Chapter 9
Tani eyed on me.
Hindi ko maitanggi sa kanya iyong nangyari. Ni hindi ko nga matanggap sa sarili ko na nangyari nga.
Gusto kong iuntog iyong ulo ko sa pader. Gusto kong magpalamon sa lupa dahil sa kahihiyan. Ang nakakabuwiset pa, halos 'di ko makalimutan lahat ng pinag-gagawa ko. Edi di'ba kapag lasing, usually nakakalimutan mo iyong ginagawa mo?
Kaso ako, hindi eh.
Tawang-tawa ako hanggang 'di ko namalayan na dumating na pala si Tani. Naabutan niya akong lasing at tawa nang tawa at kasama si Mateo. At ang mas nakakahiya, kung ano-ano na iyong tinatanong niya sa kanya dahil sa mga duda niya!
Ayoko nang uminom.
Naalala ko pa iyong mga tanong niya...
"Manliligaw ka ba ni Tita?"
Mateo chuckled. Uminit iyong pisngi ko kaya natampal ko ang pagmumukha ni Tani pero 'di siya nagpaawat. Napalakas na nga iyon dahil lasing na ako pero hindi pa rin siya nakinig sa akin.
"She's drunk. May maghahatid ba sa inyo?" I heard Mateo.
Natawa ulit ako. Kasi wala lang. Ang cute niya lang. Nagmumukha siyang si Pan-Pan sa paningin ko. Adik kasi ako sa We bare bears. Siya iyong pina ka fave ko sa kanilang tatlo kasi napaka adventurous niya tapos ang cute.
Kaso kumunot ang noo niya habang nakatingin sa akin.
"Pan-pan," tawag ko at sinubukang abutin ang pisngi niya.
"Who's pan-pan?"
"Favorite character ko sa cartoon network."
"Cristina!"
Hindi ko na alam kung ano ang nangyari. Basta hinila na lang ako ni Tani. Halos hindi ko na maintindihan iyong sinasabi nila kaya...
Nakakahiya.
"Sigurado ka bang—"
"Hindi nga," putol ko sa kanya. Inayos ko ang ID ko bago kinuha ang bag para bumaba at makapag-almusal.
"Duda ako diyan kay Raneses. Feeling ko crush ka no'n!"
I groaned. Baka mamaya, marinig siya ni Ate! Ayokong ma-chismis!
"Tumigil ka nga. Nagmamagandang loob lang iyong tao. Magkaibigan lang kami," sagot ko. 'Di nga ako sigurado kung magkaibigan na ba talaga kami.
"Hindi iyon naghahanap ng kaibigan! Mapili siya!"
I rolled my eyes. Inayos ko nalang iyong salamin ko at hinayaan siya. Nagpaalam na ako kay Mama at Ate. Nauna akong umalis kay Tani. Hindi pa kasi siya nakakapag-ayos at kailangan ko pang dumaan ng faculty para kunin iyong spare key ng classroom. Ako kasi ang nakatokang magbukas kaya kailangan kong maging maaga.
"Huy, taba."
Binuksan ko iyong pinto. Ayoko na sanang pansinin pero hinila nila iyong kwelyo ng uniporme ko.
"Tinatawag ka ha. Bingi ka ba?"
"Anong kailangan niyo?" tanong ko.
Nilingon ko ang babaeng—senior namin ulit. Ngumunguya siya dahil sa kinakain na bubble gum tapos hinead-to toe niya pa ako. Punterya talaga ako ng mga seniors. Kahit gustong-gusto kong mag-report pero the least I can do is to shut up.
Kasi hindi ka nila titigilan kapag nagsumbong ka. Tulad nalang ng isang junior na nagtangkang i-report ang isang bully na senior kaso walang nangyari. Hindi na siya sumisipot sa klase hanggang sa lumipat nalang ng school.
BINABASA MO ANG
The Drunken Vengeance (Love Boundaries Series #2) COMPLETED
RomanceWarning: This story contains mature scenes, lines and disturbing content. Reading comprehension is a must. Intrusive thoughts... heartbreak... and pain.. Cristina Mallari believes that she was done. After her lovesick drama in high school life whe...