Revenge

151 6 1
                                    

Chapter 28

He didn't approve my outline defense. Sinabi rin iyon ng adviser ko. I don't know pero kulang nalang sabihin ng adviser ko na bobo ako dahil format and style na nga lang, 'di ko pa magawa ng tama. Napapikit ako habang nag aayos ng buhok ko. Naisip ko kung gaano kasayang iyong mga papel ko!

Napabuntong hininga nalang ako at nag print ulit. This time, sinunod ko na iyong format na sinend ni Mateo sa akin. Namromroblema pa nga dahil ang daming changes at adjustments.

Sumimangot ako dahil imbes tulungan ako ni Tani, ngumingisi pa siya.

"So, this is his way to get even," she mocked me.

I rolled my eyes. "Mali naman talaga format ko."

She chuckled. Sa totoo lang, natakot din naman ako noong una kasi baka talagang maghihiganti siya sa akin pero naisip ko ring bawas professional iyon kapag ginawa niya. Mas importante naman siguro iyong pangalan niya kaysa sa galit niya, no.

Disappointed ako sa thesis ko at natatakot na magkamali ulit, kinain ko nalang iyong kahihiyan ko at nag-message sa kanya.

To: matthewtheodoreraneses@gmail.com

Subject: Message

Good day, Sir

I hope this email finds you well. The attached document is my updated manuscript. I am reaching out to seek clarification about my format and style to ensure that I adhere the guidelines.

I understand that you might have a busy schedule but your assistance is greatly appreciated.

Looking forward to your response.

Sincerely,

Cristina Mallari

Pagkatapos kong mag send ng message sa kanya, naligo muna ako at kumain ng brunch. I turned on the TV to watch some NetFlix movies. Kumakain ako nang tumunog ang cellphone ko dahil sa gmail notification.

Inbox:

From: matthewtheodoreraneses@gmail.com

This will do.

Ngumuso ako. Masyado na talaga siyang professional. Okay na daw kaya bumalik na ako sa kakapanood ng movie pero tumunog na naman bigla ang phone ko.

Inbox:

From: matthewtheodoreraneses@gmai.com

But please message me for some concerns. You can message me through messenger.

Naisip ko bigla kung friends ba kami sa facebook. His old account was deactivated. Ganoon din ako kaya kinakailangan ko pang hanapin ang facebook niya para may access kami sa isa't-isa. But the email will do!

Pero masyadong inconvenient 'yon sa kanya kaya sige, masusunod siya.

Ngumuya ako at hinanap ang account niya. Noong una nahirapan pa ako pero dahil sa mga kaibigan niya, nahanap ko rin 'yon. I clicked his account and sent a friend request. Ilang minuto lang at ina-accept niya rin 'yon. At dahil friends na nga kami sa facebook, nakita ko na agad iyong mga dati niyang posts. All of them-picture niya lang sa trabaho niya. Conventions, seminars and gatherings. Iyong profile picture niya nga, kuha iyon habang nagsi-speech siya bilang speaker.

Sa kaka-stalk ko nga, 'di ko naisip na masyado na naman akong curious sa kanya. Kaya agad kong in-exit 'yon at naghanda na para sa klase ko. No'ng sumapit ang gabi, hindi ko aakalaing bibisita si Ate kaya nakapagluto ako ng dinner.

"Magsabi ka nga kung pupunta ka," I said.

"Hindi kayo nagluluto." Umupo siya sa sofa at naghubad ng jacket.

The Drunken Vengeance (Love Boundaries Series #2) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon