Chapter 39
Cristina Ann G. Mallari, LPT, MERM
Ang sarap sa mata! Finally!
Sabi ko noon baka 'di ko kayanin ang pressure at hirap pero... grabe, ang bait ni Lord sa akin. With His grace and strength, nilaan niya pa rin ako sa path na 'to. Sabi nga nila, graduate school can be fun but it is not a joke. Ilang taon kong hinintay at pinaghirapan 'to kaya nang dumating ang araw na nag-iba na ang togang suot ko, alam kong worth it lahat.
Ngumisi ako kasama sina Mama, Papa at Ate. Itinutok ni Tani ang camera sa amin. Nasa gilid niya sina James at Mateo.
"One, two, three... smile!"
Kahit anong pose na nagawa namin. Agad pumwesto si Mateo sa gilid ko kaya parang tanga si Tani na nang-aasar na naman. I blushed a bit...
"I'm so proud of you," he whispered. Bigla niya ring hinalikan ang noo ko. Feeling ko nga, napasama iyon sa shot ng magaling kong pamangkin.
Ngumiti ako. "Thank you..."
Then he smiled for a shot. Kinuha ni Mateo ang toga ko at bouquet. Hindi ko inalis ang pagkakahawak ko sa kamay niya kaya magkatabi kami ngayon sa kotse para makabyahe na for dinner.
"You booked a hotel?" tanong ko sa kanya.
Tumango siya. "Yeah."
Ngumuso ako. "Hindi mo na sana—"
"I have a surprise..."
Ngumuso ako.
Mula noong naging boyfriend ko siya, mas lalo siyang naging clingy at sweet. Yeah, boyfriend ko na siya. Two months na ang nakakalipas mula noong sinagot ko siya at sa tuwing may sinosopresa siya para sa akin, iniisip ko na talagang naglalaan siya ng oras para sa akin.
Siyempre nag-book si Mateo ng apat na room para sa amin. He respected my parents so much at mas naiintindihan ko kung bakit 'di kami pwedeng magsama sa isang kwarto kahit na natulog naman kami noon nang walang nangyayari.
"Let's go," he pulled my hand. Kakatapos lang naman sa buffet para sa dinner, nagpaalam na muna siyang hihiramin niya ako.
"Saan ba kasi tayo pupunta?" I chuckled. Mukha kasi siyang bata na masayang-masaya dahil napagbigyan sa gusto niya.
We used elevator para makarating sa rooftop na sinasabi niya. Hinahalikan ko ang balikat niya habang hinihintay na makita ang sorpresa. Pagbukas ng pinto, tumambad sa akin ang nagkalat na mga petal roses. May table naman sa gitna at may nakahandang wine.
"Maganda ang view dito."
I agree. Dumiretso kami sa table para makaupo at matikman ang nakahandang desserts and wine na mukhang imported pa.
"So... what's your plan?" tanong niya.
"Hmmmm... I'm waiting for my item. This time, ramdam kong may malaking blessings na darating para sa akin. Makakapagturo na talaga ako."
Ngumiti siya. "Cheers..."
"Cheers," I said.
We talked about random things. Para kaming bumalik sa dati naming mga sarili kung saan nauubos ang oras namin sa kwentuhan.
"Kung kausap mo ngayon ang batang ikaw... that 17 years old Mateo, anong sasabihin mo sa kanya?"
He licked his lips. Suminghap siya at napasandal sa upuan niya, halatang nag-iisip.
"Maybe... I just wanted to say sorry."
Napainom ako sa wine ko. Nanatili ang tingin niya sa akin at nagpatuloy na kausapin ang batang sarili.
BINABASA MO ANG
The Drunken Vengeance (Love Boundaries Series #2) COMPLETED
RomanceWarning: This story contains mature scenes, lines and disturbing content. Reading comprehension is a must. Intrusive thoughts... heartbreak... and pain.. Cristina Mallari believes that she was done. After her lovesick drama in high school life whe...