Chapter 12
"We would like to say thank you for all the sponsors—AB Cosmetics, Flowers of Ecstasy and JYE sports! Now, our reigning Miss Intramurals will received a cash prize, a sash and a crown," the crowd cheered again.
Kumurap-kurap ako. Halos 'di ko na naririnig ang hiyawan nila. Agad kong naramdaman ang kamay ng candidate 1 para pumunta sa gitna. This is the night. Ang tagal naming pinaghandaan 'to.
Wow.
I didn't expect this.
Akala ko kasi... subok lang. For experience. Hindi ko naman inisip na makakapasok ako sa top 5... at ngayon, top 2 pa!
"Our Miss Intramurals 2021 is..." I closed my eyes as the drum rolled madly like my heartbeat.
"Whoever will win... she deserve the crown." Miss STEM a.k.a candidate number 1 whispered. Tumango ako at sinabi rin sa kanyang deserve niya rin manalo. Kapag nakuha niya 'to, grand slam na. Kapag nakuha ko 'to, I'll break the record.
"Candidate number..."
Pumikit ulit ako.
Tapos biglang tinawag ang number ko.
Buong buhay ko, ang pagpasok sa beauty pageant ang pinakahuli sa bucket list ko. Bukod kasi sa insecure ako sa katawan ko, takot ako sa maraming tao. Takot akong humarap. Really... people... I've seen the worst version of them.
But because of Tani... her stupid logic brought me here. I worked out to fit my body. Malaki ang pinayat ko. 'Di ko nga alam kung dahil ba sa healthy lifestyle ko o sa stressed lang ako. I don't know.
I tried to be famous. Kasi sabi ni Tani, mas okay iyon. Kahit ang totoo, 'di ko naman makita ang significance no'n sa peace ko. I didn't believe... not until I slowly earned the respect of people.
Can you believe it?
When you're beautiful... nirerespeto ka nila. Puring-puri sila sa 'yo. Hindi naman lahat but mostly. Sinubukan kong alisin sa sistema ko iyong pagiging weirdo kasi nga... nasa senior high na ako. Mas kailangan ko ng maraming kaibigan.
And I did.
"Beauty queen ang anak ko! Top student pa 'yan!" si Mama nang nakauwi na kami sa bahay. Tuwang-tuwa siya at pinaulanan ako ng halik.
Ate chuckled. "Ganoon din ako noon!"
"Ang mga anak ko... puro beauty queen! Nagmana talaga kayo sa akin!" Hinalikan ulit ako ni Mama. "Pero siyempre... beauty with brains, di'ba tawag do'n, anak?"
"Beauty and brain, Ma."
"Oh, iyon! Basta pareho lang 'yon!"
"Naku! Uulan na naman ng flowers ang kwarto dahil sa mga delivery from admirers!" Sinundot pa ako ni Tani kaya natampal ko siya.
I sighed. "Magbibihis lang ako, Ma."
Dumiretso ako sa kwarto ko. Magulo na sila sa baba para ipaghanda ang konting pagkain na inihanda pa ni Papa sa akin. Hindi man siya nakadalo sa pageant, alam ko naman na sobrang proud siya sa akin.
He's my number one supporter. Through thick and thin.
Pagkatapos kong hubarin lahat ng hikaw at palamuti sa katawan ko, naligo kaagad ako. Hindi matahimik iyong cellphone ko kasi ang daming notifications na dumarating. May mga tumatawag pa nga sa messenger kaya sigaw ako nang sigaw sa banyo.
Congratulations to our newly crowned queens!
Miss Intramurals 2021 Cristina B. Mallari of HUMSS division made it!Miss Intramurals 2021 First Runner-up Tashia Ynares of STEM division.
BINABASA MO ANG
The Drunken Vengeance (Love Boundaries Series #2) COMPLETED
RomanceWarning: This story contains mature scenes, lines and disturbing content. Reading comprehension is a must. Intrusive thoughts... heartbreak... and pain.. Cristina Mallari believes that she was done. After her lovesick drama in high school life whe...