa rin?"
Ngumuso ako. "Wala naman akong ginagawang masama na ikinasisira ng relasyon niya sa girlfriend niya kaya walang masamang may maramdaman sa kanya," sagot ko. "Hindi naman ako naghahangad ng kung ano."
"Wala ka ngang ginawa pero pitong taon mo ng gusto ang taong 'yun! Grabe, grow up naman! Dapat nag-a-update ka ng crush!"
I smirked. "There's no enough storage, Tani."
Umawang ang bibig niya, tila nagulat sa sinabi ko. "Tang ina."
Hindi ako nagpatinag kay Tani. Hindi ko pinansin lahat ng mga sinasabi niya tungkol kay Matthew. Kinabukasan, maaga akong naghanda para makipagkita sa kanya sa Jollibee. Nagdesisyon muna akong dumaan sa simbahan para mag-alay ng dasal.
Tumunog ang cellphone ko dahil sa messenger call. Hindi ko nga lang nasagot' yon dahil nahirapan makakuha ng sapat na signal ang cellphone ko. I saw Matt's message at hinahanap na ako kaya dali-dali na akong nagpaalam kay Lord. Lumabas na ako ng simbahan at agad na tumingin sa magkabilang gilid para tumawid. Malapit lang yung Jollibee kaya hindi umabot ng ilang minuto ang pagdating ko.
"Cristina!"
Nawala ang ngisi ko nang lingunin ko ang sinong tumawag sa akin. Matthew waved his hand. Ang isang kamay niya ay naka-akbay sa upuan ng babaeng kasama niya. Tang ina... babawi raw pero... ginawa akong third-wheel. Tang ina.
"Dito ka..." sabi niya at itinuro ang upuan sa harapan nila. The girl smiled at me kaya wala akong nagawa kundi ang ngitian din siya. She's wearing a beige off-shoulder top and a maong sexy skirt. Si Matt naman ay naka-grey shirt at usual pants niya lang.
BINABASA MO ANG
The Drunken Vengeance (Love Boundaries Series #2) COMPLETED
RomanceWarning: This story contains mature scenes, lines and disturbing content. Reading comprehension is a must. Intrusive thoughts... heartbreak... and pain.. Cristina Mallari believes that she was done. After her lovesick drama in high school life whe...