Chapter 16
"What do you mean?"
Natawa ako kasi seryosong-seryoso siya sa paratang niya sa akin. Tumaas pa ang kilay niya na akala mo'y bistong-bisto ako sa pagpapalit-palit ng boyfriend.
"Anong papalit-palit ng boyfriend? Hindi ah!" sipat ko sa kanya kasi kung ano-ano nalang ang sinasabi!
He chuckled. "Akala ko ba... si Mating ang lalaking tanging mamahalin mo? First love dies, e?" Ngumuso pa siya kaya iritado na ako at pinagkrus ang mga braso.
"Past is past," I said.
"Ayaw mo ng balikan—"
"I hated my past, Mateo. Aware ka naman siguro sa lahat ng ganap ko sa highschool." Lumunok ako. "Punterya ako ng bully dahil pangit ako... dahil mataba ako at weird."
Biglang nawala ang ngiti niya.
"My past was ugly. Kaya ngayon, masaya akong maraming nagagalak at nagagandahan sa akin—"
Suminghap siya. "Being fat doesn't make you ugly."
Tinitigan ko siya.
Nasasabi niya lang naman 'yan dahil hindi naman siya iyong na-bully noon. Hindi niya alam ang nararamdaman ko sa tuwing ginagawang trip ng mga seniors ang pisikal ko.
He licked his lips. "And you're not ugly. Remember what I said about being beautiful... nakita ko iyon sa'yo."
Ngumuso ako. "Sinabi mo lang iyon dahil naaawa ka lang sa akin."
Kumunot ang noo niya at humalukipkip.
"I like giving compliments, Cristina. At bakit ako maaawa sa iyo?"
"Dahil binubully--"
"Hindi dapat kinakaawaan ang binubully," he gritted his teeth. "That's it? Naniwala ka talagang lahat ng ginawa ko noon... ay dahil lang sa awa?"
Hindi ako nakapagsalita. Pumagilid ako para bigyan ng daan ang mga estudyante. Mateo moved to the left, hindi inaalis ang tingin sa akin.
"That's it?" Inulit niya pa.
My jaw dropped. I can't believe him. Umiling ako at piniling huwag nalang sagutin ang tanong niya. Ayokong iba na naman ang isipin niya sa sinabi ko. All these years, totoong naniwala akong kinaawaan niya lang ako... pero 'di ko naman minasama iyon.
"You think so low of me, Cristina." Umiling pa siya. The way he flicked his tongue, gumawa pa ng tunog iyon.
"Aminin mo nalang kasi! Hindi naman ako magagalit."
I will never believe na maganda ako noon. Hindi biro ang ginawa ko noon para lang pumayat at gumanda. I tried to act like it was nothing... pero malaking parte pa rin iyon ng pagkatao ko. It was my dramatic part.
"Cristina!" Mateo called me. Tinalikuran ko na siya pero nakasunod pa pala siya sa akin.
"My boyfriend is here," I said.
Hindi siya naniwala. Umiling siya.
"Bakit ka nagbo-boyfriend? Dahil maganda ka na?" He asked me from behind.
"Dahil niligawan nila ako."
Natawa siya lalo.
"So... kung liligawan kita... sasagutin mo ako?"
My mouth parted. Napahinto ako. I remained in front of him, giving him the fuck of his words.
Nagpapatawa ba siya?
No, he can't pursue me. Hindi ako ang tipo niya at higit sa lahat, ayaw niya sa mga babae, 'di ba? Pinagtritripan lang ako nito.
"Kung niligawan pala kita noon... kahit alam kong si Mating ang gusto mo, sasagutin mo pa rin ako?"
BINABASA MO ANG
The Drunken Vengeance (Love Boundaries Series #2) COMPLETED
RomanceWarning: This story contains mature scenes, lines and disturbing content. Reading comprehension is a must. Intrusive thoughts... heartbreak... and pain.. Cristina Mallari believes that she was done. After her lovesick drama in high school life whe...