Delusional

114 6 0
                                    

Chapter 25

"Happy birthday, Cristina!"

Kinuha ni Papa ang cake bago tuluyang lumapit sa akin para makapag-wish daw ako. Nagpalakpakan sila kaya tuluyan kong ipinikit ang mga mata ko para sa isang hiling.

Sana more blessings to come pa at... mapaghandaan ko ang mga pagsubok na nakalaan para sa akin. Sana rin ay gabayan at laging ligtas, masaya at blessed ang aking pamilya, kaibigan at... si Mateo.

"Ang haba naman ng wish," Tani whispered.

Agad kong hinipan ang apoy kaya umusok iyon ng kaunti at nagsimula na silang naghanda para makakain. Inimbita ni Mama ang aking mga tiyuhin at tiyahin na nanggaling pa talaga ng Davao.

Agad silang may inabot sa aking mga regalo kaya wiling-wili si Mama.

"Nga pala," hinila ako ni Mama. "May bisita ka."

Kinabahan agad ako. Ilang linggo na mula noong nag-usap kami. Iniiwasan ko na siya sa school. Sa labas. Sa hallway. Nilingon ko si Tani na malaki na agad ang ngiti nang magtama ang tingin namin. Kakalbuhin ko talaga siya kapag may ginawa siya! Siya ba ang nag-imbita kay Mateo?!

"Mating!"

Napalingon agad ako sa pintuan. Nakahinga ako nang maluwag pero... si Matthew ba talaga 'to? Akala ko ba masyado siyang abala sa Davao? Umuwi talaga siya?

"Tita," nagmano siya kay Mama at Papa.

"Mabuti naman at pinaunlakan mo ang imbitasyon ko."

He chuckled. "Napagbigyan lang po."

"Seaman ka na ba?"

"Hindi pa po," aniya bago tumingin sa akin.

"Hey, happy birthday!" He suddenly hugged me kaya hindi ko tuloy magawang alisin ang ngisi sa labi ko. Ang tagal na rin mula noong huli ko siyang makita!

"Thank you for coming..." agad ko siyang yinakap kaya natawa siya sa leeg ko. Pumikit ako dahil namiss ko siya!

Inabot niya sa akin ang isang paperbag ng Celine. Biniro ko pa siya dahil maypa ganito na siya.

"Here's my gift. Sana magustuhan mo."

Ngumuso ako. "Oo naman. Anything from you."

Inimbitahan ko si Matthew sa dining area para makapili na siya ng uulamin niya pero masyado siyang binusisa ng mga tiyuhin ko kaya medyo matagal pa bago siya nakalapit sa mesa.

"Best friend ni Cris," rinig ko si Mama.

Kumuha ako ng plato ko at lumapit kay Tani. Kausap niya ngayon si James na mukhang nagtatalo na naman ata.

"Tani."

"Kilig ka?"

Umiling ako. "Masaya ako dahil umuwi siya sa birthday ko."

James pulled Tani kaya halos sampalin na siya ni Tani. Tingnan mo nga 'tong dalawang ito. Mukhang magkakalampugan pa sa mismong birthday ko.

"Hindi mo man lang ba inimbita?"

Natigilan ako.

"H-Hindi ko siya na-invite."

Kumuha na rin ng plato si Tani bago tumabi sa akin. "Sana man lang inayos mo. You're being unfair, Cristina."

Hindi ako nakasagot.

Unfair, oo pero tama naman iyong ginawa ko. Hindi ko na siya kinakausap. I decided to cut ties with him... agad-agad iyon dahil ayokong pag-initan na naman siya ng tiyahin niya. Busy na rin ako dahil kailangan kong humabol. I... even blocked him.

The Drunken Vengeance (Love Boundaries Series #2) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon