Boyfriend

136 6 0
                                    

Chapter 15

"Cris... nasa labas si Jasper."

Ngumuso ako at kinuha agad ang nagkalat na modules sa arm chair ko. Nag-text naman sa akin si Jasper na susunduin niya ako pero hindi ko alam na ganito pala siya kaaga. 

"Bagong mangliligaw?" tanong ni Jhia sa akin.

"Boyfriend," ngisi ko.

"Huh?!" Natampal niya kaagad ako. "Akala ko ba ayaw mo muna mag-boyfriend dahil nakakapagod? At saka... kailan mo siya nagustuhan? Bakit wala akong maalalang kinuwento mo sa akin na na-inlove ka?"

Inayos ko ang string ng bag ko at ngumuso ulit. Ngayon, alam niya na kahulugan ng ngiti ko. Umiling nalang siya na para bang bisyo ko na ang magpapalit-palit ng boyfriend.

Sinalubong kaagad ako ni Jasper. May kausap siyang dalawang Education students at ipinakilala pa ako kaya nakakahiya. 

"Ganda naman ng girlfriend! Jackpot!"

Tumawa si Jasper. "Gago! Boss ko 'to."

Binati ko sila isa-isa. Kumalam ang sikmura ko kaya nagdesisyon akong imbitahang kumain sa labas si Jasper. Pumayag naman siya at sinabing lilibrehin ako pero no'ng nasa labas na at maraming kakilala, ipinagyabang niya kaagad na girlfriend niya ako kaya kailangan ko pang pakisabayan ang tukso ng mga kaibigan niya sa akin.

"Bili muna ako ng alog-alog," bulong ko kasi nauuhaw na ako sa kakapakilala niya sa akin.

Tumango si Jasper at hinayaan ako.

Lumapit ako para makabili na ng inumin nang halos magmura dahil may biglang bumangga sa akin.

"Ano--"

"Hey beautiful," he smirked. "Nagkita ulit tayo."

Biglang nawala ang inis ko dahil sa mukha niya. Mateo was holding a banana cue tapos hawak niya ang  lemonade sa kaliwang kamay niya. He was chewing his food na parang gutom na gutom siya. Uamtras ako at bahagyang nagulat sa pang-aangkin ng pigura niya. I was surprised by his height. Matangkad paman siya noon, mas lalo na ngayon. Hindi ko lang napansin iyon noong nagkita kami dahil okyupado ako at maraming iniisip.

"How's your first week?" tanong ko habang inaalog ang inumin ko.

"Okay lang. Umay," he said.

Tumaas ang kilay ko. "Ayaw mo sigurong mag-aral, no? Tinatamad ka?"

Inubos niya muna iyong cue niya bago ako sinagot.

"Medyo."

"Para sa kinabukasan mo rin naman iyan. Huwag--"

"Cristina!"

Muntik ko nga palang nakalimutan! Kasama ko pala si Jasper!

"Ah--"

"Sino siya?" Huli na nang lumapit si Jasper sa amin at ang sama ng tingin kay Mateo.

Mateo's brows furrowed. 

"Jasper, si Mateo." Pakilala ko. "Kaibigan ko--"

"Akala ko ba bibili ka lang? Nag-alala pa naman ako dahil ang tagal mong nawala," pinutol niya kaagad ako at agad na inakbayan para lang maangkin. Nanatili ang tingin ni Mateo sa kamay niya habang pinaglalaruan ang straw ng lemonade. Agad rin namang lumipat ang tingin niya sa akin.

"Mauna na kami," I said.

Mateo nodded.

"See you again," he whispered. Sumimangot si Jasper at agad akong hinila para makaalis na. Baon-baon niya iyon hanggang sa makauwi kami dahil inamin niyang ayaw niya kay Mateo. Nagseselos siya.

The Drunken Vengeance (Love Boundaries Series #2) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon