Victoria and Girls

133 7 0
                                    

Chapter 23

"You never failed me. You're still beautiful."

Kumurap-kurap ako. He slowly walked towards me kaya umatras ang katapangan kong ibalandra ang sarili. Yumuko ako at tuluyang kinain ng kahihiyan.

Mateo breathe heavily. Nananantya ang hakbang niya para lang 'wag iparamdam sa akin na dapat kong ikahiya ang katawan ko. I crossed my arms to cover my chest. Pinagdikit ko ang mga paa ko at nagsising hinubad ang aking damit.

"Nasaan ang tapang mo ngayon? Pinuri lang kita... umatras ka na?" He smirked and leaned more to whisper. "I told you... kahit ano pang ipakita mo sa akin, maganda ka pa rin sa paningin ko."

Kumalabog ang puso ko sa sinabi niya. Alam niyo iyong pakiramdam na parang lahat ng dugo sa katawan ay napunta sa mukha mo. Ganoong pakiramdam.

Uminit ang pisngi ko kaya mas lalong hindi ko maiangat ang tingin ko sa kanya.

Noong pumayat ako, nag-iwan iyon ng bakas sa katawan ko. Dahilan sa tuwing sumasali ako ng pageant, naglalaan ako ng oras para pagtakpan iyon.

May iniabot si Mateo sa closet. Isang puting roba ang kinuha niya para ibalot sa akin. Tears suddenly betrayed me. Nanginginig ang labi ko dahil pakiramdam ko, sobrang bigat at ang dami nang nangyari. Akala ko kapag gumanda ako at ginawa ang gusto nila, makakatakas na ako sa kasamikan at pang-iinsulto ng mga tao.

I believe... that having beautiful physique makes people to accept you more... love you more but I guess, I was wrong.

Mateo pulled me for a hug. Agad akong humagulgol. Bigla siyang nanghina at napaupo sa couch. He made me sit... sa hita niya. It made me secure... and safe. He caressed my back and whispered something.

"Hindi ako naniniwalang ikaw 'yon. Jhia believes the same. Pati mga classmates mo... at ang mga taong nakakakilala sa 'yo."

Suminghot ako at mas lalong sumiksik sa kanya. Mamaya ko nalang iisipin ang kahihiyan ko. I wanted to do this... with him. For years, si Mateo lang ang tanging taong... nagparamdam ng katahimikan sa akin.

Nakakahiya...

"Hindi na pumasok si Jasper."

Natigilan ako at agad na nag-angat ng tingin sa kanya. "W-What?"

His jaw clenched. Inayos niya ang buhok na dumadampi sa basa kong pisngi at inilagay iyon sa likod ng tainga ko. Uminit ulit ang pisngi ko.

"Dahil sa ginawa niya... labag iyon sa moral code ng school. They won't tolerate Jasper. Napatunayan naman na siya ang nag-utos dahil kay Gilyan."

Suminghot ulit ako. "How about Gilyan? Isang beses ko lang siyang nakita. Bakit... niya ginawa iyon?"

Mateo sighed. "She loves Jasper pero nauumay na siya sa tuwing binabanggit ni Jasper ang pangalan mo. Nagselos siya at sapat na 'yon para gawin ang gusto niya."

Hindi ako nagsalita.

"Natigil siya sa pag-aaral kaya tinanggap niya ang bayad ni Jasper. Desperate for love... desperate for money."

Tumango ako at unting-unti na conscious sa pwesto ko. Tatayo na sana ako pero pinirme niya ang kanyang kamay sa hita ko. Napakagat ako sa labi ko at tumigil sa kakagalaw. Halos hindi umabot sa sahig ang mga paa ko dahil sa maayos niya akong pinuwesto sa kandungan niya.

"Papasok ka na ba? Are you... okay now?" tanong niya.

"Kailangan kong pumasok," namamaos kong sabi.

"Nakausap ko ang Mama mo. Hindi ka rin daw lumalabas ng kwarto mo."

The Drunken Vengeance (Love Boundaries Series #2) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon