Chapter 5
"Sigurado ka bang tama ang ideya mong imbitahin ako?" tanong ko.
Mateo stepped backward then looked at me. Magsasalita na sana siya pero agad na may tumigil na isang pedicab sa tapat namin kaya umabante siya para sabihin kay Kuya driver ang address.
"Let's go," he said. 'Di man lang siya nag-abalang sagutin ang tanong ko.
Kahit alanganin, 'di nalang ako umalma. Ayoko rin namang umuwi kaya sumama nalang ako. Mukhang may ice cream at malilibre pa ako sa kain kaya... 'di na ako lugi.
I sighed. Mabigat pa rin ang loob ko dahil sa sinabi ni Honey pero magiging okay din ako. Ikakain ko nalang lahat ng sama ng loob ko.
Umupo ako sa harapan habang pumwesto sa likuran si Mateo. Hindi na siyang nag-abalang tumabi sa 'kin kasi baka naisip niyang hindi na kami kakasya sa harapan o ayaw niya lang talaga akong katabi. Tama lang din naman kasi hindi rin ako magiging kumportable kapag tumabi siya sa akin. Ang weird lang.
Nagawa ko siyang silipin sa pamamagitan ng salamin. Ngumuso ako at naisip na baka nag-o-overreact lang talaga ako. There's nothing wrong about his invitation. Mukhang wala naman siyang plinaplano laban sa akin na kadalasang ginagawa sa akin ng mga bullies. Feeling ko inimbita niya lang ako para kumain?
"Are you okay?" he whispered. Nagulat pa nga ako dahil naramdaman ko ang boses niya sa tainga ko.
Tumango ako at inayos ang salamin.
"Nasira kasi kotse ko. Nasa talyer pa dahil may inaayos. Hindi ko na rin nahintay si Simon kaya commute lang muna tayo," paliwanag niya.
"Okay lang sa 'kin. Ano ka ba," natawa ako. "Sanay naman akong mag-commute."
Hindi na siya nagsalita pa. Tahiamik na rin ako hanggang sa makarating na kami sa bahay nila. Bumaba agad ako para hanapin ang wallet ko pero agad niya akong pinigilan.
"Libre ko na."
Ngumuso ako at naisip na nilibre niya ako tutal birthday niya naman at siya naman 'tong nag-imbita sa akin. Pagkatapos magbayad, naunang naglakad si Mateo kaya nakasunod lang ako sa kanya. Malayo palang, kita ko na agad iyong dalawang tent sa labas ng bahay na itinuro niya. Maingay na kaagad ang teresa kaya naisip kong ang dami niya sigurong bisita. Naglabas ng mga inumin at pulutan ang dalawang lalaki na sumalubong sa amin.
"Cristina, halika." Hinila niya kaagad ako kaya wala na akong nagawa. Nakakahiya pa nga dahil ako lang iyong naka-uniform tapos lahat sila, naka-outift na. Hindi sila pamilyar sa akin pero hindi ako nakatakas sa tingin nila.
At tama si Mateo, puro lalaki lang iyong nakikita ko. Hindi niya ba inimbita ang mga babae kanina sa gym?
Nakita kaagad ako ng mga kaibigan niya. Natawa pa nga sila kaya iniwas ko yung tingin ko. Kung 'di lang ako hinila ni Mateo, hindi ako magdadalawang-isip na umalis nalang kasi ramdam kong hindi naman ako makakasabay sa mga trip nila.
"May ice cream!" Mateo shouted dahil nilakasan ng mga kaibigan niya ang videoke.
Nawala tuloy iyong kadramahan ko dahil ang dami ngang ice cream! Mateo chuckled and pulled me to reach that dreaming table. Naglaway kaagad ako.
"Mat! Shot!" someone shouted.
"Mamaya na!" he shouted too.
Kinuha niya iyong isang mug tapos iyong scooper. Gusto ko sanang sabihin na ako nalang ang kukuha para sa 'kin pero baka para sa kanya iyon! Ayokong mapahiya ngayon. Natakam kaagad ako sa chocolate ice cream at mint. Hindi ko namalayan na nakanagisi na ako dahil sa pagkakatakam.
BINABASA MO ANG
The Drunken Vengeance (Love Boundaries Series #2) COMPLETED
RomanceWarning: This story contains mature scenes, lines and disturbing content. Reading comprehension is a must. Intrusive thoughts... heartbreak... and pain.. Cristina Mallari believes that she was done. After her lovesick drama in high school life whe...