Chapter 34
"Mauna na ako. Salamat sa paghatid," I smiled at her.
Tumango lang si Ylena at pinaunlakan ang ngiti ko. Parang bigla siyang naging awkward sa akin. Parang malalim agad ang iniisip niya. I think... I crossed the line.
Tahimik siya sa buong byahe kaya kahit papaano gumaan ang pakiramdam ko dahil nasabi ko ang dapat kong sabihin. I'm not clearing my name but I wanted to speak for myself. I don't care if they hated me, at least I speak enough.
The next morning, Tani and I decided to go to the hospital for her check-up. Nag-away pa nga sila ni James dahil gustong sumama ni James but Tani told him to go for work. Mas kailangan daw nila ng pera. Ako tuloy iyong naawa para kay James, so I told him na babalitaan ko nalang siya para kahit papaano ay hindi siya mahuli sa kung ano man ang ibabalita.
Tani's baby bump is now visible. Hindi ko alam pero dalawang buwan nalang, sabi niya nag-apply na siya ng maternity leave sa trabaho niya. Nag-aadjust din ang katawan niya sa mga pagbabago. From her morning sickness—pati sa ugali niya. Buti nalang talaga mataas ang pasensya ni James at natatantya siya.
"Just take this vitamins tapos maglakad-lakad ka rin para kahit papaano, exercise nalang din para sa 'yo," the doctor declared as she sights some good habits for Tani's pregnancy.
My phone vibrated. Earlier, I texted James for some updates pero... hindi ko inaasahang ibang tao pala ang bumulabog sa inbox ko.
Mateo:
Can I see you?
Wala ba siyang trabaho?
Me:
Nope. I'm busy.
Ibinalik ko tuloy sa loob ng bag ko ang cellphone. Sa tuwing hinahawakan ko kasi iyon, makakapag-reply lang ako. Nagutom si Tani after the check-up kaya nagdesisyon muna kaming kumain sa Café Vicente. I didn't order hard meals kasi busog din ako. Si Tani lang talaga iyong maraming inorder kasi mukhang naglilihi rin sa mga oily foods.
Mateo:
I'll pick you later.
I rolled my eyes. One hour ago na 'yon pero alam kong seryoso talaga siya sa sinabi niya.
Me:
I have class.
Sumimsim ako sa inorder kong mango shake. Umilaw ulit ang screen ng phone ko.
Mateo:
Just a dinner. Hindi naman tayo magtatagal.
Kumunot ang noo ko. Bakit ba mapilit siya? Umayaw na nga ako!
"Si Mateo ba 'yan?" tanong ni Tani.
I nodded. As usual.
"Anong problema?"
"Gusto niya ng dinner kaso busy ako," Tani watched me with her deep almond eyes. Nanliliit na iyon kaya suminghap ako.
"Pumayag ka na. Nag-eeffort na iyong tao."
What?
"I'm done with him, Tani. Iinsultuhin lang ako no'n."
She chuckled. "Makipag-dinner ka na. Huwag mo nalang isipin na nakikipag date ka. Dinner lang naman siguro ang sinabi. Hindi ka titigilan niyan."
Tani was right. Kahit na nagsisimula nang magtago ang araw, Mateo didn't stop asking me for a dinner. Talagang pumunta siya sa apartment, wearing his usual style—clean shirt and pants. Umigting ang panga niya nang makitang hindi ako nakapag-ayos. Buti nalang at umalis sina Tani at James kaya malaya ko siyang mapalayas.
BINABASA MO ANG
The Drunken Vengeance (Love Boundaries Series #2) COMPLETED
RomanceWarning: This story contains mature scenes, lines and disturbing content. Reading comprehension is a must. Intrusive thoughts... heartbreak... and pain.. Cristina Mallari believes that she was done. After her lovesick drama in high school life whe...