Chapter 33
"I bought some drinks."
Nanatili ang tingin ko kay Tani.
After the result, hindi na nilubayan ng ngiti si Tani habang nagpapalit-palit ng tingin sa aming dalawa ng intruder na 'to. Mateo didn't say anything about our talk. Puro na kay Tani na ang atensyon niya at nagtatanong na akala mo dapat niyang malaman 'to.
"Congratulations..."
Tani blushed a bit.
"Salamat! Ano... it's nice to see you again. Kumusta ka na?" She laughed again kaya sinamaan ko na siya ng tingin. She was grinning like a little kid. Tuwang-tuwa sa nangyayari at talagang inimbitahan niya pa!
"Okay lang naman..." he casually answered pero ramdam ko iyong tingin niya sa akin. Pinili ko lang na huwag lumingon sa kanya. "Ganoon pa rin."
"That's good!Hmmm... dito ka nalang kaya mag-lunch?"
"What?" gulantang kong tanong.
"Magluluto ako!" Excited pa siya pero binara ko na. This is too much.
"You can't. You're pregnant so you better rest," seryoso kong sabi.
"We can order food. Sagot ko," the fucker interrupted. Kumunot ang noo ko at nakita ang pag-guhit ng ngiti sa labi niya. Tani clapped her hands, masaya na sinabi iyon ng manok niya. Suplada akong naupo sa sofa while the two demons were busy having a chit chat. Akala mo talaga close sila noon!
"Ang laki nang ginwapo mo! Parang gusto kong... maging kamukha mo ang baby ko kung sakaling lalaki 'to."
Mateo chuckled.
"Where is your husband? Baka magselos?"
I gritted my teeth.
"Too much information for you," sabat ko. Tumaas ang kilay niya at dahan-dahang lumapit sa sofa ko. Umusog ako kasi ayoko siyang katabi.
"Nagta-trabaho siya. Tsaka, kilala ka naman ni James kaya 'di iyon magseselos sa iyo."
He chuckled.
No'ng 'di ko kinaya ang pag-uusap nila, I decided to go inside my room. Uuwi rin ang siraulo na 'yan. Padapa akong humiga sa kama at naalala ang mga sinabi niya kanina.
Anong ginawa ko huh?
Abandoned him? Masyadong mabigat ang salitang iyon pero nasaktan din naman ako. Pero mas masakit dahil alam kong totoo naman ang sinabi niya. Natamaan ako sa lahat ng sinabi niya. Hell, I deserved that. I insulted him though it was for him, I insulted him and there's no excuses and good reason for that.
Isa pa, I never tell him that I liked him... I never gave him assurance. Habang siya, pinaparamdam niya kung gaano ka tunay ang nararamdaman niya. He's very bold about his feelings... at hindi ko nasuklian 'yon. Kahit na ang totoo, gusto ko na rin siya.
Pumikit ako.
Bakit nga ba ako sising-sisi sa ganito?
Alam kong uuwi rin si Mateo. Maya-maya pa ay kumatok na si Tani para sabihing dumating na iyong inorder niyang food. Siyempre, tulog-tulugan ako. Tumigil si Tani sa pagtawag kaya naniwala siyang natulog nga ako.
But that really happened. I slept for almost three hours! Kaya noong lumabas ako, naabutan ko si James na seryosong tinititigan ang natutulog na mukha ni Tani.
"Hey..."
Agad lumipat ang tingin niya sa akin.
"Nakatulog siya," he whispered.
BINABASA MO ANG
The Drunken Vengeance (Love Boundaries Series #2) COMPLETED
RomansaWarning: This story contains mature scenes, lines and disturbing content. Reading comprehension is a must. Intrusive thoughts... heartbreak... and pain.. Cristina Mallari believes that she was done. After her lovesick drama in high school life whe...