Ylena Rodriguez

141 5 1
                                    

Chapter 19

"Cristina!" someone shouted.

Lumaki ang ngisi ko nang makita si Ylena. She's very beautiful. Parang hindi man lang nagbago ang mukha niya. Nasa likod ko si Mateo at mukhang nagulat pa sa pagtawag sa akin ng kaibigan niya.

"She likes you very much," bulong niya.

Iniwan ni Ylena ang mga bisita niya para lapitan ako. May malaki siyang tarpaulin sa teresa ng bahay nila. May mga mamahaling mwebles din na naka-display bilang palamuti sa labas ng kanilang bahay. May mga dim lights din sa pool area at nandoon ang iilang kaibigan niya. Maraming businessman at professional na bisita na pinakilala niyang kaibigan ng mga magulang niya.

Nakita ko nga ang mga Florendo na pormal na nakikipag-usap sa iilang matanda.

Naramdaman ko kaagad ang lambot ng bermuda grass bago ako hinawakan ni Mateo para harapin sa Ylena.

"Gosh! Long time no see! I missed you!"

I laughed. "Uh... congrats nga pala... attorney."

"Thank you! Wow! Sobrang saya ko nang sabihin sa akin ni Mat-Mat na isasama ka niya! I mean... yes! Finally I can see you after years!" Tuwang-tuwa talaga siya.

"Wala pa si Xenon?"

Nilingon niya si Mateo. "I don't know. Mukhang 'di naman pupunta, e. Si Simon, busy din."

"But his parents... did. Baka ayaw ka lang puntahan?" Mateo smirked.

"Funny ka, Mateo?"

Pipikunin pa sana niya kaso sinamaan ko na siya ng tingin. Masamang biro kasi! Napakamot nalang siya sa ulo niya kaya humalakhak si Ylena.

Bigla kong naalala... ang hiwalayan nila.

Ngumisi siya sa akin.

"Let's go inside," she pulled me kaya nagpaubaya na ako. Nakasunod lang sa amin si Mateo. Natawa pa nga ako dahil palagi siyang tinataboy ng kaibigan niya pero ayaw niya.

"What's wrong with you, Mat-Mat? Just enjoy the party, okay?! Ako na bahala kay Cristina!"

Mateo glared at her. "No drinks for her, Ylena."

"Alam ko 'yon! Stop acting like her boyfriend!"

I chuckled.

Mateo gritted his teeth. Sumama pa ang mukha niya nang bumaling sa akin.

"I'm just... protecting her."

"Okay lang ako, Mateo." I smiled. Siyempre, hindi siya kumbinsido pero alam niyang hindi siya titigilan ni Ylena kaya kinuha niya nalang iyong drinks niya at lumayo sa amin.

"So... how are you?" Ylena asked me.

"Uh, okay lang. Eto... busy sa pag-aaral."

Tumango siya. "What course?"

"Education," sagot ko.

"Good for you! And... you changed a lot, huh. Mas lalo kang gumanda! Balita ko sumasali ka na sa mga pageants." Pinuri niya pa ako.

Natawa nalang ako at nahiya.

"Mabuti naman at magkaibigan pa rin kayo ni Mateo."

Tumango ako. Mas klaro na nga ngayon.

"Nagpipigil na ang gago," she whispered.

"What?"

Umiling siya at humalakhak. Ngumuso ako dahil hindi ko maintindihan ang ibig niyang sabihin.

The Drunken Vengeance (Love Boundaries Series #2) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon