Past

343 12 0
                                    

Warning: Language and Bullying.

The scene doesn't depicts the school/university's toleration about bullying.

 This is just a fiction. Please read at your own risk.

Chapter 1

"Totoo ngang ikaw ang gaganap na Laura?"

Umiling ako. Alam kong hindi kapani-paniwala ang sinabi ko pero iyon ang gustong mangyari ni Matthew. Sa ayos at porma kong 'to, gusto niya akong maging Laura?

Natawa ulit si Tani dahil ayaw niyang maniwala na pinili talaga ako ni Matthew na maging kapares niya sa roleplay namin. Magmumukha lang daw akong katawa-tawa.

"Naku... baka mamaya, gamitin ka lang niyan. Marami na ang nagsasabing—"

"Mauna na ako," putol ko sa kanya.

Magrereklamo pa sana siya pero hindi ko na siya hinayaang insultuhin pa sa harap ko si Matthew. Wala namang masamang ginagawa ang tao kaya hindi niay deserve 'yon. Totoong maraming chismis ang kumakalat tungkol sa mga babae niya na kadalasan, nanggagaling sa higher sections. Hindi na mabilang sa daliri ang mga babaeng naging ex niya sa STEM at humahantong sa mga flings lang. Pero hindi sapat ang mga salitang 'yon para ilarawan ang buong pagkatao niya.

Kasi kilala ko siya. Sabay kaming tumanda. Elementary pa lang, kilala ko na siya.

"Pssst."

Ibinaba ko ang papel na pinaglagyan ng script ko. Nagkaroon ng emergency meeting ang MAPEH Department kaya may dalawang oras kaming vacant. Naisipan kong tumambay nalang muna sa gym at magbasa ng script. Inayos ko ang salamin at natanaw ang grupo ng mga babaeng nakaupo sa dulo ng bleachers ng gym. Tatlo silang nakatingin sa akin habang iyong isa naman, may kausap na lalaki na mukhang maglalaro pa ng basketball dahil may dala itong bola at extra damit.

Hindi ko sila kilala kaya hindi ko alam kung dapat ko ba silang pansinin. Lumingon pa ako sa gilid ko kasi baka nag-a-assume lang ako na ako iyong tinatawag nila.

"Dabyana," tawag ulit nung isa.

I sighed. Ako nga ang tinutukoy nila.

Hindi ko na sila nilingon dahil ayoko silang patulan. Kaya lang, biglang may lumipad na libro sa hita ko. Science book namin 'yon at halatang hiniram lang nila sa library. Bukod sa sira na ang book cover, may papel din na naka-ipit. Nilingon ko sila at mas lalo silang natawa. As if their satisfaction is to mock me until the end of the day.

"Isauli mo sa library iyan," sabi ng mukhang leader nila.

Kinuha ko ang mga gamit ko at ipinasok iyon sa bag ko. Ang sabi ni Tani sa akin, kapag may nambubully, kailangan ko raw mamili. Either lalaban ako para makita nilang kaya kong lumaban o aalis para makaiwas ng gulo. Siyempre, I don't tolerate violence kaya aalis ako...

"Hoy!"

Natigilan ako at napahawak sa ulo ko. Paano ba naman kasi, lumipad na ang bag nila sa likuran ko. Ang metal na nakasabit sa dulo ng bag ay tumama sa ulo ko kaya napaingit ako sa kaunting sakit.

"Sabing isauli mo, eh!" sigaw pa no'ng isa. Lumapit ang dalawang babae sa akin at agad nila akong binakuran. Parang magiging delikado sa akin kapag nanglaban at tumakas sa kanila.

"K-Kayo ang nanghiram niyan—"

The girl with a blonde hair pulled my arm. Natigilan ako dahil sa pagkaka-diin no'n. Nakita kong may kaunting tattoo sa kamay niya na para bang sinasadya niyang ibalandra niya 'yon. Alam ko ang ibig sabihin no'n. Miyembro siya ng kumakalat na gang dito sa school kaya alam kong kapag nanlaban pa ako, sa kangkungan na ako pupulutin. Hinding-hindi nila ako titigilan.

The Drunken Vengeance (Love Boundaries Series #2) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon