Tiyahin

129 6 0
                                    

Chapter 30

Palaisipan pa rin sa akin ang sinabi ni Cyd kay Mateo. Minsan, nahuhuli ko siyang nagnanakaw ng tingin sa gawi ko kaya napapadalas ang abot ko sa inumin ko. Ni hindi ko kayang salubungin ang tingin niya.

"Labas po muna ako, Pa."

Tumango si Papa kaya tumayo ako para makalanghap ng hangin. Yakap ko ang sarili ko at tumingala kaya nakita ang pagkislap ng bituin sa kabila nang paglalim ng gabi. May napapadaang pedicab na nag-aakalang sasakay ako kaya napapadalas ang pag-iling ko. Maingay pa rin sa loob at abala ang lahat sa mga nakilala kaya 'di ko maintindihan kung bakit kailanga ring lumabas ni Mateo at makita ako.

I looked away.

"Why are you here?" siya na ang nagtanong. Kumuha siya ng isang pakete ng sigarilyo bago naglagay ng isang stick sa labi niya. The lighter veins of his hands were visible as he made a move.

"I need fresh air," I said then looked away.

Nanuot sa ilong ko ang amoy ng sigarilyo niya. Alam niyang ayaw ko no'n. Noon nga, sa tuwing naninigarilyo siya, nagpapaalam muna siya dahil hindi ko naman pinagbabawalan ang kahit anong bisyo but at least, don't do it if you're with me.

Kumunot ang noo ko kaya nakita ko siyang nakangisi bago lumayo ng bahagya sa pwesto ko.

"Tapos ka na sa thesis mo?"

"Still revising," tamad kong sagot.

"Keep it up. Nga pala, may bago kang panel member. Make sure you make time to meet her."

"Huh?"

Lumabas ang usok ng sigarilyo sa butas ng ilong niya.

"I'm having my leave."

Nabulabog ako... Ano? Ibig sabihin... magpapalit na naman ako ng committee?

"Why?"

Tumingin siya sa akin. "Uuwi muna ako. I need to settle things."

Suminghap ako. Iisipin kong... good thing ba 'yon? Ibig sabihin hindi na kami magkikita! Hindi na ako mate-tense! I can focus... on my thesis!

Y-Yey!

Natabunan ng usok ang mukha niya. Tumingala ako at lumayo ng kaunti dahil hindi ko na nasasanghap ang sariwang hangin dahil sa usok ng sigarilyo niya.

"Good luck," he whispered.

I smiled... awkwardly.

"T-Thanks."

"Sa totoo lang, hindi ko inaasahang... makikita kita sa USEP. Akala ko nga... tapos ka na sa masteral mo," he smoked again. Nilingon ko siya. Umiling ako at pinagkrus ang mga kamay ko.

"No. I need to work... para may pang tustos sa pangangailangan ko. Masteral is expensive."

Hindi na siya nagsalita pa. Umingay ulit ang loob dahil sa kanta. Kahit naman na 'di ako nakatingin sa kanya, alam kong sa bawat buga niya ng sigarilyo, hindi niya maalis ang tingin niya sa akin.

What? Hanggang ngayon ba... may gusto pa rin siya sa akin?

O sa isip niya, baka pinagtatawanan niya ako kasi sino sa amin ngayon ang mukhang walang direksyon sa buhay?

Napakamot ako sa balikat ko.

Maya-maya pa ay pinatunog niya ang kanyang kotse na nakapark malapit sa amin. He went to his black Mazda and pulled something. I pursed my lips and looked away.

He offered me his coat kaya nagtagal ang tingin ko ro'n.

"You'll get a cold. Pinapapak ka na rin ng lamok."

The Drunken Vengeance (Love Boundaries Series #2) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon