Heartbroken

230 12 0
                                    

Chapter 2

"May ibang nilalantakan ang crush mo," aniya bago ako hinatak palabas kasi hindi kami pwedeng magtagal do'n.

Bago ko pa marinig ang sasabihin niya ay umuwi na agad ako. Hindi ko na kakayanin kung ipapamukha niya pa sa akin iyon. Alam ko ang nakita ko. Matthew was kissing another girl at naiintindihan ko kung bakit nasasaktan ulit ako. Mas masakit kasi alam ko naman na wala akong karapatan.

I promised to myself that I'll let him go. Na kahit iyong pinanghahawakan kong feelings ay mawala na rin. It wasn't easy to fall over heels with him lalong alam ko naman na malabo niya akong magustuhan.

Hindi ito biro.

Grabe, pitong taon ko na siyang crush kaya alam kong hindi ito simpleng paghanga lang.

I sighed. May post-test kami bukas kaya kailangan kong mag-aral. Nasa gate pa ako nang salubungin ako ni Mama. Mukhang mamalengke pa ata at ginabi na. Nagmano ako pero hindi nakaligtas sa kanya ang mukha ko.

"Okay ka lang ba, anak?" Nilingon ulit ako ni Mama habang dalang-dala niya ang kanyang basket. Tumango lang ako dahil nakakahiyang aminin kay Mama na brokenhearted na naman ako sa isang lalaki. Agad akong gumulong sa kama ko at natulog. Sa tuwing malungkot ako, mas gugustuhin kong matulog nalang para makapagpahinga kahit papaano.

Naramdaman ko ang kiliti sa talampakan ko kaya napasipa ako nang wala sa oras. Humalakhak si Tani at ibinaba ang feather ballpen sa table niya. Napaahon ako at inayos ang salamin na nakatulugan ko pala.

"Bakit ngayon ka lang?"

Hinubad ni Tani ang bra niya kahit na suot niya pa ang uniporme niya. "May nilakad kami ni James," sagot niya at hinubad ang polo. Nanatili ang mga mata ko sa dibdib niyang may pantal. Tani looked at me too pero hindi man lang nag-abalang i-deny ng gaga ang nakita ko. May multo pa sa labi niya nang lingunin niya ako.

"Monthsary namin," sagot niya bago umupo sa kama para magtanggal ng medyas.

Hindi na nga ako sang-ayon sa relasyon nila ni James tapos eto pa? Masyado nilang minamadali ang lahat! Parang kailan ay nag-babargadulan pa sila dahil sa mga ugali nila tapos nabalitaan ko nalang na sila na?

Suminghap ako at hindi na inusisa si Tani. Dumiretso siya sa banyo kaya nagbihis na ako bago kinuha ang ilang libro para makapag-aral. Napasulyap ako sa tukador namin at nakita ang iilang sanitary pads do'n. Schedule ko next week habang si Tani naman ay dapat dinalaw na sa linggong 'to pero mukhang hindi pa siya nireregla dahil nanatiling silyado ang napkin niya.

Lumabas siya ng banyo nang nakatapis. Hindi ko mapigilan ang sarili kong suwayin siya lalo na't sexually active sila pareho.

"Hindi ka ba nireregla?"

"Delayed lang ata ako," sagot niya at sinuot ang panty. Kumunot ang noo niya bago niya binato sa akin ang unan niya. "Gaga ka! Nag-iingat kami no! Hindi ako buntis!"

Okay. Kung hindi siya buntis, edi mabuti. Sinubukan ko ulit mag-solve ng given problem kaya natahimik na kami. Natulog agad si Tani habang ako ay mas nag-seryoso sa pag-aaral. Nang tumunog ang alarm ko para sa twenty minutes break, kinuha ko ang cellphone ko at nag-facebook nalang. I saw some of my classmates' posts and reels. Mukhang gumala pa sila bago umuwi .

Random lang naman iyong pag-vi-view ko sa my day ng friends ko pero dahil nga madalas ko siyang sini-search, natural lang na mahagip ko ang facebook story niya. Siya ang babaeng nakita ko kanina. It was posted four hours ago kaya kuha iyon bago ko paman sila nahuling gumawa ng milagro. Humaba ang nguso ko nang mabasa ang caption.

Afternoon grind with @honeyesteban

Mabigat ulit ang dibdib ko dahil do'n. Dapat hindi na ako nasasaktan 'eh. Wala naman pagbabago kasi papalit-palit siya ng babae pero iba yung sakit kasi naaktuhan kong may ginagawa sila. Pinilig ko ang ulo ko at nag-scroll pa para sa random post.

The Drunken Vengeance (Love Boundaries Series #2) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon