A While

131 6 0
                                    

Chapter 14

My jaw hanged. Ang tagal na simula noong huli ko siyang nakita. He really changed a lot. The way he stood there while waiting for their order, parang ibang tao na. Kaya lang, binabagabag ako at baka nagkamali lang sa pagkakakilala. Hindi pa naman ito ang unang beses na mapagkamalan ko siya sa ibang tao.

Tinawag pa ako ni Tani pero nanatili ang mga mata ko sa direksyon ni Mateo. He extends his hand to get the tray. Ngumisi pa siya sa babaeng nag-abot ng order bago nagbalik sa mesa nila.The guy mocked him about something. His jaw clenched bago umupo at nakipag-usap sa kanila.

"Huy—"

"Si Mateo," I said. Dapat nasa utak ko nalang iyon.

"Huh?"

"Si Mateo," sinundan ko ng tingin ang bawat kilos niya at mas nakumpirma ngang si Mateo iyon. He's wearing his clean white shirt tapos black jeans. His style... changed a bit. It looks familiar pero may nagbago pa rin kahit papaano.

Tani tried to sneak pero hinila ko na iyong buhok niya. Ayokong magpapansin na naman ang isang 'to. Hindi ko pa naman kinakaya ang kakapalan ng mukha niya.

"Mateo Raneses?" She pinched her nose. "Close kayo, right?" Nakangisi na siya ngayon.

Kinuha ko ang frappe ko. Nilingon ko ang table nila at nakitang kaswal siyang nakikipa-usap sa mga kasama niya. Hindi sila pamilyar sa akin kaya siguro, 'di ko kaagad napansin ang grupo nila. Hindi sina Ylena ang kasama niya.

"Noon iyon," I answered. Kasi baka mamaya, magmukha lang akong kakatwa sa harapan niya kasi feelingera ako na papansinin niya pa ako pagkatapos ng ilang taon. Ni hindi nga siya nagsabi na lilipat siya o titigil. Bigla nalang siyang nawala. Kaya ngayon na nakita ko siya, nakakahiyang gumawa ng unang hakbang para ipakilala at ipresenta ulit ang sarili.

"Gumwapo siya lalo," Tani smirked.

Ngumuso ako. Totoong... gumwapo nga siya pero hindi ko pa rin type. Ewan ko. Basta alam kong hindi ko siya type. From his style... his personality... his face, ang layo kay Mating, e.

We didn't stay there. Umuwi na kaagad kami bago pa ako tuluyang kainin ng kaba.

Ewan ko ba kung bakit ako kinakabahan! Siguro hindi ako sanay makakita ng dating kakilala dahil sa laki ng pinagbago ko. O dahil hindi ako alam kung paano mag-react?

"Cristina?" si Mama.

"Po?"

"Bili ka nga muna ng toyo sa tindahan."

"Opo." I said and get the money. Inayos ko muna ang salamin ko dahil hindi ko suot ang contact lens ko kasi nasa bahay lang naman at lalabas lang para bumili sa tindahan.

Nilakad ko iyon at dahil nga naubusan ng panindang toyo ang tindahan sa tapat ng bahay naming kaya napilitan akong maglakad sa kanto para lang bumili no'n.

Habang naglalakad ako, tamad akong nag-scroll sa facebook feed. Napadaan pa ang huling post ni Ylena tungkol sa BAR journey niya. I reacted heart tapos nag-scroll nalang ulit. Mas maraming nag-share ng post niya kaya nagpabalik-balik iyon sa feed ko. Ang daming nag-comment... pero hindi ko pa rin nakita ang pangalan niya ro'n.

The next morning, sinamahan ko si Jhia para tulungan siya sa compilation niya. Humikab ako at inayos ang iilang modules. Hinayaan ko munang makakain ng breakfast si Jhia dahil wala pa siyang tulog. Hindi ko kakayanin kung sakaling mawalan siya ng malay.

"Cristina!"

"Bren," natawa pa ako dahil sa laki ng ngisi niya. Masama ang kutob ko rito.

Hiningal pa siya bago inabot ang balikat ko. "Nabalitaan mo na ba ang tungkol sa Miss Acquaintance?"

The Drunken Vengeance (Love Boundaries Series #2) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon