Chapter 31
"Halika, hija."
Pareho kaming may hawak na mga inumin habang nakasunod ako sa kanya. She opened a rusty door and guide me inside. Dumaan kami sa mga nagtatawanang bisita para tuluyang makapasok sa isang kwarto na sinasabi niyang lugar para makapag-usap kami.
She turned on the lights at inilapag ang dalang inumin sa mamahaling mesa.
"Ganda ng bahay no?"
Tumango ako dahilan para humalakhak siya.
"Dahil 'to kay Mateo."
"Mateo worked... really well."
She chuckled more.
"Noon, sinasabi ko sa kanyang wala siyang patutunguhan sa buhay dahil sa pagiging bulakbol," suminghap siya. "Pero tingnan mo nga naman ngayon, bahay lang ang hiningi ko pero mukhang mansyon pa ang ibibigay. Kung ano-ano pa ang alahas ang binibili para investment kuno."
Ngumiti ako. I think she deserved that. Tumayo siya bilang ina ni Mateo at kahit na hindi sila nagkakasundo sa maraming bagay, alam kong kapakanan lang ni Mateo ang iniisip niya.
"Kumusta ka naman, hija? Balita ko teacher ka na... at nabanggit nga sa akin ni Mateo na naging panel mo siya."
Tumango ako. "Hinihintay ko pa po iyong item ko pero habang naghihintay po ako, isa po akong English virtual teacher. Mga batang Chinese po iyong mga estudyante ko."
"Mabuti naman kung ganoon. Alam mo bang... nitong mga nagdaang taon, iniisip kong malaki ang kasalanan ko sa 'yo dahil sa sinabi ko. Hindi ko naman pinagsisisihan ang mga sinabi ko pero... parang sumobra ako sa mga salita ko," she chuckled.
Hindi ako nakapagsalita hindi dahil tama siya. Alam kong sa sitwasyon noon, dapat lang mag focus si Mateo sa pag-aaral niya at huwag puro ako. Hindi naging kami at nangliligaw pa siya pero ang makita kong... ano ang kanyang kayang gawin para sa akin ay isang delikado at dehado sa future niya.
"Iyon po 'yung tamang gawin. Natural lang po na isipin niyo ang kapakanan ng pamangkin niyo. Medyo 'di rin po talaga maganda ang imahe ko noon, 'di magandang magsama ang uhaw sa gulo at nilalapitan ng gulo."
Suminghap siya. Dahil tahimik ang kwarto, naririnig ko ang paghinga niya. Maya-maya pa ay tumango siya at sumimsim kaunti ng inumin niya. Ginawa ko rin iyon kaya nagawa ko pang ma-appreciate ang lasa ng beer na nakuha ko.
"Binagabag ako ng konsenya ko. Alam ko rin kasing naging gahaman ako at uhaw na masuklian ni Mateo lahat ng ibinigay kong tulong... na naisip ko naman na maling gawain iyon..." pagpapatuloy niya habang nilalaro ang beer na hawak. "Natutunan kong 'di dapat naghahangad ng anong kapalit iyon. Siguro dahil hindi ako nagkaroon ng anak kaya huli nang mapagtanto kong mali ang nagawa ko."
I smiled.
"Importante ka po kay Mateo."
"Hindi mo sinabi sa kanya na kinausap kita tungkol sa pangliligaw niya?"
I pursed my lips. Ayoko na sanang pag-usapan ang tungkol do'n pero...
Umiling ako. "Ayokong isipin niya na dahil sa iyo, sinaktan ko siya."
Namilog ang mga mata niya dahil sa sinabi ko.
"Dahil naman talaga sa akin," she whispered.
Umiling ulit ako.
"Sinabi niyo sa akin na pag-isipan ko. And it was my choice to let him... go," kahit na hindi naman talaga siyang naging akin. "It was my choice to hurt him years ago. Alam kong lahat ng mga sinabi ko noon sa kanya ay puro kasinungalingan lang pero tatanggapin ko pa rin kung totohanan na ang galit niya. Sumobra po ako kaya kung ano man ang nangyayari ngayon, deserve ko po lahat."
BINABASA MO ANG
The Drunken Vengeance (Love Boundaries Series #2) COMPLETED
RomantizmWarning: This story contains mature scenes, lines and disturbing content. Reading comprehension is a must. Intrusive thoughts... heartbreak... and pain.. Cristina Mallari believes that she was done. After her lovesick drama in high school life whe...