Jealous

144 4 0
                                    

Chapter 35

"Magtatayo ka ba ng hardin de Cristina?"

Pumikit ako.

"Tani... please 'wag ngayon," kinuha ko kaagad ang cellphone ko dahil heto na naman siya... inuugali na ang pagpapadala ng bulaklak!

Hindi pa nga nalalanta ang rose niya, may pa-tulips na naman! Tapos another bouquet of flowers na naman.

Tani smirked. Bilog na bilog na ang kanyang tiyan at pilit na pinagkasya ang sarili para lang maki-chismis.

"Kayo na?"

"Hindi!"

"Nangliligaw?"

I rolled my eyes. "Binasted ko na kaso ayaw pa rin tumigil."

"Hala? Bakit nagpapakipot ang disney princess namin?"

I glared at her.

"Hindi pagpapakipot ang tawag do'n, Tani. Sobrang dami ng nangyari kaya hindi ganoon kadali 'yon," sagot ko.

She smirked.

"Sige, magtangahan kayong mga baliw kayo. Ayan kayo, e. Pinapaabot niyo ng ilang taon ang mga misunderstanding na dapat pinag-uusapan para 'di na magkasakitan. Daig niyo pa ang k-drama... ewan ko sa inyo."

Mas lalong sumama ang tingin ko sa kanya. Pasalamat talaga buntis siya kasi susuntukin ko 'to sa puson, eh.

Humagalpak ng tawa si Tani. Mateo didn't reply kaya sigurado akong nasa trabaho na siya. Hindi man lang siya nahirapang makakuha ng trabaho dahil nga sa credentials niya at experience. Isa na siya ngayong faculty member sa DSSC!

"Nga pala, birthday na ni Lola sa makalawa. Anong plano?"

Napakamot ako sa ulo ko. Oo nga pala! Muntik ko na namang makaligtaan 'yon. Last birthday niya kasi, nagtatampo siya dahil hindi kami nakadalo ni Tani... kasi pareho kaming nakalimot dahil sa pagiging busy.

"Magpapaluto nalang ako ng paborito niyang crispy pata," she suggested.

"Cake nalang siguro..."

"Invite mo si Mateo," she laughed. "Para makausap naman ni Lolo at Lola."

"Tumigil ka nga..."

Pagkatapos naming kumain ng pananghalian, nagtrabaho ulit ako at naghanda para sa final defense ko. Sumilip ako sa bintana at nakitang mukhang uulan pa ata.

Mateo:

Green coffee? Susunduin kita after work.

Ngumuso ako. Not bad.

Me:

Okay.

Naligo nalang muna ako para fresh. Thirty minutes din ang itinagal ko sa banyo kaya hindi na ako nagtaka kung sunod-sunod na iyong text na natatanggap ko mula sa kanya.

Mateo:

Are you hungry? We can eat merienda muna.

Mateo:

Or sa green coffee nalang?

Mateo:

Busy?

Nakatapis pa ako ng twalya habang sinusubukang itipa ng tama sa kabila ng basang kamay.

Me:

Naliligo ako. I'm fine. I just need a ride.

Hindi siya nakapag-reply. Maybe, he's back at work na rin kaya nag-ayos na ako. Simpleng short at puting shirt lang kasi ganiyan naman talaga usual kong suot kapag sa Green Coffee lang iyong punta ko. May dala lang akong extra jacket para panangga sa lamig.

The Drunken Vengeance (Love Boundaries Series #2) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon