Confused

129 7 0
                                    

Chapter 20

"What's that?" Kinagat ko kaagad ang baon kong sandwich na bigay sa akin ni Mateo. Inuugali niya na talagang hintayin ako sa DSSC gate para sabay na kaming pumasok.

"Wala." Kahit halata naman na may tinatago siya sa likod.

"Ano nga? Para naman 'tong tanga," pamimilit ko sa kanya. Inabot ko 'yon kaya tumambad sa akin ang isang pirasong... daffodil.

Umawang ang bibig ko at natigilan. Napakamot siya sa noo niya kaya dahan-dahang kong tinanggap iyon.

"Anong—"

Napakamot siya sa ulo niya. "New beginning."

Natawa ako.

"Ano?"

"New morning... so new beginning. Gano'n daw ibig sabihin kapag may nagbigay sa 'yo ng daffodil."

"Saan mo ba nahanap 'to?" Inamoy ko pa bago kami tuluyang lumampas sa guard house para makapasok. Ngumiti pa sa akin si lady guard bago ko nilingon ulit si Mateo.

"Tanggapin mo na. At tsaka... expect more flowers, okay?"

Ngumisi ako.

"Bakit... ang dami mong dala?" Napuna niya ang mga paperbags. 

"Uh, may rehearsal ako mamaya."

"Rehearsal?"

Ngumuso ako. "Para sa... acquaintance party."

Lumaki agad ang ngisi niya. Siniko niya pa ako dahil naaasar na ako sa laki ng ngiti niya.

"Taray... beauty queen ka na talaga," he chuckled. "Kaya maraming nagkakagusto sa 'yo, e."

Umirap ako at nagsimulang maglakad. "I don't have a choice. Hindi ako makahindi sa teacher namin, e."

Natawa siya. "Hintayin kita mamaya."

"Huwag na. Baka gabihin kami," sabi ko. But he just smiled and insisted na hihintayin niya ako bago siya nagpaalam. Wala na rin akong nagawa. Dumiretso na ako sa modular room namin for my Modern Geometry class.

Diret-diretso na iyong class namin. Hindi nga namin napansing lunch break na kaya sumama na ako kina Jhia para kumain ng lunch kasi kumakalam na rin ang sikmura ko.

"Quen!"

Napalingon ako sa babaeng sumigaw malapit sa akin. Nag-sorry pa siya sa akin bago tuluyang lumapit kay Quen na ngayon ay nakatingin na sa akin.

"Hey," aniya. Tinawag niya pa ako.

"Hey."

"Good luck sa pageant," Quen chuckled. Inakbayan niya na iyong babaeng tumawag sa kanya kanina. Nakasimangot na at walang ekspresyong nakatingin sa akin. I smiled awkwardly.

"Thank you."

"May practice ba tayo mamaya?" The girl asked him. Tinulak niya pa ito kaya natawa si Quen at hinuli ang kamay niya.

"Yes. 5PM, sharp."

The girl smirked. "Sharp, huh."

Sa huli, nagpaalam na ako sa kanila. Hinihintay na rin kasi ako ni Jhia. Nagdesisyon kaming kumain sa Estong eatery kasi very affordable lang iyong mga ulam do'n. Masarap din. Doon madalas ang tambayan ng mga educ kapag may vacant at kapag nagugutom.

Pumwesto kami sa dulo ng eatery. Marami na ring estudyante ang kumakain kaya pagkatapos naming mag-order ng ulam, pumwesto na kami.

Biglang nagtawanan ang nasa kabilang table. Pamilyar silang lahat sa akin dahil... mga kaibigan sila ni Jasper. Nagtatawanan sila na parang ako iyong pinupulutan.

The Drunken Vengeance (Love Boundaries Series #2) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon