Chapter 21
"I like you," he said.
Hindi ko na nga masagot nang maayos ang tawag ni Papa dahil sa sinabi niya, inulit niya pa.
Pumikit siya at mas lumapit sa akin. He licked his lips again kaya hindi ko maiwasang hindi ibaling ang tingin ko ro'n.
"I'm going to tell you that I'm doing this... because I like you. I'm going to tell you every fucking day... for you not to be confuse," he whispered.
Umawang ang bibig ko. Hindi na makasagot.
Dumating si Papa para sunduin ako. Mateo greeted my father na ngayon ay nagtataka kung bakit tahimik ako at medyo wala sa sarili. Nilagay ni Mateo ang mga gamit ko sa loob ng sasakyan. Bumati pa siya kay Papa bago bumaling ulit sa akin.
"I'll call you," he whispered again.
I pursed my lips... and nodded.
Baon ko iyon hanggang sa byahe. Nililingon ako ni Papa pero panay ang tingin ko sa bintana dahil iniisip ko ang mga sinabi ni Mateo. Totoong sinabi niyang... gusto niya ako.
Malalim na ang gabi at mukhang uulan pa ata. Huminto kami sa traffic light kaya mas lalong lumalim ang iniisip ko. May mga estudyanteng naglalakad sa sidewalk habang nagtatawanan. Naka highschool pa. Naalala ko tuloy noon, dahil walang kaibigan, kailangan ko pang maki-third wheel kina Tani para makagala lang. Gumagalaw ang mga numero para malaman kung kailan gagalaw o hihinto.
Tumikhim si Papa kaya natauhan ako.
"Kumain ka na ba?"
Umiling ako. "Hindi pa po."
Tumango lang siya at hindi na nagtanong pa. Pagkadating namin ng bahay, nagmano ako kay Papa. Kaya siguro siya nagtataka kanina dahil hindi ako nakapag mano sa kanya. Alanganin akong ngumisi at pumasok na sa loob pagkatapos kong kunin ang mga gamit ko.
"Ginabi ka ata?" si Mama nang lumapit ako sa kanya para makapag mano.
"May rehearsal po kanina," sagot ko.
"Rehearsal saan?"
"Pageant," Hinalikan ni Papa si Mama sa pisngi. Napatingin pa ako ro'n bago nagpatuloy. "Acquaintance Party po."
"Naku! Ayan na naman, ha!"
Bumaba si Tani nang may makapal na libro. She smirked at hindi pinansin ang tanong ni Mama sa akin. Usual evening lang, pagkatapos naming mag dinner, nag-ayos agad ako para sa evening routine ko.
Nilingon ko ang cellphone ko. Ang sabi niya ay tatawag siya. Binuksan ko iyong geometry book ko at sinuot ang salamin para makapag-aral nang maayos. Pumasok si Tani at pagod na pagod na humilata sa kama niya. Nilingon ko siya at nakita kung gaano niya binibigay ang best niya. She almost failed her course pero sabi ko, kaya niya. Kakayanin niya.
Nakatulog agad siya kaya kinumutan ko na siya. I took the book bago inilagay 'yon sa desk niya. Her phone vibrated. Tumatawag sj James. Sasagutin ko na sana kaso tumunog bigla ang cellphone ko.
Mateo is calling...
Namatay ang tawag ni Tani kaya inabot ko iyong phone ko para sagutin ang tawag ni Mateo. I pursed my lips kasi first time niyang... tumawag.
I heard him chuckled.
"Sorry. Ginabi ako kasi naghanap pa ako ng malapit na tindahan na may load," he said. "Wala na pala akong load."
Ngumuso ako.
"May messenger naman. Sana sinabi mo nalang at 'di ka na nag-abala pa."
Natawa siya. "Walang data. No connection."
BINABASA MO ANG
The Drunken Vengeance (Love Boundaries Series #2) COMPLETED
RomanceWarning: This story contains mature scenes, lines and disturbing content. Reading comprehension is a must. Intrusive thoughts... heartbreak... and pain.. Cristina Mallari believes that she was done. After her lovesick drama in high school life whe...